Chapter 1
"Girl, saan tayo sa birthday mo?" Napasimangot ako dahil sa sinabi ni Chelsea tapos tiningnan ko siya ng masama. Mukhang hindi naman siya apektado sa klase ng tingin na binigay ko sa kanya kasi tinaasan pa niya ako ng isang niyang perpektong kilay.
"Chelsea, please lang wag mo nang ipaalala. Alam mo naman na kung pwede lang na burahin niya sa kalendaryo ang date of birth niya matagal na niyang ginawa." Natatawang sabi ni Barbie habang mahinhing sumisipsip ng kanyang kape with all the poise she'd learned these past years.
Tama siya. Kung pwede pa lang na burahin ko ang araw na ipinanganak ako sa kalendaryo ginawa ko na nung 24 years old pa lang ako. Ang pinakamatagal kong boyfriend ay nakipagbreak sa akin on the day of my 24th birthday. Naniwala pa naman ako na forever na kami ni Shing. In fact, paniwalang paniwala ako. Sino ang hindi maniniwala? Anim na buwan kami! That was my longest relationship and for me dapat na yung ilagay sa Guinness World of Records. Tiniis ko ang 5 feet 8 inches niya na height kahit na nga ba hindi yun ang ideal height ng guy na gusto ko. Tiniis ko ang ismid nila Chelsea at Barbie kapag nakikita or namemention ko si Shing. I don't know why they don't like him. Ang rason nila sa akin, hindi daw talaga pwedeng magsama at magtabi ang Mississippi and Washington. Yes, Shing's full name is Washington and everyone calls me Mississippi dahil yun sa facebook name ko. We're poles apart daw, North and South. Mabuti daw sana kung ang name ko ay Idaho, Oregon or Montana kasi pwede pang magdikit. O kaya daw pwedeng ang name ni Washington ay Tennessee or Louisiana na lang.
But who cares about the US geography? At that time all that I care about is my 6 months relationship with Shing that is bound to forever until that fateful birthday of mine. He broke up with me and his reason is as stupid as Barbie's and Chelsea's. Kung nag base si Chelsea at Barbie sa geography, si Shing naman nag base sa Astrology. According to Vedic Astrology hindi daw kami compatible dahil 50% lang ang love meter namin. We have daw a psychological and physical incompatibility dahil wala kaming mutual trust and one of us might change our mind. It is better daw to end our relationship according to the Vedic Astrology. I don't even know what the heck is the Vedic Astrology.
So yun, our 6 months relationship ended there to the delight of my gay friends. My forever ended there and since then, wala na akong relationship na nagtagal ng 6 months. Worst, tuwing birthday ko, wala akong boyfriend. Is it so wrong to wish na sana kapag birthday ko may babati sa akin ng Happy Birthday Babe, o kaya bibigyan ako ng bulaklak, isusurprise ako ng candlelit dinner. Is it so wrong to wish for it? Di ba hindi naman? Hindi naman yun harmful, right?
Minsan naisip ko, ano ba ang mali sa akin? Bakit wala akong boyfriend na nagtatagal? Hindi naman ako panget. Flawless naman ako. Hindi din ako mataray. Understanding din ako at maalaga sa mga naging boyfriend ko. Hindi rin ako high maintenance at demanding. I could be meek if I wanted to. I could be submissive if that's what they want. Pero bakit walang nagtatagal na boyfriend sa akin?
Dahil ba sa height ko? Dahil ba kapag nag 5 inches stilleto ako ay 6 footer na ako at pwede na akong isalpak sa PBA? Yes, my height is 5'7 and...three-fourths. I ignored the ¾ kasi matangkad na nga ako, ipapangalandakan ko pa ba ang ¾? Aminado naman ako na mapili ako sa lalaki at ang pinakauna kong requirement ay ang height. Ayaw ko naman kasi ng lalaking mas pandak kaysa sa akin. Ano yun? Hindi ko man lang mararanasan ang nakakangalay na paglambitin ng mga braso sa leeg ng lalaki habang hinahalikan? Alangan naman na ang lalaki pa ang maglambitin sa leeg ko? Nakakdiri!
Aaminin ko din na nung college ako ay naging choosy talaga ako. Hindi talaga ako nagboboyfriend ng hindi 6 footer. Pero ilan lang ba ang pinoy na 6 footer? Kaya naman nung nagwork na ako binabaan ko na ang height standard ko. Pumapayag na ako kahit 5'10 at sa case nga ni Shing 5'8, pumayag na ako. Pero bakit di pa din nagtagal?
Kailangan ko na ba maghanap ng Foreignoy? Si Fabio Ide kaya? Shucks may inanakan na yun. O kaya si Daniel Matsunaga? Dyahe, pinaglumaan na ni Heart.
Pero sino at saan ako hahanap ng boyfriend na aangkop sa akin? I am becoming desperate hindi dahil sa atat ako sa lalaki kundi dahil kunting usog na lang lalagpas na ako sa kalendaryo. I will be 28 next week. Lahat ng ka batch ko may mga asawa na. Si Mandy, nakatatlong anak na. Ang lahat ng mga ex boyfriends ko based kay facebook, may mga asawa't anak na din. Ako na lang talaga ang naiwan. My hymen is starting to grow its roots dahil hindi nagagalaw at ang matris ko, it is already ticking. Malapit na daw siyang mag expire. Sayang naman ang bili ko sa original kong matris kong mag expire nang hindi nagagamit.
"Don't worry girl, bago dumating ang birthday mo, may boyfriend ka na." Nakangiting sabi ni Chelsea.
"Paano naman?" Nagdududang sabi ko. Para namang ang dali lang maghanap ng boyfriend di ba? Next week na kaya ang birthday ko.
"Trust me." She said with confidence at unti unti nang nawawala ang doubts ko. Knowing Chelsea and Barbie, madami silang connections. Madami silang kilala kaya kahit papaano nagtitiwala ako na mangyayari ang sinasabi ni Chelsea. O baka naman, desperada na talaga ako kaya nagpapaniwala ako sa mga sinasabi ng mga ito.
"Basta hindi yung nalamas mo na ha!"
"Of course. Alam ko naman ang sacred rule natin eh." Yeah, that sacred rule. Walang sulutan at pasahan ng jowa.
"Wag kang mag alala, fresh pa to." Nakangisi pang sabi ni Chelsea ulit.
"Matinee Idol?" Na excite ako bigla. Hindi impossible yun lalo na at sa showbiz nagtatrabaho ang dalawang baklang to.
"Gaga! Kala mo naman may papatol pang matinee idol sa'yo unless marami kang datong para gawin ka niyang matrona!"Kumuha ako ng crumbs ng croissant na kinakain ko at binato kay Chelsea.
"Ang sama mo! Inosente pa kaya ako." Napalakas ang boses ko and Barbie acted as if she's vomiting.
"San banda 'teh? For your information Missy, hymen na lang sa'yo ang virgin. Ang utak mo, mata mo, pati ang kasulok sulukan ng ingrown mo, matagal nang nadivirginize." Buong diin na sabi ni Barbie at walang pakialam kung naririnig man ng lahat ng tao sa loob ng coffee shop ang mga pinagsasabi niya. Sagot nila lagi pag pinagtitinginan sila, keber ko ba? Kaya siguro ako, wala na ding pakialam sa sasabihin ng ibang tao. Pero may pakialam talaga ako kapag matris ko na ang nagrereklamo.
"Kahit na! At isa pa, wala akong ingrown noh! Alam mo yan kasi ikaw ang manicurista ko." Barbie shrugged her shoulders.
"Kunsabagay, magaling kasi ako." Baliwalang sabi ni Barbie at kinuha ang phone sa table na tumutunog. Binasa niya ang message at ngumiti ng malaki.
"Chels, malapit na daw siya." Biglang lumaki din ang ngiti ni Chelsea. Nagtatakang napatingin ako sa kanilang dalawa.
"Sino ang malapit na?"
"Sino pa ba? Eh di ang future boyfriend mo?" Proud na sabi ni Chelsea at nanlaki ang mga mata ko.
"Andito na agad agad?"
"Of course. Kami pa! At ikaw, bakla, maghubad ka na!" Tatawa tawang sabi ni Chelsea.
"Gagah! Nasa coffee shop tayo." Sakay ko naman sa kanya kahit na kinakabahan na ako. Sino naman kasi ang mag aakalang ngayon ko na makikita ang future boyfriend ko. Alam ko mabilis magtrabaho ang mga baklang to, pero hindi ko naman akalaing ganito kabilis.
"Teka, ilang minutes bago siya makarating? May time pa akong magretouch?" Nagpapanic na ako. Ibang usapan na ito. We are now talking about my future, my forever, kaya kailangang presentable ako.
"Go ka lang girl. It is the guy's job to wait. Sanay na sila doon." Dali dali akong tumayo at kinuha ang bag ko. Nagmamadali akong tumayo at naglakad papunta sa powder room ng coffee shop. Pero bigla akong natigilan at bumalik sa table namin nila Barbie. Nagtatakang napatingin sila sa akin.
"Anong height?" Tanong ko sa kanila.
"Six-three." Ang laki ng ngiti ni Barbie at ni Chelsea habang nakatingin sa akin.
"Bongga!" I exclaimed before I dashed to the powder room. This is it. This is really is it.
BINABASA MO ANG
The Gay Who Stole My Boyfriend
RomanceAll is fair in love and war even among the bekis.