Chapter 34

248K 8.5K 1.7K
                                    

Chapter 34

"Ehhh!" May narinig akong tumili at nung napatingin ako kina Barbie at Chelsea, naghahampasan ang dalawang bakla na parang kinikiliti.

"Ang tamis bakla! Sana may papa ding gumanyan sa akin. Yung kapag sinabi kong magmamadre ako, sasabihin niyang, 'Hindi! Sa akin ka lang pwedeng lumuhod!'" Tumili si Barbie at tumili din si Chelsea tapos nag apir silang dalawa.

"Bet ko yang luhuran portion. Pero grabe di ba? Nanood lang tayo ng movie, lumipas na ng forever. Ang bilis ng panahon! Welcome back Lexie!"Chelsea said grinning from ear to ear while maliciously looking at us. Lumayo ako kaunti kay Lexie dahil magkadikit kami sa sofa. Tiningnan niya ako nung umusog ako palayo sa kanya pero hindi siya nagsalita.

"Ito lang ang pasalubong mo? Mukhang sa SnR mo lang ito binili ah!" Sabi ni Barbie habang binubulatlat ang nilagay ni Lexie sa center table. Kinuha pa niya ang mga laman na chocolates.

"I bought it at Roissy's duty free while waiting for my flight. I'm in a hurry." Umusod siya palapit sa akin at tiningnan ko siya ng masama. Ang laki kaya ng sofa. Bakit ba dikit ng dikit to sa akin?

"Halata nga. Di ba sabi mo apat na araw ka dun? Bakit andito ka na?" Napatingin ako kay Chelsea. Anong apat na araw? Di ba sabi nila 4 years? 4 decades? Tapos alam pala nilang 4 days lang? Ugh! They're making fun of me! Nung magsalubong ang tingin namin ni Chelsea, he smiled and nagpatay malisya. Malditang bakla. Pinagkaisahan nila akong dalawa.

"Birthday ni Lime bukas." I heard Lexie said but I ignored him because I am busy glaring at Chelsea and Barbie who are both busy checking the contents of the bag.

"Sus, ginawa pang rason ang pamangkin. Kaya pala the moment your plane landed, tumawag ka kaagad at tinanong kung andito. Sus!" Tiningnan ni Barbie si Lexie bago bumaling ang tingin niya sa akin and the moment our eyes meet, he grimaced at agad na binawi ang tingin. Halatang guilty. Makikita ng dalawang bakla na to mamaya sa akin. Ilulublob ko sila sa mainit na kape.

"Ganun!" I accused.

"Ang daming chocolates. Missy gusto mo to?" Chelsea distracted me but I answered him with a glare. Gusto ko na silang sabunutan at nang makaganti na ako pero nadistract ako kasi naramdaman ko ang braso ni Lexie sa balikat ko. Umalis ako sa pagkakasandal sa sofa para hindi magdikit ang braso niya sa likod ko.

"Hmm...4 decades?" I murmured again. Barbie grab the bag of chocolates.

"Wow! May Christophe Roussel! Gusto mo Missy?" Barbie exclaimed totally ignoring me and holding a box of chocolates. Bigla akong naglaway and I bit my lower lip. Gusto kong agawin sa kanya pero mawawalan ng saysay ang galit ko kung magpapadala ako sa isang box ng chocolates.

"Wag mo akong suhulan! You really think you can get away with everything..." Hindi ako natapos sa pagsasalita dahil tumayo na ang dalawang bakla bitbit ang buong bag na may lamang chocolates. Para bang hindi nila ako naririnig.

"Halika na bakla! Paghati-hatian na natin ang kakarampot na pasalubong ng kuripot nating pinsan. Bigyan natin ang mga kids." Just like that, magkahawak kamay silang umalis.

"Hoy! Hindi pa tayo tapos!" I stood up to follow them but Lexie hold of my arms and pulled me again to the sofa kaya napaupo ako sa tabi niya. Tiningnan ko siya ng masama.

"Hey, they're giving us space. Let them." I looked at him and surprisingly, he's not looking at me. Instead, nakasandal ang ulo niya sa sofa at nakapikit. Pero ang kamay niya hawak pa din ang braso ko.

"Space? I don't need space. Malaki ang kasalanan sa akin ng dalawang baklang yun. Pinagtitripan nila ako. Kung ano ano ang pinagsasabi nila. Nagkunyari silang kausap ka sa phone." Baka gawa gawa lang ng dalawang yun ang tawag. Mga maldita talaga! Makikita nila!

The Gay Who Stole My BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon