Synopsis

67 2 0
                                    

May isang malaking syudad na kung tawaging  Piña Del Vanna, isa ito sa pinaka magandang syudad o lugar sa Bansa. Kilala din ito sa pagiging mayaman na syudad.

Punong puno naman kasi ang mga dagat nito nang mga nag gagandahang corals at mga malulusog na isda. Marami din tong magagandang tanawin, matataas at magagandang mga  puno.

May mahihirap, mayayaman at mga simpleng pamilya ang mga nakatira dito. Kilala sa napaka tahimik at masayang lugar sa bansa ngunit sa kabila ng lahat isa ang syudad na'to sa pinaka pino problema ng presidente.

Narito na kasi halos ang magagandang tanawin, pasyalan, at halos maging syudad na to na dinadayo ng maraming turista. Kaya sa laki nito at yaman ng politiko sa syudad na yun ay kahit anv Presidente ay hindi na magawang mapasunod ang Mayor nito.

Pag mamay-ari kasi ng Mayor ang lupang pinagtiturikan ng malaking syidad na ito. Kaya Walang sinuman ang pwedeng mangielam sa pamamahala nya sa syudad na iyon.

Sinubukan  na rin ng Presidente na bilhin ang syudad sa Mayor pero kahit anong laki ng halaga ang i offer nya ay hindi pumapayag ang Mayor ng syudad na iyon. Sobrang ganda ng pamamahala ng Mayor sa syudad na yun.

Kung wala kang ID, o kahit na paper of agreement na pinapayagan kang pumasok sa syudad na iyon ay hindi ka maaring makapasok. Sa laki ng syudad na yon mapagkakamalan mo na lang na isa siyang bansang maliit sa mapa.

Pinalagyan na din kasi ng Mayor ng mataas na pader ang bawat paligid ng syudad na nasasakop ng lupa nya. At tanging iisang malaking gate lang din ang pwede mong pag pasukan at labasan.

May sariling pamamahala din ang Mayor sa loob ng syudad. Tulad na lang ng pagpapatayo ng mga libreng Computer shop, Cafe, restaurant at convenience store para sa mga mahihirap at walang kakayahang bumili ng pagkain. Sobrang bait ng Mayor ng Piña Del Vanna kaya kahit mga nasasakupan nito ay walang galit sa kanya.

Ilang araw ng nanahimik ang Presidente at tumigil sa pangungulit kay Mayor Del Vanna na bilhin ang syudad kaya inakala na ni Mayor Del Vanna na wala ng ineterest ang presidente na angkinin ang syudad nya.

Pero wala syang kaalam alam na tahimik na pala sya nitong pinag paplanuhan. May pinaplano ang presidente at isa lang ang pinanghahawakan nyang salita na binitawan nya sa huling pag uusap nila ng Mayor.

Yun ay ang

"Kung hindi ito mapapa sakin. Mas mabuting wala na lang makinabang nitong dalawa sa atin"

END OF US 2 : A Last One StandingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon