Chapter 23
Nakailang hikab na ako sa loob pa lang ng 5 minutes and I'm finding it hard to open my eyes. Inaantok ako at gusto kong matulog pero dahil nandito ako sa boutique wala akong magagawa kundi ang magpabili ng kape. Hindi kasi ako nakatulog kanina pagdating ko sa bahay kasi gulong gulo ako sa nangyari kaninang madaling araw.
Sabi nila Barbie at Chelsea, hindi daw tibo si Lexie, ibig sabihin bading talaga siya. Pero bakit panay ang halik niya sa akin kanina? Nag papauso ba siya? Imposible kasing lalaki siya at type niya ako. Like duh! Sampung taon kaming magkakilala and throughout those years bakla talaga siya. Baklang bakla! Hindi ko siya nakitaan ng kahit anong masculine tendencies. Alangan naman na nagpanggap lang siyang lalaki simula dati pa. Grabe namang pagpapanggap yun, sampung taon? Grabe lang ha! Tapos sumali pa siya sa Miss Engineering at nanalo siya. Take note, nag 2-piece siya nung pageant na yun. Kaya impossible talagang lalaki siya! Just thinking of him as a guy and connecting it with the pageant and all the gay things he'd done, hindi talaga nagcoconnect kahit na anong pilit ko.
Yung sa pageant pa lang yan ha, hindi pa kasama ang pagbebenta niya ng make up, ang pag audition sa super sireyna at kung ano ano pang activities that only a true gay would do. My God! Siya pa ang nagturo sa akin kung paano mag make up nung 4th year college kami! Kaya imposibleng guy siya kasi pinahiram pa niya ako ng panty nung doon kami natulog sa mansion nila. Pero bakit kung makahalik siya... Ahhh! Lalong sumasakit ang ulo ko!
Napapapikit na ako nung kumatok ang isa sa mga sales lady ko at sinabing may bisita ako.
"Sino?" Naghihikab na tanong ko.
"Nakalimutan ko pong itanong Ma'am, pero pogi po." Kinikilig pa na sabi ng staff ko. Hay naku! Manang mana talaga sa amo.
"Sige papasukin mo." I yawned again pero nabitin sa ere ang hikab ko nung pumasok sa maliit kong office si Meister. Hindi na siya mukhang dugyot. Buti naman kasi kung mukhang dugyot siya, hindi ko siya tatanggapion sa loob ng opisina ko.
"What do you want?" mataray na tanong ko. Hindi ko na inanyayahang maupo. Bastos ako eh. Ayoko ngang umarteng mabait sa kanya kasi hanggang ngayon hindi ko pa din makalimutan ang ginawa niya sa akin. Umupo pa din siya kahit na di ko pinaupo. Makapal talaga ang mukha.
"I'm here to warn you Missy." Tumaas na ang kilay ko at unti unting naaalis ang antok ko. Babarahin ko na sana siya nung pinatigil niya ako.
"Ang totoo, nakunsensiya ako sa ginawa ko sa'yo. I'm sorry. At para ipakita sa'yo na nagsisisi talaga ako, sasabihin ko sayo ang totoo." Asus! Drama naman ng baklang to. Saan na ba ang kape ko at mabuhos sa mukha niya. Tutal biglang nawala ang antok ko pagkakita ko sa kanya at di ko na kailangan ng kape.
Paano naman ako makakasiguro na totoo ang sasabihin mo, aber? Why would I believe a scheming bitch like you?"
"It's up to you kung paniwalaan mo ako o hindi. Ang sa akin lang, malaman mo ang totoo."
"Okay fine. Ano ang sasabihin mo? Sabihin mo na agad tapos lumayas ka na!" Naiinis akong makita ang pagmumukha niya. Kung dati inlove na inlove ako sa kanya, bigla na lang yun nawala nung malaman kong bading siya.
"Missy, Lexie is not gay. He's just pretending to be gay. Kahit ako, akala ko bakla siya pero hindi siya bakla. Niloloko ka lang niya. Maybe he's doing it to be close to you." Umismid ako.
"Bakit naman niya gagawin yun? Besides close na kami simula pa nung college at since college bading na talaga siya. Wala siyang rason para na magpanggap na bakla." Akala ko naman kung ano ang sasabihin niya.
"Maybe to get close to you. He likes you. Hindi mo ba napapansin? He seduced me para malaman mo na bakla ako para maghiwalay tayo. When we broke up, he dropped me as if walang nangyari sa Singapore." Nakikita ko ang hurt sa mukha ni Ter pero wala akong pakialam. Ayaw ko nang maniwala sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Gay Who Stole My Boyfriend
RomanceAll is fair in love and war even among the bekis.