Chapter 27

238K 8.3K 1.9K
                                    

Chapter 27

"What the hell bakla! Slow down!" I shouted while clinging on the handle. What the fuck! What the hell! What the fucking hell! Bakit ang bilis niya magpatakbo ng sasakyan? Anong meron? May karera ba ng mga bakla? Still, he didn't slow down despite my screams.

"Ano ba! Bakit ka ba nagmamadali!" Singhal ko na sa kanya. He wanted to kill me! Naalala ko last time nung bigla siyang nagbreak at muntik na akong lumusot sa windshield ng sasakyan niya. God! He really wanted to kill me if he's given a chance.

"Hinahabol natin ang matris mo." What? Hinahabol ang matris?

"What are you talking about? Nasisiraan ka na ba ng ulo?" Naramdaman ko ang pagbagal ng kotse at kahit papano nakahinga ako ng maluwag! Thank goodness at hindi pa ako mamamatay.

"I guess so. I guess I'm losing my mind." Huh? Seryosong seryoso siya habang nagsasalita at hindi ko alam ang sasabihin ko. I don't know what to do. Should I comfort him? But how? I don't even know what he's talking about.

"This...this feeling that I felt towards you. It's confusing me. It's making me do things that I don't normally do. It's irritating because I don't like doing those things. It makes me wanna hate you for merely existing." Ay teka lang po! He hates me because I exist? Unfair naman ata yun, aba! Kung siya kaya ang ibaon ko para hindi na din siya mag eexist? Echoserang bakla to!

"Hoy!" I am about to berate him when he spoke and cut me off.   

"I know I am being unfair Missy. I know that I shouldn't blame it on you because you have no idea about my feelings. You have no control over it." Nakakunot ang noo niya habang nagdadrive. Serious talk ba ito? Namomomment na ba siya?

"Sinabi mo pa." I flipped my hair. Buti naman at alam niya.

"Let me talk." Ohh...eh di sige. Tumahimik nga ako at hinintay siyang magsalita. Naghintay ako, pero hindi siya nagsalita. Lumagpas ang 5 minutes, hindi siya nagsalita, lumagpas ang 10 minutes, hindi pa din siya nagsalita, hanggang sa lumagpas kami sa Batasan hindi pa din siya nagsalita.

"Hoy!" Sabi ko nung di na ako makatiis. Saan kami pupunta?

"Let me talk." Sabi niya ulit. Sira pala 'to eh!

"Kanina pa kaya! Napanis na nga ang laway ko kakahintay na magsalita ka!"

"Let's talk somewhere else." Sabi lang niya at hinayaan ko na lang. We travelled for another 10 or 15 minutes until we reached a country club na nasa taas ng bundok. Dahil gabi na, walang masyadong sasakyan. Ay mali pala, wala talagang sasakyan. Medyo madilim ang daan simula nung papasok kami sa pinaka entrance pero makikita ang malaking structure sa taas dahil sa dami ng ilaw. May mangilan ngilang bahay kaming nadaanan pero mukhang wala namang nakatira. Halatang alaga ang lugar dahil manicured ang mga tanim pati ang mga puno, mukhang pinagplanuhan kung saan itatanim.

Kung may plano si Lexie na i-salvage ako ngayon, pwedeng pwede niyang gawin at walang makakaalam dahil mukhang deserted ang lugar.

Pero pagdating sa lobby ng malaking building na nakita ko kanina, we were greeted by a receptionist pero hindi siya pinansin ni Lexie. Nilagpasan niya ang receptionist at naglakad hanggang sa makarating kami sa poolside. The infinity pool overlooked Metro Manila. The view is breathtaking.

"Hindi na kita pakakainin. Nakakain ka naman kanina kina Alex. Besides, the food here is quite expensive." The view suddenly turned sour. Wow ha! Wala man lang pasakalye or pakitang tao. Talagang sinabi na hindi niya ako pakakainin kasi ayaw niyang gumastos. Paano kung gutom pa pala ako? Wala man lang kahit juice?

"Gusto mo ako ang manlibre sa'yo?" I said with sarcasm.

"No thanks. I'm still full." Kapal! Sipain ko na lang kaya siya para mahulog siya sa pool o mas magandang ihulog ko siya sa ibaba? Baka pag namatay siya matauhan siya na masama pala ang sobrang pagkakuripot. At least ang reincarnation niya hindi na maging kuripot katuald niya.

The Gay Who Stole My BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon