Chapter 33

233K 9.2K 2K
                                    

Chapter 33

"Mas epic bumanat si Sadness kaysa kay Joy." Barbie said laughing at the scene of Inside-Out. We're here at Mandya nd Alexis's home. Birthday kasi bukas ng bunso nila at tutulong kami sa preparation kaya dito kami matutulog.

"Basta mas type ko talaga si Anger. Sarap maging jowa! Badboy ang image." Ngumiti ng puno ng malisya si Chelsea.

"Yeah, me too, gusto ko din ng badboy para hard. Pero girl, hulaan ko kung sino ang gusto ni missy sa mga character sa inside out?" Sabay silang napatingin sa akin na nangingiti. Hindi ako nag react. Wala ako sa mood. Napaisip tuloy ako kung ano ang emotion ang nag rorule kung wala sa mood?

5 days na kasi akong wala sa mood. 5 days na simula nung pinaalis ako ni lexie sa bahay niya. Gusto ko na siyang makausap para makapg sorry ako pero 5 days na siyang hindi ko nakikita kasi, the morning after namin mag usap, mag away pala, pumunta siyang Paris. Sinabi na alng ng katulong niya sa akin nung pumunta ako sa bahay niya kinabukasan.

"Sadness?" Chelsea supplied grinning like a flirty idiot.

"Truelalu! Hoy bakla, ano ang problema mo? Ilang araw ka nang ganyan." Umismid ako sa kanilang dalawa at bumuntong hininga.

"Kelan babalik si Lexie? Gaano ba siya katagal sa Paris?" I blurted out and they looked at me, bewildered at my question. Tapos nagkatinginan sila at nagngitian. Siguro kung nasa normal state of mind ako, baka nasita ko na sila pero dahil nga wala ako sa mood hinayaan ko na lang ang mga tinginan nilang ganyan.

"Sabi niya four..." Napatigil si Chelsea sa pagsalita.

"Four years sabi niya." barbie supplied. Four years? Bakit ang tagal? Bakit hindi man lang niya sinabi na babalik na pala siya sa Paris? Masyado ba talaga siyang nagalit sa akin kaya pinili na lang niyang mag stay sa Paris? Ayaw na niya akong makita?

"Gaga! Ang bingi mo bakla! Hindi naman sinabing years. Pagkarinig ko decade. Four decades ata siya sa Paris." Nanlaki ang mga mata ni Barbie sa sinabi ni Chelsea.

"What!? Hindi niya I aavail ang senior citizen discount dito sa Philippines?" Exaggerated na tili ni Barbie.

"Pero malay mo baka forever na siya doon. Alam mo naman dito sa Pilipinas, walang forever. Sa Paris daw kasi meron pang forever kasi alam mo naman city of loveang Paris kaya hindi naggigve up ang mga tao dun sa forever. Naghahanap kasi ng ka forever si Lexie kasi." Chelsea said emphasizing each word while looking at me.

"So hindi na siya babalik?" Malungkot na sabi ko na nagpataas ng kilay ng dalawang bakla. Parang ang sikip sikip ng dibdib ko. Maybe dahil sa guilt na nararamdaman ko. Pakiramdam ko nga maiiyak pa ako. Ang OA pero kasi baka nahawaan an ako ni Sadness kaya wala akogn nakikitang joy sa katotohanan na hindi na babalik si Lexie sa Pinas and probably, hindi na din kami magkikita.

"Bakit naghihintay ka na balikan ka?" Tumabi si Barbie sa inuupuan kong sofa.

"Hindi ah." I said defensively and Barbie flipped her hair and glared at me.

"Bakit nagtatanong ka?"Tinarayan na ako ng bakla. Bakit nga ba? Pwede ko naman siyang i-text or eemail at doon na magsorry. Pero napaka informal naman kung sa email or chat or text lang ako magsosorry. Mas maganda pa din ang personal para kitang kita ang sincerity,

"Masama bang magtanong?" I sadi defensively.

"Sus!"

"I-kwento mo na kasi kung ano ang nangyari." Chelsea urged pero no way! Ayaw ko nga kasi baka isumpa nila ako or sabunutan. At siyempre hindi mawawala ang pang ookray!

"Ayoko nga!" Pagmamatigas ko pa at sana tigilan na nila ako.

"Naglilihim ka na sa amin. We don't love you anymore. Hindi ka na namin bibigyan ng libreng premiere ticket!" Barbie bribed me but I didn't react. Tumingin lang ako ulit sa TV pero hidni nakaligtas sa akin ang pagpapalitan ng tingin nina Barbie at Chelsea. Tapos napatingin sila sa akin na nakakunot ang noo.

The Gay Who Stole My BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon