Chapter 6
"Ay sorry." Sabi ko nung mabangga ko si Ter. Nasa living room kami ng condo niya at sinisimulan ko na ang pag dedesign kunyari. Nakita na niya ang pictures ng sitting room nina Mandy and he seemed please with the design kaya pwede na daw akong mag start. So here I am, sinusukat ang condo niya kasi importante daw yun sa interior designing sabi ni Google. Kailangan daw kasi yun para ma-distinguish ang proportion ng mga appliances. Hindi ko naman kasi pwedeng sundin ang laki ng mga appliances sa sitting room nila Mandy kasi double ang laki ng sitting room sa living room ng condo ni Ter.
"It's okay. No harm done. Do you need a hand?" Nakangiting sabi niya at napangiti din ako. Yes, I need a hand. Your hand for marriage, can I have it? Kinikilig ako sa ganda ng ngiti niya.
"No thanks. I can manage." Pinunasan ko ang pawis sa noo ko kasi nagpapawis ako kahit na aircon ang condo niya. Nakakainit kasi ang presensiya ni Ter.
"I'll prepare your snacks na lang." Tumango na lang ako at napatulala nung tumalikod siya papunta sa kitchen. I bit may lower lip habang nakatingin sa may puwetan niya. Kakagigil!
Hays... so papable talaga. Sarap kurutin sa pwet! Nakangiti ako habang pinagpatuloy ang ginagawa ko.
"Missy, here's your snacks." Hindi lang siya papable, thoughtful pa. Isa pang napansin ko sa kanya, magaling siyang magluto. Ang sarap ng carbonara na pinameryenda niya sa akin kahapon. Napaka ideal man niya talaga.
"Thanks." Kinuha ko ang inaabot niyang baso ng juice at nagkadikit ang mga kamay namin. Sparks fly. Parang fireworks. Napatingin ako bigla sa kanya. Nakatingin din pala siya sa akin at nagkatitigan kami. Hindi ko makuhang umalis sa pagtitinginan naming, parang may magnet ang tingin niya and his eyes spoke volumes of emotions.
He smiled and I smiled shyly. Shucks! Missy, now is not the time to be coy. Grab the opportunity. Grab him and bring him to bed! The lustful part of me shouted but sadly, nangibabaw ang conservative kong pagkatao.
Sa sobrang titigan namin, hindi ko napansin na hindi na ako nakahawak sa baso at wala na ang baso. Nakapatong na ito sa table and Ter is now holding my hand. Oh, shit! Dream come true! Pwede na akong mamatay! Teka hindi pa pala pwede. Kailangan ko pa ng sangkatutak na anak.
"Missy."
"Ter."Sabay naming sinabi.Napangiti ulit kaming dalawa.
"I kind of like you." Sabay pa din ulit kami. Shucks! Destiny ba itech?
Nagkatawanan kami.
"Ikaw muna." Sabi niya na namumula na.
"Hindi ikaw muna." Sabi ko din. Kulang na lang humagikgik ako. Leche! Kinikilig ako! Putek!Para akong teenager samantalang kunting tumbling na lang mag t-thirty na ako. .
Humigpit ang hawak niya sa kamay ko at iginiya ako paupo sa sofa. Naupo ako at tumabi siya sa akin.
"Ahmm...paano ko ba sasabihin?" panimula niya and I am literally hanging on the edge of the sofa. Ngayon na ba siya magtatapat? As in now na?
"Wag ka nang mahiya." Sabi ko para hindi na ako mabitin. Kulang na nga lang sunggaban ko siya. Wag na kasing pa suspense.
"Birthday kasi ni Mommy this Saturday..." Bring it on boy. I wanted to say pero baka isipin niya na atat na atat na ako sa kanya. Which is true naman, pero ayaw ko naman masyadong ipahalata. Kahit na nga ba nanganganib si Mareng matris kailangan pa din maging dalagang Pilipina kahit papaano.
"Can you accompany me?"
"Bakit? I mean why me? Bakit kailangan mo akong isama?" Stop blabbering Missy.
BINABASA MO ANG
The Gay Who Stole My Boyfriend
RomanceAll is fair in love and war even among the bekis.