Chapter 13
Nagkatinginan kaming tatlo pagkalabas ni Lexie.
"Hala ka Missy. May nagagalit kay Lexie." Sabi ni Barbie.
"Bakit ako? Ikaw kaya! Kung di mo sinabi ang laway, hindi pumasok sa isip ko na tuksuhin siya. Ikaw ang may kasalanan!" Napakapikon talaga ng baklang yun. Parang yun lang nagwalkout agad.
"Tsaka malay ko ba na mapipikon siya ano!" Dagdag ko pa. Napatingin ako sa labas ng sasakyan at nakita ko si Lexie sa labas ng restaurant na naglalakad pabalik balik tapos tumigil siya sa harap ng isang babae na nagbebenta ng yosi. Pagkabili niya, pumunta siya sa may gilid ng daan at nagyosi habang tumitingin sa view sa baba.
"Galit na galit girl. Ikaw kasi." Si Barbie ulit. Tiningnan ko siya ng masama.
" Anong ako? Sino ba ang nagsimula? Ikaw kaya!" Kung di niya sinabi ang laway hindi sana ako nagdemo.
"Bakla ka kasi!" Dagdag pa niya.
"Mas bakla ka!" Inismiran ko nga.
"Bababa lang ako." Paalam ni Chelsea at bumaba din ng sasakyan. Sinundan ko siya ng tingin. Bumili din siya ng yosi at lumapit kay Lexie. Nag usap ang dalawang bakla habang nakatingin sa view.
Ay, baka hindi nagalit. Baka talagang yosing yosi na siya kaya tumigil kami saglit.
"Hindi naman ata galit eh. Nayoyosi lang. Kung makabintang ka naman."
"Gaga! Di mo kasi alam pinag gagawa mo!"
"Wala naman akong ginawang masama. Binibiro ko lang siya. Malay ko ba na mapipikon siya. Like duh! Hindi naman nakakapikon ang ginawa ko. Para namang di pa siya sanay sa mga ganung usapan." Kung malisyosong usapan din lang naman, sanay na sanay na kaming apat. Kaya di ko maintindihan kung bakit may ganung peg siya.
"Ewan ko sa'yo. Basta ako naaaliw. Teka lang at naiihi ako." Lumabas din si Barbie sa kotse. Naiwan akong mag isa hawak ang mga strawberry.
"Ano ang nagawa kong mali? Kinain lang naman kita. Nagdemo lang naman ako ng tamang pagkain sa'yo. Ba't nagkaganito? Bakit ang saklap ng buhay? Kailan ba ako mabubuntis?" I said while looking at the strawberry I'm holding. Tuloy tuloy pa sana ang monologue ko pero nakita ko na papunta na sina Chelsea at Lexie sa kotse. Nauna si Chelsea at nakasunod si Lexie na nakakunot ang noo.
Nung makalapit na sila, padabog na binuksan ni Lexie ang driver's seat. Baka aalis na kami.
"Baba!" Mataray na sabi niya habang nakatingin sa akin.
"Ako?" Tinuro ko pa ang sarili ko.
"Baba!" Galit talaga siya. Pero bakit niya ako pinabababa sa sasakyan?
"Bakit?"
"Ubusin mo yan. Hindi ka sasakay ng kotse hangga't di mo nauubos. Hindi tayo aalis hangga't di mo yan nauubos." Seryoso at galit na sabi niya.
"Lahat ng to?" Itinuro ko ang isang kilong strawberry na nasa lap ko.
"You heard me." Now he's scary when he's serious. Pero seryoso ba talaga siya? Ipapaubos niya sa akin lahat ng to?
"Now na?" I can't believe this. Paano ko mauubos to agad agad?
"Next week pa." Nakataas na ang kilay niya. He didn't even try to hide the sarcasm in his voice.
"Lexie naman eh. How could I possibly eat all of these now? Plano kong kainin ito sa daan."
"I don't want you messing in my car." Ganun? Di naman ah.
"I am not making a mess in your car." Tsaka mag iingat naman ako kasi alam ko naman na maselan siya sa mga gamit niya.
"Just finish it. I don't want you eating that thing while on the road." Grabe naman. Napaka strict naman ng baklitang to. Sarap sabunutan. Hmp!
"Bakit!?"
"Gagawin mo o iiwan ka namin dito. Mag commute ka kung gusto mo. I don't care. If you want to ride with us, stop eating, keep quiet and let me drive in peace. Nagkakaintindihan ba tayo?" Napasimangot ako at umismid. Kainis naman! Palibhasa sa kanya itong kotse. Palibhasa wala na kami sa City ng Baguio at halos walang masakyan na dito. Ang sama niya. Napakamaldita!
"Ang sama mo bakla! Ang sama sama mo sa akin. I hate you!" Hindi na ako nag attempt na itago ang sama ng loob ko. Napaka unreasonable naman kasi ng pinapagawa niya sa akin. Ano ang masama kung kakain ako ng strawberry sa sasakyan niya habang nagbabyahe? Hindi ko naman siya inaano.
"Nagkakaintindihan ba tayo Missy?" Inismiran ko siya at tiningnan ng masama. Yung nakakamatay na tingin.
Padabog kong inalis ang seatbelt ko at kinuha sa lap ko ang supot na may lamang strawberries.
"Fine!" Padabog ko din na binuksan ang pinto ng sasakyan at lumabas bitbit ang mga strawberries ko. Nasalubong ko si Barbie na palabas ng restaurant.
"Barbs, tulungan mo akong kumain nito." Tumaas ang kilay ni Barbie pero hindi na nagtanong at sumunod sa akin. Naupo kami sa isang mesa sa restaurant at nilantakan ang strawberry. Sina Chelsea at Lexie nasa loob na ng sasakyan.
Habang kumakain, hindi maalis alis ang inis ko sa baklitang maldita na si Lexie. Hindi ko tuloy na enjoy angpagkain ng strawberry dahil sa kaartehan ng bakla. Hanggang sa maubos namin ang strawberry at makasakay sa sasakyan , makabusangot ang mukha ko. Padabog kong isinuot ang seatbelt ko when he turned on the engine.
All throughout the trip hindi ako nagsasalita. Panay ang irap ko sa baklang maldita. Hindi tuloy ako nakatulog sa byahe dahil sa inis. Gustong gusto ko na siyang sabunutan. Kung hindi lang dahil sa natatakot akong pababain niya ako sa gitna ng daan, ginawa ko na yun. Bakit ba kasi ang init init ng dugo niya sa akin? Hindi ko naman siya inaano ah! Ang bait bait ko kaya.
Kinuha ko ang phone ko and texted Ter. Isa pa tong boyfriend ko. Simula nung pumuntang Singapore, isang beses lang tumawag. Ano ba ang ginagawa niya doon at hindi man lang makapagtext at makatawag sa akin?
Naghintay pa ako ng mahigit 5 minutes bago ako makatanggap ng text mula kay Ter.
'I'm so sorry baby. I am kinda busy.' Nangunot lalo ang noo ko.
'Too busy na nakakalimutan mo na may gf ka?' I replied.
"I'll call you later, right after the shoot.' Text niya. Mas lalo akong nabwisit. Kung nakakatunaw lang siguro ang tingin ko, kanina pa natunaw ang windshield ng sasakyan ng malditang bakla. Pero kung nangyayari yun, si Lexie ang unang una kong tutunawin. Siya kasi ang dahilan ng inis ko. Kung hindi niya ako pinamamalditahan, eh di sana maayos akong kumakain ang strawberries ko.
Sumulyap ako ulit sa kanya at inirapan na naman siya. Sakto namang napatingin siya sa akin kaya huling huli niya ang ginawa ko. Pero keber ko ba kung malaman man niya na inis ako sa kanya. Tumingin ulit ako ng masama sa labas ng sasakyan.
"You think you're the only one whose mad?" pagalit na sabi niya. Hmp! Buti naman pala at kahit papaano ay nakakaramdam ang bakla.
"You think I care if you're also mad? I don't care, so shut up!" Beastmode na ako at wala akong pakialam kahit magsigawan pa kami sa kotse niya. Akala niya siya lang ang may karapatang magalit? Tama ba naman ang ginawa niyang pilitin akong ubusin ang isang kilong strawberries? Pakiramdam ko binully niya ako at hindi ko mapapalampas yun.
"If you want me to shut up, tumigil ka din sa kakairap sa akin." Aba!
"Iirap ako hangga't gusto ko. Kahit ikakamatay ko ang pag irap, wala kang pakialam. Wag mo akong kausapin dahil galit ako sa'yo at sa kamalditahan mo. Pati pagkain ko pinapakialaman mo. Why don't you just mind your own business?" Humarap na ako sa kanya. Kulang na lang talaga sapakin ko siya. Pasalamat siya, nagdadrive siya at takot akong maaksidente kami kapag sinapak ko siya. Kung hindi talaga, kanina pa nakabalandra ang baklang to.
"Guys..." Chelsea intervened at the back but we ignored him. Lexie and I glared at each other and I don't have any plan of backing down. Siya ang unang nag iwas ng tingin kasi nagdadrive siya.
"May pakialam ako because you are my business." Mahinang sabi niya. May narinig akong impit na tili sa likod ng sasakyan pero natigil kaagad. It took me a while to digest what he had said.
Ano daw? I am his business? Walang hiya talaga! Plano pa akong ibugaw. Gago!
BINABASA MO ANG
The Gay Who Stole My Boyfriend
RomanceAll is fair in love and war even among the bekis.