BLAG! Goes Aly's car door. Pagsasarhan na sana niya si Den pagkapasok nito sa sasakyan niya pero inunahan siya nito at pabalibag na sinara ang pintuan. Aly just rolled her eyes and went to the driver's seat.
"What is it this time?" Aly asked.
"Wala," walang emosyong sagot ni Den.
Aly leaned to fix Den's seatbelt. "We both know na may problema."
Den swatted Aly's hand. "Pwede ba. Kaya ko na ito!"
"Fine. Alam mo pagod na din ako from the game. Kung ayaw mo pagusapan ngayon, sige lang. Maybe some other time," Aly said.
"Wow. Pagod ka pala. When you're with me pagod ka. Pero pag after game interview sobrang energetic ka. Why? Kinikilig?"
Aly can't help but hit the steering wheel. "So that's it! The same old issue. How many times do I have to tell you that Lau and I are just good friends?"
"Good friends. Right. Necessary ba sa friendship niyo na magkulitan at magyakapan kayo on national tv?" asked Den.
"Naturally makulit si Laura during interviews. Hindi lang sa akin. Pati sa lahat."
"Pero mas extra pag sayo! Palibhasa kasi she's making a move on you. Nawala lang ako sa UAAP, she grabbed the opportunity na na magpapansin sayo," Den retaliated.
"Den, are you even hearing yourself?! May boyfriend yung tao tapos pagiisipan mo ng ganun?"
"Akala ko ba good friends kayo? Bakit hindi mo man lang alam na wala na sila ni Von?"
Natigilan naman si Aly, "She haven't told me that yet."
"See?!"
"Well, instead na pinagiisipan mo ng kung ano si Lau, dapat pala iniintindi natin siya. May pinagdadaanan yung tao. Kaya pala masyadong hyper lately. Maybe she's just trying to forget she's hurting," explained Aly.
Dennise just rolled her eyes. "Unbelievable!"
"Useless naman kasi yang paghihinala mo e. You're just overthinking. Maybe med school has taken a toll on you."
"Yeah it did. Pagod na ko sa exams, minsan na lang tayo magkita, tapos ganito. Mabuti nga nageeffort pa kong umattend ng games mo e," said the frustrated Dennise.
Iniwas ni Aly ang tingin niya. "Pumupunta ka nga pero hindi ko naman maramdaman na nandito ka. Every time na makikita kita, you're busy with your phone. O kaya naman nakikipagusap sa mga kaibigang kasama mo."
"Kasi yun lang ang pinapansin mo. A little appreciation would do, Ly."
"Naaappreciate ko naman e. Ang akin lang, I hope that this little time we have together, huwag naman sana tayo nagaaway pa," pakiusap ni Aly.
"Walang magiging away kung walang issue."
"What do you want me to do?"
Den looked at Aly intently. "I think alam mo kung ano."
Aly nodded her head. "Okay. Sige. Iiwas ako kung yan ang gusto mo. In the condition na you spend less time with your guy friends too. LA perhaps?"
"Ano namang kinalaman niya dito? At seryoso? Ako pa ang paghihinalaan mo?"
"Don't be unfair, Den. Pag ikaw ang magseselos okay lang pero pag ako hindi? I trust you but I don't trust the guy."
"We know him for a long time already," appealed Dennise.
"Same goes with Laura."
"I see where this is going. So ginagawa mong justification si LA para hindi iwasan si Lau."
![](https://img.wattpad.com/cover/17889533-288-k83247.jpg)
BINABASA MO ANG
No Way! Yes Way!
FanficArranged marriage? Luma na yan! But for AlyDen? Pwede kaya? :)