"You married Missy?" Dumadagundong ang boses ni Alexis sa loob ng sitting room pagkatapos nilang marinig ang balita namin. Pinalabas nina Mandy ang mga bata kasama ng mga yaya nila. Alexis looked at Lexie and then at me pagkatapos kay Mandy na nakanganga pa din.
"Yes and we're on honeymoon, that's why you can't leave the children here." Baliwalang sabi naman ni Lexie na para bang nag announce lang siya ng dinner.
"Ano ka ba!" Siniko ko na si Lexie. Nakakahiya kaya na sabihin yun sa harap nina Mandy at Alexis.
"What? You're still sore. Don't tell me, you're gonna carry Dusk and Dawn when you can't barely walk." Balik niya sa akin at naramdaman ko ang masidhing pag iinit ng pisngi ko. Uhh..what an awkward topic.
"Pwede ba! Behave!" Saway ko sa kanya ng pabulong. Ano ba! Kailangan bang ipangalandakan na hindi na kami nagpahinga? Well...hindi naman niya sinabi yun pero obvious naman na yun ang nangyari.
Buti na lang at binaliwala na lang ng mag asawa ang sinabi ni Lexie. Pero kahit na hindi na nila pinansin, nakikita ko ang malisyosang tingin sa akin ni Amanda. I bet she's dying to know every detail. Pinapahamak talaga ako nitong asawa ko. Mamaya, humanda siya.
"I thought next month ka pa magpopropose." Nagtatakang tanong ni Alex kay Lexie. What? Is it true? Napatingin ako kay Lexie.
"That was my plan." Lexie said, resigned.
"So, hindi na din matutuloy ang plan mo na kasal 2 months after?"Dagdag pa ni Mandy. Nakatingin ako sa kanilang tatlo. Na-ooverwhelm ako. May plano na talaga siyang pakasalan ako?I mean, he's planning the wedding without my consent? Paano kung hindi ako papayag? Pipikutin niya ako?
"Pinagplanuhan niyo na ang kasal namin?"
"Yes. Alexander asked for my help. We're about to consult you after the proposal. Pero we already have suppliers. Yung inputs mo na lang ang kulang." Sabi ni Mandy at napatingin ako kay Lexie. I open my mouth to say something and close it again.
"Why the hasty marriage? I thought you hate rushing things?" Takang taka pa din si Alexis.
"Oh honey, alam ko na. Don't blame Alexander. It's all Missy's fault." Sabat naman ni Mandy. Tiningnan ko siya ng masama pero tinaasan lang niya ako ng kilay.
"Grabe ka Mandy, bestfriend pa naman kita." Reklamo ko kahit na totoo naman ang sinabi ni Amanda. What a way to spoil their plans. Still, hindi ko pinagsisihan na kinasal na kami.
"Bakit hindi ba?" She challenged at umiwas ako ng tingin.
"Well, if Lexie didn't seduce me..."
"I seduced you?" Hindi makapaniwalang sabi ni Lexie.
"Yes. You seduced me and left me.. ahmmm." Hindi ko matapos ang sasabihin ko.
"I was trying to be honorable!" He cut me off.
"Hah! At my expense?" I glared at him at napakamot na lang siya ng ulo at napailing.
"So tuloy pa din ang kasal?" Mandy cut us off.
"Of course. What will her parents say?"
"Gastos." I murmured. Akala ko ba kuripot ang lalaking ito? Baka hindi pa niya nakukwenta ang magagastos niya sa kasal? Proud na proud pa naman ako na nakapagcontribute ako sa kakuriputan niya pero mukhang desidido na siya sa church wedding.
"We've already talked about it Missy. Alex, we need to ask her parents. Mamamanhikan..." Hinawakan ko ang kamay niya.
"Lexie, there's no need," We just have to tell my parents that we got married. I know na hindi sila magrereklamo. After all, matagal na nilang pangarap na mag asawa ako at mag anak. Eversince, I reached twenty, yun na ang pangarap nila.
BINABASA MO ANG
The Gay Who Stole My Boyfriend
RomanceAll is fair in love and war even among the bekis.