At the Bus Pov;
"Wala pa ba sila?" Hindi mapakaling paglalakad ni Sakura sa loob ng bus. "Unnie, pwede ba kumalma ka lang?? Pabalik na din siguro yung mga yun..." Salita ni Chaeyeon na naguguluhan na sa palakad lakad ni Sakura.
Halos lahat sila hindi mapakali dahil sa pag-aalala nila kila Eunbi. Halos mag iisang oras na kasi silang wala. Maya maya habang nakasilip sa bintana ng bus si Wonyoung may nakita syang tatlong lalaking naglalakad palapit sa bus nila. Kinalabit nya si Yujin at itinuro ang mga lalaki.
"Yujin-ahh... Tingin ko papunta sila dito" salita ni Wonyoung. Napatayo si Yujin para masilip ng mabuti ang mga lalaking papunta nga sa direksyon kung nasaan ang bus na sinasakyan nila. "Unnie..... Did you lock the door???" Salita ni Yujin habang nakamasid parin sa mga lalaking palapit na nang palapit sa kanila.
Napatayo bigla si Chaeyeon sa tanong ni Yujin. Chineck nya yung lock ng pinto pero sira na pala ito at hindi na gumagana. "Bakit may problema ba??" Tanong ni Yena ng makita nya yung reaksyon ni Chaeyeon. "Si...sira yung Lock ng pinto ..." Sagot ni Chaeyeon na halos lahat sila napatayo. "ANO?!"
Nakalapit na nag tatlong lalaki sa bus nila at doon napaantras si Chaeyeon ng biglang nag-akyatan ang tatlong lalaki sa bus nila at hindi na nila napigilan pang pumasok. "Sino kayo? Anong kailangan nyo?" Matapang na tanong ni Chaeyeon. Tiningnan lang sya ng masama ng nangungunang lalaki at tinulak dahil nakaharang sya sa daraanan, Napaupo siya sa Driver seat at duon na tuluyang nakapasok ang lalaki. Nakaabang lang sa labas ng bus ang isa, habang ang isa naman ay nakatayo sa pintuan.
Hinawakan ni Yujin ang mga kamay ni Wonyoung ng mahigpit. Lahat sila kabado sa kung ano mang gagawin ng lalaking to sa kanila. Hindi nila magawang makalaban dahil armado ito ng baril. Nakatayo lang ang lalaki at umiikot ang mata nito sa paligid. Isa isa sila nitong pinagmamasdan na parang may kung anong hinahanap sa kanila.
Hanggang sa tumigil ang paningin nito kay Minju. Ngumiti ito ng parang demonyo habang tumatawa. "Slrrrpppp.... I found my taste...! Huh" saad nito habang nakatingin ng manyak kay Minju. Ng sabihin yun ng lalaki napatingin sa likod si Yena. Nakita nya na si Minju ang tinititigan ng lalaking yun. Ganun din si Chaewon na hinawakan angkamay ni Minju ng mahigpit ng makitang palapit na ito sa kanila.
"Anong gagawin mo?" Tanong ni Chaewon sa lalaki dahil nakatayo na ito sa gilid nila. "walang mangyayaring masama sa inyo kung hahayaan nyo syang sumama sakin " Salita ng lalaki . Duon nya na biglang hinatak yung kamay ni Minju. Pumapalag pa si Minju at ganun dinsi Chaewon na pilit pinapabitaw ang kamay ng lalaki sa kamay ni Minju.
Napatayo na din si Sakura at Chaeyeon pero duon na umeksena ang lalaki si pinto na itinutok sa kanila ang baril na hawak nito. "Walang tatayo! Ang sino mang tumayo at mangielam ay bubutasin ko ang ulo gamit ang baril na hawak ko " Salita ng lalaki sa pinto. "bitawan mo ko!" Pag aray ni Minju dahil sa mahigpit na hawak sa kanya ng lalaki. Ayaw din bitawan ni Chaewon si Minju kaya siniko siya ng lalaki at pinukpok ng baril sa ulo dahilan para mawalan siya ng malay.
"Chaewon!" Sigaw ni Nako at Hitomi ng makita nila ang ginawa ng lalaki kay Chaewon. "Ahhh shibal!" Biglang tumayo si Gaeul at sinipa ang lalaki dahilan para tumalsik ito at bumagsak. Nang makita ng lalaki sa pinto ang ginawa ni Gaeul duon nya itinutok ang baril kay Gaeul at akmang ipuputok ito. Buti na lang nakatayo agad si Chaeyeon at tinadyakan ang lalaki sa tyan, sa pagsipa ni Chaeyeon sa lalaki duon na to nahulog mula sa pinto ng bus at nahulog sa labas.
Tatayo pa sana ang lalaki para pumasok pero mabilis nya tong nasaraduhan ng pinto. Ang hindi nila alam nakatayo na ang lalaking pilit kinukuha si Minju. Sa pagtayo nito hinatak nyaang nakaupo sa gilid na si Sakura. Ginamit nya tong hostage na tinutukan nya ng baril sa ulo. "tigil! Sige! Isa pang galaw nyo sa pwesto nyo at pasasabugin ko ang ulo ng kasama nyo." Pasigaw na sabi ng lalaki. Duon na napatigil si Chaeyeon kaya nakapasok uli ang isang lalaki.
"Ang tino ko kayong kinausap kanina. Hahayaan nyo lang sumama sakin yang kasama nyo at walang masasaktan senyo. Ngayun! Ikaw! Mamili ka. Kusa kang sasama samin o pasasabugin ko yung utak nito?" Salita ng lalaki kay Minju na ngayun ay nangangatog sa takot. Nagkamalay na si Chaewon at narinig nya yung sinabi ng lalaki. Hinawakan nya sa kamay si Minju at sinabihan ng "mi ..minju... Wa-wag kang sumama sa kanya...."
"Sumama ka kung ayaw mong may nangyaring masama sa isa sa mga kasama mo!" Pagpupumilit ng lalaki kay Minju. Nagdadalawang isip pa si minjuz ayaw nyang may mangyayaring masama sa kasama nya pero alam nya na oras na sumama sya sa mga lalaking to ay mapapahamak lang din siya. "bibilang ako ng tatlo, lalapit ka dito at sasama o papuputukan ko tong ulo ng kasama nyo? " Dagdag ng lalaki
"isa!" Napakibit-balikat si Minju dahil sa gulat sa lakas ng boses ng lalaki. Duon na din tumulo yung luha nya sa takot. Tiningnan nya isa isa yung mga kasama nya. Lahat yun umiilong sa kanya na wag sumama sa lalaki. Maririnig mo din ang boses sa likod nila kazuha na nagsasabing "wag kang makikinig sa kanya" "wag kang sasama" pero wala na siyang ibang choice kundi ang mamili sa isang buhay. "DALAWA!!!" Pag sigaw uli ng lalaki. "wag kang makinig sa kanya minju, wag kang sasama sa kanya kahit anong mangyari" salita ni Sakura
"TATLO!!" Lalo nyang diniinan ang pagbaon ng baril sa ulo ni Sakura at akma nya na itong kakalabitin pero duon na siya nakapag desisyon "OO NA!! Sasama na ko ...... Wa-wag mo na siyang sasaktan ....parang awa mo na ..." Nangangatog na boses ni Minju. "Madali ka naman palang kausap. Ano pang hinihintay mo...? Lakad!!! Labas!!" Pagsigaw ng lalaki, duon na naglakad dahan dahan si Minju habang takot na takot sa lalaki.
"Minju...." Salita nila Yujin.
Hindi pa nakakalapit si Minju sa lalaki at hindi pa din ng lalaki binibitawan si Sakura hanggat wala pa sa tabi niya si Minju. Maya maya hindi alam ng lalaki na bagsak na ang isang kasama nya na nasa labas. Tahimik itong bumagsak sa kalsada matapos masapul sa ulo ng pana. Naramdaman ng lalaking nakatayo sa pinto ang pagbagsak ng lalaking kasama nya kaya napatingin ito sa likod nya sa labas.
Paglingon nya duon bumulaga sa kanya ang panang tumagos sa dibdib nya. Nakita ni Chaeyeon ang pagbagsak nito, sa pagtumba nito duon nakita ni Chaeyeon kung kanino nangaling ang pana na pumatay sa dalawang lalaki.
Pagtingin nya sa babae nanlaki ang mga mata nya dahil kilala nya ang kasama ng babae, duon siya sinenyasan ng babae ng "sshhhh"
Mabilis na umakyat si Garam at sa pagpasok nya sa bus duon nya itinuon sa ulo ng lalaki ang pana nya. "hoy! Baboy! Bakit hindi ako ang kalabanin mo?" Pagtawag nya sa lalaki. Napangisi na lang ang lalaki at humarap sa kanya. Pero pagharap nya duon na tumagos sa ulo nya yung panang ibinala sa kanya ni Garam.
Natameme na lang silang lahat sa nakita nila. Hindi nila kilala Yung babaeng nagligtas sa kanila kaya hindi nila alam kung paano sila mag rereact. Hanggang sa sumampa na ng bus sila Eunbi,Hyewon at Yunjin. Duon na sila nagtayuan . "Hindi bat sinabi kong i-lock nyo yung pinto??" Salita ng boses familliar sa kanilang lahat kaya napatayo sila ng makita kung san nangaling yung boses na yun. "Eunbi unnie??"
BINABASA MO ANG
END OF US 2 : A Last One Standing
Misteri / ThrillerIn Book 1, a lot happened to the 12 of them, but it was just a dream of Minju's, but when she wakes up, will her dreams come true?? and happened for real?? In this Book 2 this includes the Ive and Lesserafim Members and i will include here Garam. t...