Chapter 32
He locked the door the moment we're inside the room. The room is familiar, dahil ilang beses din kaming dito natulog nina Barbie at Chelsea.
"Lexie..what are you doing?" Hindi siya nagsalita, instead he pinned me with his body on the wall. Ang lakas ng tibok ng puso ko dahil sa kaba.
He looked down at me at nakikita ko pa din ang galit sa mga mata niya yet there is another emotion which I couldn't name.
"You're not good for my ego, Missy. Simula dati hanggang ngayon. Hinayaan kong insultuhin mo ako but I wont allow you to drag Sandy's name on our argument. Wala siyang kinalaman sa away natin kaya wag mo siyang pakialaman. Nagkakaintindihan ba tayo?" Mahina pero puno ng galit ang boses niya. It made me shiver, I have never seen him this mad, even dangerous. Parang nabibingi na ako sa lakas ng tibok ng puso ko. Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya. What's strange is the remorse that I am feeling towards Sandy.
Shit! Ano ba itong napasukan ko? Kung ano ano tuloy ang pinag iisip ko.
I tried pushing him away but he didn't budge, not even an inch. Instead of moving away, he moved closer and put his hands beside my head. Pati tuloy ang ulo ko hindi ko na maigalaw at wala na akong magawa kundi salubungin ang mga titig niya. I tried lowering my head but he tilted my chin using his other hand.
Nahugot ko ang hininga ko dahil sobrang lapit na ng mukha niya sa mukha ko. His breathe is fanning my face and it's making me uncomfortable. Nananayo pa ata ang mga balahibo ko.
"Yes, you're right. I am not good for you. I am not even good for anyone. I am a good for nothing bastard who killed his own child and his girlfriend." His voice is laced with so much pain na naninikip din ang dibdib ko. I wanted to hit myself for saying those things. Bakit ba kasi hindi ko napigilan ang emosyon ko?
"Yes, I am selfish and I am sorry for being selfish." His eyes darkened as he stared at me, particularly at my lips. Napalunok ako nung hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko before he kissed me harshly on the lips. Napapikit at nag init ang sulok ng mga mata ko.
The moment we entered this room, I already have an inkling on what will happen. I could lose my virginity now. Sa galit na nakikita ko sa mga mata niya, I don't know if he could think clearly. Hindi ako sigurado kung maiisip pa niya ang pagkakaibigan namin. Kasalanan ko naman kasi I provoke him. Kasalanan ko kasi hindi ako nag iingat sa mga sinasabi ko.
Nararamdaman ko ang galit niya sa klase ng halik na binibigay niya sa akin. Hinahalikan niya ako dahil galit siya, hinahalikan niya ako dahil sinaktan ko siya, hinahalikan niya ako dahil dinamay ko ang ex gf niya sa away namin. Sinaktan ko siya kaya sinasaktan niya ako ngayon sa pamamagitan ng mga halik niya.
At nasasaktan ako. Yun nga lang, hindi ko alam kung ano ang mas masakit, ang klase ng halik na binibigay niya sa akin or the fact that he's treating me like this because I've insulted the memory of Sandy.
Hindi ko napigilan ang pagtulo ng luha ako as I tasted blood on my mouth pero hindi ako nagreklamo, hindi ko siya tinulak. Maybe I deserve this. Maybe I ought to be punished for every hurtful words I've hurled at him
Maybe...
He suddenly stopped kissing me. Lalo akong pumikit habang nararamdaman ko ang pagtulo ng mga luha ko. I bit my lower lip to prevent it from quivering at the same time para pigilan ang hikbi ko.
I felt abused. Kahit isa sa mga naging boyfriends ko, hindi ako tinrato nang ganito.
I felt him slightly moved away from mebut his arms remained on the wall beside my head. Kahit na nakapikit ako, ramdam ko pa din ang lapit niya. Naririnig ko pa din ang buntonghininga niya. Pero hindi ko magawang imulat ang mga mata ko. Ayaw ko siyang makita. Ayaw kong makita ang galit sa mga mata niya. Ayaw kong makita ang ganitong side ni Lexie. So, I kept my eyes shut and I let my tears fall.
"Damn it, Missy!" He cursed and I flinched.
"Sa tingin mo natutuwa akong ikaw ang minahal ko? Sa tingin mo nag-eenjoy ako kapag sinisira ko ang mga relasyon mo? Sa tingin mo, masaya ako kapag nakikita kitang umiiyak dahil naghiwalay kayo ng boyfriend mo? Sa tingin mo natutuwa ako, kapag nagseselos ako kahit na wala akong karapatan? Why do you think it took me this long to tell you how I feel? Bakit sa tingin mo pinili ko na lang na itago ang feelings ko sa'yo? Because I know that I am not good for you!"I opened my eyes and our eyes meet. His gaze pierced my heart and burned my soul.
Hindi ako ngayon nakatingin sa Lexie na naging kaibigan ko for the last 10 years. I am now looking at a broken man and it broke my heart seeing him like this.
"But since am selfish, I did my best to destroy your relationships because I can't stand seeing you with other guys. I wanted you for myself. I don't want you to be happy with them because I want you to be happy with me. Selfishness, isn't it? I wanted you for myself but I am too scared to come out of my shell. I wanted to love you freely but I am too scared that you'll end up like Sandy. Yes, I'm a coward too. Takot na takot akong harapin ang nararamdaman ko para sa'yo I I kept it. Alam mo kung bakit? Ayaw ko nang masaktan, ayaw ko nang makasakit but I am doing it again."
"Takot na takot akong mahalin ka dahil alam kong pag nangyari yun, paiiralin ko na naman ang puso ko and I'll destroy your future. So, I stayed away from you. You'll be safe without me. Bumalik ako ng Paris para kalimutan ka. Naisip ko na baka kapag malayo ako, makakalimutan ko din ang nararamdaman ko. Siguro kapag bumalik ako sa Pilipinas na may pamilya ka na, mawawala na din ang feelings ko. But hell! When I've talked to Barbie and she mentioned Washington, I wasn't able to restrain myself. Just thinking of you being married to another guy, made me furious. Yes, I'm sorry that I love you. I am sorry that this selfish guy love you Missy." Parang hinihiwa ang puso ko sa mga sinasabi niya kaya nararamdaman ko na lang na tumutulo na ang mga luha ko.
Naramdaman ko ang kamay niyang pinupunasan ang mga luha ko at lalo lang akong naiyak. Oo nga at naging harsh siya sa akin pero siguro hindi naman niya gagawin yun if I didn't provoke him, if I didn't insult Sandy.
"Umuwi ka na." Sabi niya pagkatapos niyang punasan ang mga luha ko. Umalis na din siya sa harap ko at tumalikod sa akin.
'Lexie, I'm sorry. Hindi ko naman sinadya yung mga sinabi ko. It was just a slip of my tongue but I didn't mean it. I was just mad kaya ko nasabi yung mga sinabi ko kanina. Yung tungkol kay Sandy..."
"Just go home Missy." He cut me off and walked towards the door. I just looked at him, unable to move. As he reached the door, he stopped. Pero sana hindi na lang niya ginawa. Sana nagtuloy tuloy na lang siya sa paglabas at hindi na nagsalita dahil mas masakit ang sinabi niya kesa sa ginawa niyang pagtalikod sa akin.
"Don't worry, from now on. I'll try myvery best to stop myself from loving you."
BINABASA MO ANG
The Gay Who Stole My Boyfriend
RomanceAll is fair in love and war even among the bekis.