Chapter 5
"Ouch!" Maarteng sabi niya. Paano, binatukan ko siya. Para kasing ewan kung makatingin. Swear, nanayo talaga ang balahibo ko dahil sa tingin niya and for a while, nakalimutan ko na bading siya.
"Why the hell did you do that Missy?" Pambabae na ulit ang boses niya. Matinis at maarte. Napahinga ako ng malalim. Kinabahan ako doon ah. Malay ko ba naman kasi na may kakayahan ang baklang ito na tumingin ng ganun. Nakakalunod, leche!
"Ang creepy mo kasi, kung makatingin ka naman. Saka di ba dapat nagsusuka ka na sa pandidiri sa sinabi ni Mandy? Bakit di ka man lang nagreact?" Pakiramdam ko tuloy hanggang ngayon, dumidikit pa din sa akin ang klase ng tingin niya at hindi pa nakarecover ang balahibo kong nagsitayuan. Walanjo talaga tong baklitang ito.
"Kailangan bang magreact ako sa lahat ng bagay?" He said raising his chin up. That's more like it. That's the Lexie I know.
"Ewan ko sa'yo. Makauwi na nga. Mandy, hiramin ko muna to at isesave ko ang mga kinunan natin sa laptop ko." I raise my hand holding the camera and she nodded.
"Nagtaxi ka lang di ba? Naku, nakaalis na si Kuya Nestor at sinundo si Alex sa office. Lexie, hatid mo na lang si Missy." Bilib din naman ako kay Mandy kung maka utos sa bayaw. Parang driver lang.
"Kaya nga niyang maglandi mag isa, eh di kaya din niyang umuwing mag isa." Mataray na sagot ni Lexie sabay irap sa akin. Kita mo to!
"Di wag! Maldita!" Inirapan ko din siya. Akala niya siguro hindi ko siya papatulan? Aba! Pumapatol ako sa bading. Kala niya ha!
"Sige magpatawag na lang ako ng taxi para naman di ka maglakad ng malayo palabas ng village." Pumasok si Mandy sa loob ng bahay para siguro tumawag sa guard para kumuha ng taxi at pumasok din si Lexie. Hindi man lang nagpaalam. Maldita talaga. Sarap sipain ng betlog. Umupo na lang ako at kinalikot ang camera. Sana naman walang scandal dito sina Alexis at Mandy.
"Tara na, ano pa ang hinihintay mo, pasko?" Nagulat ako at napatingin kay Lexie. Nakasuot na siya ng shirt at jeans at hawak ang susi ng kotse sa isang kamay. Humahalimuyak ang bango niya. Pero hindi naman amoy pambabae ang pabango.
Napangiti ako ng tipid. Kita mo tong baklang to, ihahatid din pala ako, nagpakipot pa. Sarap kurutin.
"Hindi. New Year ang hinihintay ko para maputukan na ako." Umismid lang siya at tinalikuran na ako tapos naglakad papuntang driveway. Siyempre sumunod ako. Libreng sakay na eh, tatanggi pa ba ako? Choosy pa ba?
"Hindi ka man lang magdadrive thru?" Sabi ko nung nakalabas kami sa village nina Mandy at nadaanan namin ang isang fastfood. Hindi naman ako gutom. Gusto ko lang may mapag usapan kasi ang tahimik niya at napapanis ang laway ko.
"Kakameryenda mo lang, kakain ka na naman?" Nakakunot at pabalang na sabi niya.
"Bakit ba? Sabihin mo lang kung ayaw mong manlibre. Kunyari ka pang may pakialam sa kabusugan ko. Ang sabihin mo, kuripot ka lang. Bakit nga ba napakakuripot mo? Bakit ang maldita mo sa akin? Inggit ka no? Kasi totoong babae ako tapos ikaw hindi." I stressed every word and raised my chin. Proud na proud sa pagkababae ko.
"Duh! Para namang may kainggit inggit sa'yo." Aba!
"Aba madami. Una, may matris ako, ikaw wala. Pangalawa, totoong babae ako, ikaw hindi. Pangatlo, magpapakasal kami ni Ter at magkakaroon ng sangkatutak na anak." Napalingon ulit siya sa akin. This time, nakakunot na ang noo niya.
"Kasal agad? Ni hindi pa nga nanliligaw? At sigurado ka bang type ka nun?"
"Kung hindi niya ako type, hahalikan ba niya ako? Ayyy!" Nagulat ako kasi bigla siyang nagbrake. Mabuti na lang at nakaseatbelt ako kasi kung hindi subsob ako sa dashboard. Walang hiyang bakla! Sa sobrang inggit sa akin, gusto pa atang sirain ang pagmumukha ko!
BINABASA MO ANG
The Gay Who Stole My Boyfriend
RomanceAll is fair in love and war even among the bekis.