Chapter 29

229K 8K 1.5K
                                    

Chapter 29

An atomic bomb hit me. I tried to think of different scenarios where I could prove Lexie's declaration of love to be false. Maybe he is just having a delusion. Maybe I am just dreaming. Maybe, I am in a limbo where nightmares do come true and maybe, this is all a fucking illusion.

Pero hindi, I am still here standing in front of him. He is still in front of me looking defeated because he had just admitted that he loves me. He loved me for a long time. Ten years. Sino ang hindi mawiwindang sa mga pinagsasabi niya?

What the hell! Hindi ko kayang I digest. It's like a big chunk of meat na hindi nilaga ng mabuti kaya hindi ko malunok kasi matigas.

Paanong nangyari yun? Paanong ang isang Lexie Mondragon ay nagtatapat ngayon ng pag ibig sa harap ko? Never in my wildest dream did I expect this. Paanong nangyaring namakla ako ng hindi ko alam?

Katapusan na nga ata ng mundo.

"This is the reason why I wanted to talk to you. I know that you'll be having this kind of reaction. Alam kong mahirap paniwalaan but I am laying all my cards now. It's up to you to believe me or not. It's really up to you Missy."

"Pero...pero paanong nangyari? Bakla ka." Hindi ko talaga maintindihan. Kung gusto na pala niya ako dati pa, bakit kailangan niyang magpanggap na bakla? Kung hindi siya nagpanggap na bakla eh di sana wala na kaming ganitong scene ngayon dahil napopogian naman na talaga ako sa kanya dati. Nawala nga lang ang crush ko nung malaman ko ang sexual preference niya.

"Hindi ako naging bakla." Mas lalo akong naguluhan. Hindi siya naging bakla? Ano yung pagsali sali niya sa pageant? Ang mga pilantik niya? Ang lahat ng kabaklaan na ginawa niya?

"Pero bakla..." Ang gulo! Hindi ko alam na may mas gugulo pa pala sa politika ng Pilipinas and that's Lexie.

"Sinabi ko na sayo, I just pretended to be gay. I met Barbie and Chelsea and I've decided to be like them." Huh? Ganun kalakas ang convincing power ng mga baklang yun na pati si Lexie nagawa nilang I convert?

"I was 16 nung bumalik ako sa Pilipinas. Barbie and Chelsea became my blockmates and we've found out that we're related. Distant cousins. At that time, I don't want to involve myself romantically with any girls but it was easier said than done. Hindi nakatulong na mas mukha akong foreigner kesa Pilipino so naturally girls would take notice. I don't want any of their attention but it wasn't easy. I saw Barbie and Chelsea, they're both good looking pero hindi sila pinapansin ng mga babae and I found my solution. I wanted to be gay, so girls would stop flirting with me. I acted like one, live like a gay and do things that only gay people would do. It worked like a charm. I even convinced myself na bakla na talaga ako." My eyebrows rose. So this is a normal case of pogi problems. Ito lang ba ang dahilan ng lahat lahat? Pagod na siyang maging pogi kaya nagdesisyon siyang maging bakla? Kaloka!Ano yun, tanga moves? May ganun ba? Lalaking tamad nang magpakalalaki kaya gusto na lang maging bakla?

"Why the hell would you do that? Sino ang matinong lalaking ang magpapanggap na bakla sa loob ng sampung taon? You're crazy.Bakit?" He smiled. He fucking smiled at my outburst.

"Sandy."

"Ano?"

"Sandy is my first love." Huh? May first love ang bakla? Ay teka! Hindi na pala siya bakla. Ugh, never daw siyang naging bakla, according to him.Whatever.

"You fell in love with sands? You're worst than me."

"Her name is Sandy. I met her when I was 15. She was my first love and it didn't end well. From then on I promised not to be close to girls. I promised not to commit. I promised never to love. Again." I looked at him and I saw the pain on his face. Sandy...I already hate her. Kung siya ang dahilan ng pagpapapanggap o ang pagpipilit ni Lexie na maging bakla, nakakainis siya. Sinayang niya ang magandang lahi.

The Gay Who Stole My BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon