7.1 Another goodbye

14 4 0
                                    

Sumapit na ang malalim na gabi, tanging katahimikan lamang ang nanaig sa grupo nila Chaeyeon. Halos lahat sila nasa labas ng kwarto habang si Chaewon ay patuloy na nagluluksa sa kaibigan na si Minju. Sa grupo naman nila Hyewon ay ganun din ang pangyayari, lahat sila nagluluksa din sa pagkawala ng kaibigan nila. Hindi lang isa ang nabawas sa kanila kundi dalawa pa.

Habang ang grupo naman nila Yujin ay wala pang kaalam alam sa nangyayari, kahit sila ay nagluluksa din sa pagkawala ni leeseo.

"Wony, may nahukay na ko dun sa likod. Tulad nga ng sabi mo, ayaw mong iwanan si Leeseo ng ganyan lang. Kahit papano gusto mo syang bigyan ng maayos na libingan." Salita ni yujin na may dala pang pala, Construction site kasi yug napuntahan nila na may ginagawa pang bahay. Sa likod kasi nun ay maraming lupa at duon naghukay si Yujin.

Pinunasan na ni wonyoung ang luha nya, sinubukan nya na din buhatin si Leeseo na tinulungan na lang ni Yujin. Nadala na nila ito sa hukay at bago pa mantuluyang tabunan Ni Yujin ay muli nyang tiningnan si Wony na parang humihingi ng go signal.

Tumango lang sa kanya si Wonyoung sabay talikod, hindi nya kasi kayang pagmasdan si Leeseo habang tinatabunan na ng mga lupa. Si Eunchae naman na todo pa ang iyak. Natapos nang tabunan ni Yujin si Leeseo kaya kumuha sya ng dalawang sanga na ginawa nyang pawang krus at tyaka itinusok sa gitna kung saan nya inilibing si Leeseo.

"pano na tayo nito ngayun? pano natin hahanapin yung iba??" salita ni Yujin habang pinagmamasdan ang paligid.

"Yujin-ahh, may Center dun sa kabilang kalsada. Tingin ko likod yan ng Center, bakit hindi tayo nagpunta dun? baka may pwede tayong place dun na pwede nating tulugan" pagturo ni Wonyoung.

Likod yun ng Center at ang Center din na yun ay ang nadaanan kanina nila Yena, pero duon sila sa harap ng Center napadaan at sa harap nun ay may kalsada na paderetsyo kung saaj sila dumaan papunta kila Chaeyeon.

"tara pumunta na tayo dun, nga pala iwasan nyong gumawa ng ingay. Maging alerto din kayo" paalala ni Yujin, bilang sya ang nakakatanda sa kanila ay obligasyon nya na protektahan ang dalasanyang kasama.

Nauunang maglakad si Yujin habang hawak hawak sya ni Wonyoung sa damit nya sa likod. Hawak hawak naman ni wonyoung ang kamay ni Eunchae.

Ligtas naman silang nakarating sa Center nayun, sa pagpasok nila ay duon na sila nakaramdam ng kaba at takot. Sobrang tahimik kasi ng paligid na alam mong ano mang segundo ay may lilitaw na panganib.

Sobrang kalat din ng loob kaya masasabi mong may nakapasok na na mga infected dito at nagkagulo.

"ang tahimik ng paligid, tingin ko parang wala namang infected" mahinang salita ni Eunchae.

"Hindi, wag kayong pasisigurado. Ano mang segundo maaring may infected na lilitaw dyan." paalala ni Yujin. Maya maya ay kinalabit sya ni Wonyoung kaya napatingin sya kay Wony, sa pagtingin nya ay may itinuturo si wony kaya napatingin siya duon.

Nakita nya ang isang infected na palakad lakad mula sa malayo. "isa lang yan, di tayo mapapahamak dyan" yabang pa nitong sambit.

"what the, hindi lang siya isa. Just look around there" pagkalabit uli ni Wonyoung, duon na nakita ni Yujin ang mga naglilitawan pang ibang infected. Duon na sya mas lalong kinabahan dahil sa daming nakakalat.

Mabilis inilibot ni Yujin ang mga mata nya sa paligid ng makita nya ang isang pinto na may naka sign na security room. Muka namang safe sa loob dahil nakasarado pa ito.

"Wony, hawakan mong mabuti si Eunchae. Pupuntahan natin yung room na yun. Hindi na tayo pwede pang lumabas dahil mas maraming infected sa labas." sambit nito kay Wony.

Hinawakan ni Wony ng mahigpit si Eunchae na ipinwesto nya pa sa gitna nila Ni Yujin. Si Yujin na ang nasa unahan habang nasa likod ay si Wonyoung.

Dahan dahan silang naglakad at hihinto lamang sila sa bawat table o stante na matapatan nila para pagtaguan. Hanggang sa ginamit na ni Yujin ang isang strecher na may gulong para gamitin nilang pang tago. May nakalaylay namang kumot hanggang sa ibaba nito kaya hindi sila makikita. Depende na lang kung ipapakita nilang gumagalaw ito.

END OF US 2 : A Last One StandingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon