Chapter 41

208K 7.8K 1.8K
                                    


Chapter 41

A decision is made the moment you're concious every morning. Kahit ang pagbukas ng mga talukap ng mga mata ay isang decision na kailangang gawin ng isang tao. It's not automatic, pwede kang magdesisyon na pumikit na lang habang buhay, o tumayo habang nakapikit at maligo habang nakapikit.

Sana nga, ganun na lang kadali ang desisyon sa buhay. Hindi yung mga desisyong kailangan mong mamili kung gusto mo pa bang mabuhay o mas nanaisin mo na lang mamatay. Kung gusto mo na nang alisin ang utak mo dahil ang mga alaalang gusto mong kalimutan ay fresh na fresh pa din sa memorya mo.

Akala ko, pagkahiga ko sa kama kaninang madaling araw, makakalimutan ko na ang kagagahang pinagsasabi ko pagkagising ko pero nakalimutan ko na ang Jack Daniels pala sa pampalasing at hindi pampaalis ng memory.

So, I woke up overloaded by the memory of what happened 6 hours ago by the seashore. Every word, every action, every tear, and every pain is itched in my memory. Worst, it keeps on replaying like a broken record.

Pero sabi ko nga, kung hindi ko kayang kalimutan, I could always pretend not to remember it. Yun naman usually ang mga nangyayari sa mga lasing. Nakakalimutan o sadyang kinakalimutan ang mga nangyari habang nasa impluwensiya ng alcohol.

Nagdesisyon akong tumayo na sa kama, naligo at uminom ng gamot para maalis ang sakit ng ulo ko dahil sa hangover. Looking like a mess will only prove how affected I am. After 30 mins, lumabas na ako ng cottage at pumunta sa restaurant ng resort. Nanalangin pa ako na wala sila sa restaurant para makakain ako ng maayos at makaalis na din ng maaga pero malas ako dahil nasa restaurant silang lahat at masayang nag uusap habang kumakain.

Napatingin sa akin sina Barbie at Chelsea at kinawayan ako. Lumapit ako sa kanila at umupo sa tabi ni Barbie tapos kinuha ang menu na nasa table. Sinadya kong hindi tingnan si Lexie.

"Anong oras ka bumalik ng cottage?" Barbie asked while I'm busy scanning he menu. Binaba ko ang menu at tumingin kay Barbie.

"Maaga pa." Bumalik ako sa pagpili ng food pero hindi nakaligtas sa akin ang pag taas ng kilay nina Barbie at Chelsea.

"Saan ka ba nanggaling kahapon?" Si Chelsea naman ang nagtanong. This time hindi ko na inalis ang tingin ko sa menu. Magkatabi kasi sina Chelsea at Lexie at kapag tiningnan ko si Chelsea, mahahagip ng tingin ko si Lexie at ayaw ko siyang tingnan.

"Nagbingo." Tipid na sagot ko at tinawag ko na ang waiter para matigil na sa pagtatanong sina Barbie at Chelsea. Nag order ako ng madami na ikinataas ulit ng mga kilay nila.

"Mauubos mo yun lahat?" Barbie asked when the waiter left.

"Mahaba ang byahe at ayaw kong magutom."

"Uuwi agad tayo? Di man lang tayo magswimming bakla? E-enjoy na lang natin ang resort. Libre naman." May kasama pang ingos na sabi ni Barbie pero tiningnan ko siya ng seryoso.

"Madami akong gagawin sa boutique Barbs. Isa pa, kung di tayo maaga aalis, anong oras na naman tayo makakarating sa Maynila?" Ngumuso na si Barbie at hinarap ang pagkain niya. Halatang masama ang loob. Pero kung ikukumpara naman ang sama ng loob niya sa sakit ng loob ko, baka mahiya siya.

"Hi! Napatingin kaming lahat sa nagsalita at pinilit kong hindi umismid pagkakita ko kay Sandy na ang laki ng ngiti habang papalapit sa amin. Ang aga aga tapos ang ganda ganda na niya. Bakit may mga ganung babae? Effortless ang ganda? Wala atang bad hair day si Sandy.

Nung makalapit na siya, agad siyang humalik sa pisngi ni Lexieat umupo sa tabi nito.

"What a great morning." She said beaming with happiness. Maya maya pa, may lumapit na waiter at kinuha ang order ni Sandy. Hindi na kailangang tawagin, kusang lumalapit. Ang lahat willing na maging alipin niya. Ang lahat gusto siyang pagsilbihan.

"Excuse me." Naramdaman ko ang pagtayo ni Lexie pero hindi ko siya tinapunan ng tingin hanggang sa marinig ko ang pag alis niya.

"How's your sleep Sandy?" Nakangiting tanong ni Barbie and Sandy smiled at him.

"Great! I'm so glad I came here. The place is breathtaking, the foods are delicious and the people...they're so friendly." Ang laki ng ngiti niya at sa bawat ngiti niya parang nagliliwanag ang buong mundo. Ang mundo ko lang ang unti unting nagdidilim sa ngiti ni Sandy.

"I'm glad you're enjoying your visit here in the Philippines Sandy." Dagdag pa ni Chelsea. Hindi ko na tiningnan si Sandy at hinarap na ang mga pagkain na inihain sa harap ko. Pero kahit hindi ko siya tingnan, dinig na dinig ko naman ang mga sinasabi niya, ramdam na ramdam ko ang saya na nararamdaman niya. It's almost contagious. Gusto ko na ngang buhatin ang lahat ng inorder ko at lumipat ng mesa pero siyempre hindi ko yun magagawa kasi magtataka sina Barbie at Chelsea.

"Absolutely. And I've realized that I could stay here, for good. The place is not like Paris but I just love the peace and tranquility. Besides, I wanted to be where my heart is." Her voice sounded dreamy and I heard gasps from Barbie and Chelsea. Pati ako napatigil sa pagsubo ko at hindi ko maiwasang tumingin sa kanya.

She looked dreamy and her eyes are twinkling. It's obvious that she's in love.

"L'amour est plus douce la deuxième fois. " Nakatingin sa ceiling na sabi niya at inilagay pa ang isang kamay sa tapat ng dibdib habang nakangiti. Maipagkakamali mong baliw pero obvious na in love.

"Ano daw?" Siko sa akin ni Barbie.

"Oh, I'm sorry. I got carried away. What I said was, love is indeed, sweeter the second time around. I'm so glad Alexander brought me here." Nakangiting sabi niya. Sa tingin ko, walang kahit anuman ang makakaalis sa ngiti na nasa mga labi ni Sandy.

"Ohh..." Yun lang ang nakuhang sabihin ni Barbie.

"I never thought that we'd get back together. After all those years that we haven't seen each other. I thought we're over and that I should move on but then just the fact that my heart still beats wildly whenever he's around. God! The feeling is still overwhelming. It seems that those yearsof being apart is no longer significant, all those heartaches are irrelevant, what matters is now and our future together." She continued and her words are like slaps on my face. Tuluyan na akong nawalan ng gana. Sino ang gaganahan sa pinagsasabi ni Sandy? Hindi ko naman pwedeng pigilan siya sa pagd-daydream niya. Binaba ko na ang hawak kong spoon and fork at uminom ng tubig. I was about to stand up when Sandy said something that totally wreak my heart.

"Xander and I are getting married and of course, you're all invited." She said beaming and showed us her ring finger with a solitaire diamond ring. Nagrereflect ang kinang ng bato sa singsing nung matamaan ng sikat ng araw.Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Parang sinisipa ang puso ko habang may sumasampal sa mukha ko. I felt so numb and I cant get my eyes off the ring.

Their engagement ring.

"Wow! Congratulations!" Halos na sabay na tili nina Barbie at Chelsea. Napilitan akong ngumiti. Tumayo pa ang dalawang bakla at hinalikan si Sandy na parang sobrang close na sila sa isa't isa.

"Best wishes." Pilit na pilit na sabi ko. Halos hindi ko nga masabi ang mga salita. All along, I was biting the back of my lower lip to stop it from trembling. Ilang beses akong napalunok para maalis ang nagbabara sa lalamunan ko. Nararamdaman ko na din ang pag iinit ng sulok ng mga mata ko at kung gusto kong hindi mapahiya, kailangan ko nang umalis.

"Excuse me."Tumayo na ako dahil hindi ko na kayang marinig ang anumang sasabihin pa ni Sandy. Sakto naman sa pagtayo ko ang pagdating ni Lexie. Nagkasalubong ang tingin namin at nakita kong nangunot ang noo niya at napatingin sa mga pagkain ko na hindi ko man lang nangalahati.

Agad na umiwas ako ng tingin sa kanya.

"I told them about the engagement!" Sandy said excitedly while holding Lexie's arms. Napatingin si Lexie kay Sandy at tumingin sa akin. Anong pagpipigil ko para lang hindi malaglag ang mga luha ko.

Gusto ko silang murahin pero para saan? It's too late. I'm too late. They'll have their forever and I'll forever be a spinster.

Tumalikod na ako at iniwan sila.




The Gay Who Stole My BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon