Chapter 18

196K 8.4K 2.2K
                                    

Chapter 18

Keep your friends close and your enemies closer.

Yan na ngayon ang bago kong mantra at isasabuhay ko yan simula ngayon dahil sa plano kong paghihiganti. Yes, maghihiganti ako kina Lexie at Ter. Mararamdaman nila ang sakit na pinaramdam nila sa akin. Ang sakit ng maagawan ng jowa. Para magawa ko yun, kailangan ko silang paghiwalayin. Pero dahil nga hindi ko pwedeng landiin si Ter kasi alam kong walang pag asang malandi ko siya, si Lexie ang pupuntiryahin ko. Siyempre hindi ko siya lalandiin kasi magkatulad lang sila ni Ter. I will use our friendship para mapalayo sila sa isa't isa. Kaya kahit na labag sa kalooban ko na makipag usap sa kanya gagawin ko. Kahit na gusto ko siyang sabunutan, pipigilin ko ang sarili ko at hihingi ako ng tawad sa kanya. Pero siyempre I am not really sorry for what I've done. It is just necessary para mapalapit ako ulit sa kanya at hindi niya pagdudahan ang intensiyon ko.

So here I am sa bahay niya at kakausapin ko na siya. Mabuti na lang, hindi niya ako pina ban sa village nila after ko siyang sabunutan. Yun nga lang baka palayasin niya ako pagkakita niya sa akin.

"Pababa na daw po si Lexie." Sabi ng katulong nung binaba niya ang meryenda sa center table. Medyo kinakabahan ako sa gagawin ko kasi hindi naman madali ang humingi ng tawad lalo na kapag hindi naman totoo na pinagsisisihan ko ang ginawa ko. Isa pa, hindi ko pa alam kung magaling akong artista. Baka malaman niya na fake ang pag sosorry ko at malaman din niya ang totoong motibo ko.

Pagbukas ng elevator lalo akong kinabahan nung makita ko si Lexie na nakataas ang kilay habang nakatingin sa akin. Hindi siya nagsalita hanggang sa makaupo siya sa one setter sofa. Nakatingin lang siya at napatikhim ako.

"What do you want?" Pasupladang sabi niya.

"Ahmm...I'm here to apologize Lexie." Nakita ko ang lalong pagtaas ng kilay niya. Shucks! Ang hirap pala humingi ng tawad kapag hindi naman totoo.

"I'm sorry for what I've done. I've realized that you're right, Kung hindi dahil sa'yo hindi ko agad nalaman ang totoong pagkatao ni Ter. Sana hanggang ngayon niloloko pa din niya ako." Yumuko ako para mas may effect at kunyari sising sisi talaga ako.

"I'm sorry if I hurled nasty words at you. I'm sorry din kung nasampal kita at nasabunutan. Sana naintindihan mo na nasaktan ako sa mga nalaman ko at hindi ako nakapag isip ng matino kaagad." Napatingin na ulit ako sa kanya and I saw him looking at me intently. Hindi na din mataas ang kilay niya. Minsan, pinagpapasalaamat ko talaga na pinalaki siyang sosyal. I mean hindi siya ang klase ng bading na makikipagsabunutan o makikipagsigawan . Makikita mo ang grace at poise niya without an effort. Ibang level ang social etiquette niya, natural na natural. Dahil siguro ang mother nila ay royal blood, based na din sa kwento ni Mandy. Kaya kahit na hindi sila lumaki sa environment ng mother nila, nananalaytay pa din sa ugat nila ang pagiging prim and proper all the time. Kasi naisip ko, baka nagkabali bali na ang mga buto ko kung pinatulan ako ni Lexie nung sinabunutan ko siya. Hindi pa naman siya palamya lamyang bakla. Hindi din siya payatot at halos magkasing tangkad lang sila ni Ter. Baka isang bigwas lang niya sa akin, nawalan na ako ng malay at nagkalasog lasog na ang mga buto ko.

"Ngayong nakapag isip isip na ako, narealize ko na mas importante sa akin ang friendship natin kesa sa relasyon namin ni Meister. Sampung taon tayo na magkakilala, samantalang kami ni Ter, wala pang isang buwan na mag boyfriend. Ipagpapalit ko ba naman ang friendship natin sa kanya? Alam ko naman na kahit maldita ka sa akin, friend pa din tayo kahit sinabi mong hindi. I know naman that you don't mean it kasi kahit papaano ramdam ko naman ang friendship mo. Naramdaman ko naman ang pagk-care mo. Binigyan mo pa ako ng gift nung birthday ko." Napatingin ako sa bracelet na binigay niya sa akin.

"Nilibre mo pa ako sa Baguio. Nung college tayo, pinapakopya mo pa ako. Alam ko na katulad ko, nadala ka din ng emosyon mo kaya I'm very sorry talaga bakla. Friend na ulit tayo please..." Pinalamlam ko ang mga mata ko at tumingin sa kanya. Tumayo na ako at lumapit sa kanya tapos umupo ako sa harap niya. Ayaw ko ngang lumuhod. Ano siya sinuswerte?

Hinawakan ko ang kamay niya na nakalagay sa armrest ng sofa. Hindi pa ako nakuntento, kinuha ko din ang isang kamay niya.

"Bakla. Geh na.. ngumiti ka na. Bati na tayo." Nagpa cute pa ako kahit na di ko alam kung eepekto sa kanya. Pero kasi effective ito kina Barbie at Chelsea pag nilalambing ko sila.

Nung una nakatingin lang siya sa akin pero hindi nakaligtas sa paningin ko ang kunting ngiti niya. Parang pinipigilan talaga niyang ngumiti.

"Oi ngingiti na yan! Bati na kami!" I said enthusiastically.

"Missy..."

"Gusto mo bang mag lupasay pa ako sa harapan mo para patawarin mo ako?" Yun nga ang ginawa ko. Binitiwan ako ang kamay niya at pinulupot ko ang mga kamay ko sa bewang niya habang ang mukha ko, nakakubsob sa legs niya.

"Bakla! Sorry na! Please...please... please..." Naramdaman kong nanigas siya bigla. Sino ba naman kasi ang mag eexpect na gagawin ko to sa kanya? Kahit nga ako, wala sa plano ko na gagawin to pero naisip ko na kailangan kong gawin ang lahat para mapatawad niya ako at magawa ko na ang mga plano ko.

"Miss y...Stop that."

"Hindi ako aalis dito hangga't hindi mo ako pinapatawad!" Matigas na sabi ko. I heard him groaned.

"God Missy."

"Patawarin mo na kasi ako!!"

"Okay, okay fine. Tumayo ka na dyan!" He helped me get up. Hinawakan pa niya ang balikat ko para maalis agad ako sa harap niya.

"Bati na tayo?" Nakangising sabi ko.

"May magagawa pa ba ako?" Pasupladong sabi niya pero ganun talaga si Lexie. Pasuplado talaga siya sumagot.

"Yey! Bakla! Thank you so so much! I love you na talaga!" I threw myself at him at niyakap siya ng mahigpit. Nung una hesistant pa siyang yakapin din ako pero di nagtagal nakayakap na din siya sa akin. Hmp! I'll make sure talaga na magiging close kami ni Lexie para mas madali ang pag aagaw ko sa kanya kay Ter. Dapat mapalagay sa isip niya na mas importante ang friendship namin kaysa sa relasyon nila ni Meister.

I was about to let go of the hug when I felt his hug tightened. Parang ayaw na niya akong bitawan.

"Ahmm..bakla, di ba bati na tayo? Bakit may plano ka atang patayin ako?" I laughed tsaka ko naramdaman ang pagluwag ng yakap niya. Umalis na ako sa pagkakayakap niya at tumingin sa kanya habang nakangiti. Namumula ang mukha niya dahil siguro sa tindi ng emosyon kasi nagkabati na kami. Kunsabagay, kahit ako matatatouch sa eksena namin. Yun nga lang alam ko naman na kaplastikan lang ang ipinapakita ko sa kanya.

"Bakla wag mo na akong tarayan ha!" Lumapit na lalo ako at ikinawit ang braso ko sa braso niya.

"Depende."

"Aw, ang sama. Pero di nga? Di ka na galit sa akin?"

"Hindi na nga!"

"Sige nga, beso mo ako kung di ka na galit?" Napatingin siya bigla sa akin and I offered my left cheek mo him habang nakangiti at nakatingin sa kanya. Nakita ko pa siyang nagpakawala ng buntonghininga bago nilapit ang pisngi niya sa pisngi ko. I was smiling all along kasi alam ko na tagumpay ako sa first step ko.

Pero na freeze ang ngiti ko nung nag 'beso' na kami because I felt his lips brushed the side of my lips.


The Gay Who Stole My BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon