Chapter 4
Ang paglalandi ni Missy.
Napangiti ako sa naisip ko. Kailangan ata may title ang bawat araw ng buhay ko para mas exciting. Parang katulad lang ng mga novels. May chapters, may chapter title at may cliffhanger every end of the chapter para mabitin ang mga mambabasa. What a nice idea.
"Ang ganda naman ng ngiti mo."Napatingin ako bigla kay Ter. Shucks, nakita niyang nakangiti ako mag isa? Naku! Baka isipin niya baliw ako at ma turn off siya. Pero, sino na ba ang lalaking na turn off sa ngiti ko? Sabi nila, at naniniwala ako, that I have one of the most alluring smile.
"Thanks. Sino ba naman ang hindi gaganda ang ngiti kung kasing pogi mo ang driver?" Malanding sabi ko. Hindi talaga ako malanding babae, demure pa nga ako kung tutuusin. Kapag kasama ko lang ang mga friends ko nagiging balahura ako kasi balahura sila. Kaya nga umabot na ako ng 29 at wala pa akong asawa at mga anak dahil hindi ako magaling sa landian. Pero dahil nga sa circumstances sa buhay ko, kailangan kong mag double time, kailangan kong alisin ang hiya at itodo ang kalandian.
Nakita kong ngumiti si Ter at muntik na akong mapanganga. Holy tacos, bakit ang pogi ng nilalang na ito? Saan ba siya naglalagi these past years at ngayon ko lang siya nakita?
Lumingon siya sa akin at muntik na niya akong mahuling naglalaway sa kanya. Mabuti na lang at napigilan ko ang laway ko. The drive to his condo has been pleasant. Kasing pleasant ni Ter, kasing pleasant ng kanyang masculine scent. Sa sobrang pleasant niya, gusto ko na siyang ibalot at iuwi sa bahay.
Hindi kalakihan ang condo niya. Tama lang para sa isang bachelor. Hindi sobrang gara pero hindi din pangit at ang nakakatuwa, napaka organize ng mga gamit. Nadagdagan ang admiration ko sa kanya. Gusto ko ng lalaking masinop. Ayaw ko ng lalaking parang ahas na kung saan maghuhubad dun din iiwan ang pinaghubaran. Parang si Daddy lang. Palagi siyang pinapagalitan ni Mommy kasi nasa tabi na niya ang laundry basket pero talagang ilalagay pa sa taas ng kama ang pinaghubaran ng damit. Mabuti na lang at hindi ganun si Ter.
"What do you think?" Napatingin ako bigla kay Ter. Ano daw?
"Huh?"
"What do you think of my place?" Ulit niya.
"Cozy and organized." I said.
"I like your suggestion a while ago. The lime green and white combination for the living room. It will brighten up the room." Sinabi ko ba yun? Nagtaka pa ako then I remember that I've described to him the sitting room of Amanda's home.
"Yes, of course. Especially that your unit's living room is facing the morning sun." Habang sinasabi ko yun, I am visualizing the sitting room at Mandy and Alexis's house.
"Have you designed a place with that theme?" Napalunok ako.Mapapasubo ata talaga ako dito.
"Yes, of course." Sabi ko na lang. Alangan naman na sabihin kong hindi. Eh di nawalan ako ng forever? Mabuko pa niya na gawa gawa lang naming ang lahat.
"Good. May sample photos ka ba?"
"Err...yes, pero nasa laptop ko sa bahay. I can show it to you next time." Para na din may next date pa kami. Pero bago yun, I need to call Amanda. Kailangan kong mapicturan ang sitting room nila.
I stayed for another hour at Ter's condo and I am a bit disappointed that he didn't even try to flirt with me. Hindi ko din siya masyadong nalandi kasi nakakahiya naman na landiin ko pa siya gayung hindi naman siya nagpapakita ng motibo.
Ter offered na ihatid ako sa bahay ko but I refused kasi nga hindi naman ako uuwi pa sa amin. Kailangan ko pang bisitahin ang sitting room ng kaibigan ko. Habangnasa taxi, tinawagan ko na si Mandy at sinabihang pupunta ako sa bahay nila.
BINABASA MO ANG
The Gay Who Stole My Boyfriend
RomanceAll is fair in love and war even among the bekis.