Chapter 2

274K 9.3K 3.1K
                                    

Chapter 2

Bilang isang babaeng may matris na malapit nang mag expire, importante sa akin ang first impression lalo na kung ang lalaking katatagpuin ko ang nakatakdang future ko at ang magiging ama ng sangkaterbang anak ko. Yes, sangkaterba talaga. Hindi ako magpapakademure at hindi rin ako manghihinayang sa aking figure. Gusto ko talaga ng sangkaterbang anak kasi nag iisang anak lang ako at ang nag iisang anak lang na katulad ko ang makakaintindi kung bakit gusto ko ng sangkaterbang anak. Malungkot ang maging only child. Wala akong kalaro, wala akong kakulitan, wala akong kaaway sa pagkain, wala akong kaagaw sa laruan, wala akong pupunain sa bahay. Solo ko ang magulang ko, solo ko ang lahat ng pagkain sa ref, solo ko ang attention ng mga magulang ko, ng lolo at lola ko, ng mga tito at tita ko, solo ko ang mundo and it was lonely. Lahat ng attention nasa akin kasi sa pamilya namin, uso ang only child. May limit ata ang matris ng pamilya ko at hanggang dalawa lang ang pinakamadaming anak. Sa generation ko, ako lang ang nag iisang anak, nag iisang apo, nag iisang pamangkin on both sides. Imagine all the attention directed to me. Kaya walang nagsasabi sa akin na kulang ako sa pansin dahil kung pansin lang ang pag uusapan, quotang quota na ako.

So, I've decided not to subject my child to what I've gone through. Kailangan madami sila. Yung punong puno ang bahay, yung maingay na maingay at makalat na makalat ang mga laruan. Gusto ko ng ganung pamilya, magulo, maingay at masaya.

Kaya kailangan na ma impress sa akin si six-three. Tiningnan ko ng mabuti ang sarili ko sa salamin at nung makuntento ako sa itsura ko, huminga ako ng malalim at lumabas.

Nakangiting naglakad ako palapit sa table namin nina Chelsea at lalong lumaki ang ngiti ko nung makita ko ang lalaking nakapink polo at nakaupo sa tabi ni Barbie. Mukhang matangkad nga kahit na nakatalikod.

Hindi ko pa mabistahan ng maayos ang pagkahombre ng lalaki dahil nakatalikod pa siya pero mukhang pogi kahit na nakatalikod. Na excite ako lalo kaya binilisan ko ang paglalakad ko papunta sa table namin.

Pagkakita ko sa itsura ng lalaking nakaupo sa tabi ni Barbie, biglang nawala ang ngiti ko. Natunaw na din bigla ang excitement ko.

"Siya?" Dismayadong tanong ko kina Barbie at Chelsea at itinuro ang lalaking nakaupo sa tabi ni Barbie.

"Hindi ka naman nasusuka sa mga pinagsasabi mo?" Nakataas na kilay na tanong ni Barbie.

Nakaismid at padabog na umupo ako sa upuan ko. Wala na akong pakialam sa poise ko. Bakit pa ako magpapakagraceful eh si Lexie lang naman ang katabi ni Barbie. Kahit na anong grace ang ipamalas ko, wala akong panama sa grace na meron siya.

"Nasusuka rin pero malay ko ba? At bakit andito ka bakla? Di ba nasa Paris ka?" Mataray na tanong ko kay Lexie. Tumaas lang ang kilay niya sa akin at hindi ako sinagot. Ang taray talaga ng baklang to kahit kelan.

"Bakit? Di na ba ako pwedeng bumalik ng Pilipinas?" Mataray na sabi niya pagkatapos akong tingnan mulo ulo hanggang paa. Kitang kita ang disgusto sa itsura niya habang tinitingnan ako. Alam ko kung bakit, hindi niya nagustuhan ang porma ko. Hindi pumasa sa taste niya ang fashion sense ko. Eh di siya na, siya na ang magaling sa fashion. Siya na ang nag aral sa fashion school sa Paris, siya na ang designer. Siya na ang pinagpala sa lahat ng mga bakla.

Kahit nung college hindi talaga kami vibes nitong si Lexie. Masyado siyang mataray for my taste. Nagkataon lang na kachukaran ko itong sina Barbie at Chelsea at pinsan naman nila itong si Lexie kaya naging magkabarkada kami. Pero kung kaming dalawa lang, nunca na maging friendship kami. Korte pa lang ng kilay niya, di ko na type.

Well, dati, inaamin ko na type ko siya. Nung hindi ko pa alam na bakla pala siya, nung unang kita ko pa lang sa kanya. Nung tahimik lang siyang nakaupo sa classroom chair namin. Paano naman kasi, hindi naman talaga matatawaran ang gandang lalaki niya at isa pa, hindi naman siya cross dresser at hindi din siya nagmemake up. Panlalaki pa din ang suot niya at porma katulad ngayon.

The Gay Who Stole My BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon