Solution

17K 369 62
                                    

"Haay, ang ikli ng bakasyon. Pasok na naman!" exclaimed Ella as she slumped on their dorm's sofa.

"Ayan ka na naman sa katamaran mo. Besh, it's a new year. Your resolution should be 'I will be a better student this year'," said Den.

"Eh di ikaw na ganado mag-aral," sagot ni Ella.

"Paanong hindi gaganahan? Inspired yang babaeng yan," Fille said in jest.

"Nandito na pala yung isa pang inspired e," sabi ni A sa kakapasok na Aly sa dorm na sumigaw ng "Happy new year, guys!"

"Happy happy new year ka diyan. Bakit ngayon ka lang, Valdez?" asked Dzi with her arms crossed.

"Sorry, Capt. Hinatid ko pa si Trish sa dorm nila. Natraffic lang kami nung sinundo ko siya sa airport," sagot ni Aly.

"Aaw. Ang sweet mo namang girlfriend," commented Mona.

Napatingin naman dito si Aly. "What did you say?" tanong niya.

"Sabi ko sweet kang girlfriend. Kailangan pang ipaulit?" sagot at tanong ni Mona.

"Hay naku! May bubwit na hindi yata mapigilan ang dila ah!" sabi ni Aly sabay tapon ng masamang tingin kay Ella. Aside from Den kasi, si Ella lang ang nakakaalam about Tricia.

"Oo nga e. Pati ako nilaglag niyan," said Den. Nakapeace sign naman si Ella sa kanila.

"Sorry na, Beshies. Nung sinabi niyo kasi sa akin about doon, I checked your IG and Twitter accounts and saw nothing about it. So, I just informed our teammates," explained Ella.

"Duh. Kaya nga hindi kami nagpost about dun kasi we want to keep our relationships private e. Para hindi pinag-uusapan ng mga tao," sagot naman ni Den. Aly and Den don't know how to explain their arranged marriage to Tricia and Andre or if they should even tell it. Kaya iyon na lang ang naisip na paliwanag ni Den at Aly sa mga partners nila: privacy. Pero primarily of course, ayaw nilang mabuko sila ng families nila. Kaya kahit gustong ipagsigawan nung mga partners nila about sa relasyon nila, hindi magawa ng mga ito dahil mas magiging maayos nga naman ang mga relasyon nila kung tahimik lang sila. Especially now that Aly and Den are starting to create some buzz due to their solid performance this UAAP season. Actually, they will be fighting for the crown against the DLSU Lady Spikers.

"Ganun? Pati sa amin dapat secret yan?" pagtatampo kunyari ni Bea.

"Hindi naman. We're going to tell you din naman. Naunahan nga lang kami," paliwanag ni Aly sabay tingin ng masama ulit kay Ella.

"Aly, huwag ka ng magalit kay Ella," sabi ni Mae.

"Besides, we weren't surprised when she told us about your relationships. You know, we were kinda expecting it," Amy said.

"Ang cute nga lang kasi sabay pa kayo," sabi ni Sarah na parang kinikilig.

"So every 25th of the month huwag na kayong magtaka kung bakit nawawala ang dalawang ito ha. #alamnathis!" pang-aasar ni Gretch.

"Iyan ay kung payagan ko sila," pahabol ni Dzi.

"Capt. naman. Don't be such a killjoy. Parang kayo ni A hindi niyo ginagawa yan ha," Tasha said.

"W-What are you talking about?" asked the stuttering Dzi.

"Ano nga yun, Tasha? Parang every 11th of the month lumalabas sila ng hindi nag-aaya di ba?" panggagatong pa ni Ayel.

"Ayun pala e. O ano ngayon Dzi? Hindi ka pa papayag?" sabi na naman ng alaskadorang si Gretch.

"Wow, nang-aasar si Greta ha. As if di namin napapansin yung paglabas niyo ni Fille every 3rd ha." Nandyan pala si Jem.

No Way! Yes Way!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon