Chapter 30

217K 8K 1.7K
                                    

Chapter 30

We're both quite after his revelation. Kahit ako, hindi ko alam ang sasabihin ko, hindi ko alam kung paano ko siya i-cocomfort. I cannot say that it is okay because definitely aborting a child is not okay. It is a sin at hinding hindi yun tugma sa paniniwala ko. Yet, I cannot condemn him as well because he was young at that time. Kahit siguro ako, kapag nahaharap sa ganung responsibilidad, hidni ko rin alam ang gagawin ko. Who am I to judge?

Pagkatapos ng napakahabang katahimikan, nagyaya na siyang umuwi. He stood up and I followed him in silence until we reached his car. Kahit nung nasa loob na kami ng kotse at nagbabyahe wala pa ding nagsasalita. Hanggang sa makarating kami sa harap ng apartment ko, hindi pa din siya nagsasalita. Hinayaan ko siya because I know that he's hurting. Ayaw ko din magbigay ng unsolicited advice dahil baka makasama pa.

I am about to open the door when he spoke.

"You're wrong, you know." Napatigil ako sa pagbubukas ng pinto ng kotse at napatingin sa kanya. Nakatingin lang siya sa harap.

"I no longer love her." Mahinang sabi niya. I didn't say anything dahil ayaw ko siyang kontrahin. I don't want to voice out my thoughts dahil alam kong vulnerable pa siya ngayon. Hindi makakatulong kung makipagtalo pa ako sa kanya.

"Sinabi ko sa'yo ang nakaraan naming ni Sandy para maintindihan mo ang rason ko dahil alam kong nahihirapan kang tanggapin ang pagkatao ko. Telling you about Sandy is the only way for you to understand Missy."Lumingon siya sa akin at nakikita ko pa din ang lungkot sa mga mata niya. Nalungkot tuloy ako para sa kanya. 14 years niyang tinago ang guilt sa puso niya. 14 years niyang sinisi ang sarili niya. For 14 years, pinarusahan niya ang sarili niya dahil sa mga nangyari. He wasn't able to enjoy his youth because of what happened.

"Lexie, you really don't have to tell me the truth. You don't have to open up old wounds for me. You don't owe me anything. Still, I'm thankful na pinagkatiwalaan mo ako ng secret mo and I'm sorry na nangyari yun sa'yo. Ngayon mas naiintindihan ko na."Mabigat ang dibdib ko. I really felt sad for Lexie. Parang gusto ko na ngang umiyak. Parang kinukurot ang puso ko dahil sa mga nalaman ko.

"What do you understand Missy? Tell me." Bumuntong hininga ako at sumandal sa upuan.

"You're not really gay. Tanggap ko na. Naiintindihan ko din kung bakit ka nagpanggap na bakla. I understand your feelings towards Sandy. Alam kong sobra kang nasaktan at alam kong mahirap mag move on. I know that your guilt is eating you up. She's your first love at mahirap talaga kalimutan ang first love."Gusto ko sanang sabihing first love never dies but it's not true because Sandy died.

Yan ang masaklap sa pag ibig eh. We fall in love pero hindi lahat ng naiinlove nagkakaroon ng happy ending. Others end up crying. Mabuti sana kung lahat ng tao, may lakas ang loob na kayang harapin ang kabiguan. Pero paano kung mahina? Paano kung hindi kayang mag cope up sa sakit? Paano kung katulad ng ginawa ni Lexie? Instead of facing it head on, he chooses to hide by being gay. Instead of accepting the fact that sometimes people makes mistakes he chooses to wallow on his guilt and his pain.

Sandy is lucky. Kahit na namatay siya, she's still lucky because Lexie loves her so much na kahit ilang taon na ang lumipas mahal pa din siya ni Lexie. Samantalang ako, I can't even remember who my first love is. Yung first bf ko banung high school? Ano nga ulit pangalan noon? Bakit hindi ko matandaan? Maybe I don't love him the way Lexie loves Sandy. Maybe his love for Sandy is so great that until now, he still can't get over it.

I smiled bitterly. Why am I bitter?

"I no longer love her. Sinabi ko na sa'yo." Napatingin ako sa kanya. I kept a poker face para hindi niya mahalata na hindi ako naniniwala sa sinabi niya. Kung hindi niya mahal si Sandy, bakit ganun na lang ang iyak niya?

The Gay Who Stole My BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon