Chapter 26
Kung awkward kanina ang scene sa pool, mas awkward ang naging dinner namin. Mandy and Alexis are exchanging meaningful glances habang pabalik balik ang tingin sa amin ni Lexie na magkaharap sa table. Tapos si Lexie tumitingin tingin sa akin habang kumakain. Nakainis kasi di ako makakain ng maayos. Pakiramdam ko talaga nanunuot sa kalamnan ko ang tingin niya sa akin tapos naaalala ko na naman ang pinagsasabi niya sa akin sa restaurant. I can't seem to forget it, para niyang sinulat sa utak ko gamit ang permanent marker. I think I'm scarred for life. No...he didn't mark me.
Tapos sinabi pa ni Mandy na masakit daw ang madivirginize contrary to what Chelsea and Barbie had said. Parang hinahati daw sa dalawa, bigla tuloy akong natakot. Sino ba ang may gustong mahati sa gitna? God! Maybe it is so painful. Nakakatakot pala ang madivirginize. Kaya siguro ang ibang mga babae, mas preferred nila na madivirginize ng maaga kasi kung bata pa malambot pa ang hymen. Siyempre kapag matanda, na medyo makunat na kasi nagkakaedad na. Di ba ganun naman yun? Parang tocino, malambot pag young pork?
After ng dinner nagpaalam na ako na uuwi na. Ayaw ko nang magtagal sa bahay nila with Lexie around. Pakiramdam ko kasi kapag andyan siya, di numero ang kilos ko.
"I'll go ahead na." Paalam ko na sa kanila habang umiinom kami ng tea sa sitting room.
"Ihahatid kita." Lexie offered and I smiled at him para hindi masabi nina Mandy at Alexis na tinatarayan ko si Lexie. Hindi ko siya pwedeng tarayan sa harap ng hipag at kapatid niya kasi hindi naman narinig ng dalawa ang mga sinabi niya sa aking hard and fast.
"Thanks for the offer, but I brought my car." Thank God na sinipag akong suungin ang traffic kanina. Kasi kung nagtaxi ako, malamang, wala akong magiging choice kundi ang magpahatid sa kanya.
"Okay." Thank God ulit na hindi na siya nagpumilit. Nagpaalam na din ako sa mga bata na naglalaro sa nursery with their yayas.
"Bye Dusk, bye Dawn." Sabi ko sabay halik sa pisngi ng kambal." Nag hug ang dalawang kambal at humalik sa akin. They are so adorable, I can't wait to have kids of my own. Pagkatapos kong magpaalam sa lahat lumabas na ako ng bahay nina Mandy pero laking gulat ko nung nasa harap na ako ng kotse ko. I have flat tires. Hindi lang isa kundi dalawang rear tires ng kotse ko flat. What the hell! How am I supposed to go home now?
Bumalik ako sa bahay nina Mandy na naiirita. I came straight to the sitting room kung saan ko silang iniwang tatlo pero wala na si Mandy at Alexis. Ang nakita ko na lang ay si Lexie na prenteng nakaupo sa sitting room at humihigop ng tea. I saw his brow rose when he saw me entered the room. I squinted my eyes at him at walang sabi sabing hinila ko siya patayo at kinaladkad palabas ng bahay nina Mandy papunta sa kotse ko.
"What the hell Missy! If you wanted to be alone with me, you don't have to drag me." Reklamo niya nung nasa tapat na kami ng kotse ko.
"Shut up! Kanina ka pa! I've ignored your advances a while ago dahil nasa bahay tayo ng kapatid mo at bestfriend ko but I've had enough." I said fuming mad.
"I don't understand you." Paisonte pa siya? Sino pa ba ang gagawa ng ganung bagay? Kesyo hindi ako pumayag na ihatid niya, sisirain na niya ang gulong ng kotse ko? That was so cheap!
"You did that, ano?" Iritableng sabi ko sa kanya. Nakakunot ang noong napatingin siya sa akin.
"What are you talking about? What did I do?"
"You messed with my car." Napatingin siya sa kotse ko at sa gulong then his face registered shock. Ang galing umarte. But no, hindi niya ako madadala sa mga arte niya. Kung naloko niya kami for the past ten years, hindi malayong niloloko din niya ako ngayon.
BINABASA MO ANG
The Gay Who Stole My Boyfriend
RomanceAll is fair in love and war even among the bekis.