Naglalakad na sila Yena , Yunjin Hyewon , at Eunbi. Maingat sila sa bawat pag hakbang nila, iniingatan kasi nila na makagawa ng anumang ingay na magiging dahilan para makuha nila yung atensyon ng mga zombies sa paligid.
Maraming nakaparada na mga sasakyan sa kalsada kaya yun yung ginagawa nilang taguan sa bawat paglapit nila sa Restaurant. Napahinto muna sila sa gilid ng isang sasakyan dahil masyadong marami ang infected na nasa tapat ng restaurant. Mahihirapan din silang makalapit at makapasok agad dahil wala na silang kahit anong bagay na mapagtataguan.
"Pano na yan? Masyado silang marami..." Pag-aalala ni Hyewon. "Isa lang naiisip kong paraan. Kailangan may isa sating kumuha ng atensyon nila para makapasok tayo sa loob" Salita ni Eunbi. Lahat sila napatingin kay Eunbi
"You mean may isang magpapahabol ganun?" Tanong ni Yena. "hindi ba masyadong delikado yon?" Dagdag ni Yunjin. "Basta tandaan nyo. Sa oras na makaalis yang mga yan pumasok agad kayo. At kunin nyo agad yung pinunta natin dito, isa pa. Oras na makuha nyo na yung fuel. Bumalik na kayo sa bus at ako ng bahalang humanap sa pinsan ni Wonyoung" Bilin ni Eunbi.
Sa pagsasalitang yun ni eunbi alam na agad ni Hyewon yung pinaplano nya. Alam nya na si Eunbi ang magpe-presintang magpahabol sa mga zombies para makapasok sila sa loob. Pero hindi yun hahayaan ni Hyewon na gawin niya.
Kaya bago pa man magawa ni Eunbi yung pinaplano nya, inunahan nya na si Eunbi. Tumayo na siya pero nahawakan siya ni Eunbi. "anong ginagawa mo?" Tanong ni Eunbi. "Basta gawin nyo yung pinunta natin dito, ako na bahalang magpahabol sa mga toh." Salita ni Hyewon na agad ding lumabas mula sa pagkakatago sa gilid ng sasakyan.
Pumunta si Hyewon sa gitna ng kalsada at kumaway-kaway pa sa mga infected. "Shit! Hyewon bumalik ka dito." Pagsigaw ng mahina ni Yena, gustuhin nya mang sumigaw ng malakas pero di nya pwedeng gawin yun dahil pati sila mapapahamak.
"Yahh!!!! Mga motherfuckers!! Andito ako! Bakit hindi ako yung habulin nyo huh!" Pagsigaw ni hyewon ng malakas, dumampot din siya ng bato at pinukol sa mga zombies dahilan para mapansin siya ng mga toh.
Nag ungulan ng malakas lahat ng zombies habang nakatingin kay Hyewon. Sa puntong yun ano mang segundo ay magtatakbuhan nato palapit kay Hyewon. Kaya agad na tumayo si Eunbi para sana lapitan si Hyewon pero pinigilan siya ni Yunjin.
"Teka! Anong gagawin mo? Gusto mo bang mauwi lahat sa wala yung sakripisyo nya?? " Pagpigil sa kanya ni Yunjin. Tumingin si Eunbi kay Yena na tumango na lang sa kanya. "Tama si Yunjin. Nagaalala man ako kay hyewon pero kailangan nating gawin yung pinunta natin dito...." Pagpilit ni Yena.
"Argghhh!! Shibal" wala ng nagawa si Eunbi kundi ang gawin ang nararapat. Pinangunahan nya na ang pagtakbo papasok sa loob ng Restaurant. Wala na din kasing mga infected dahil lahat ay hinabol si Hyewon.
Sumunod din agad sa kanya sila Yena at Yunjin.
_______________
Hyewon Pov:
Bala na kung saan ako makarating sa katatakbo kong to. Hindi din ako pwedeng huminto at tumigil na lang dahil madaming infected ang humahabol sa likod ko. Kahit na hinang hina na ako sa pagtakbo hindi ko pwedeng gawin yun.
Shit, wala na ding lakas tong tuhod ko. Buti na lang may nakita akong basurahan na malaki na nasa gilid. Mabilis akong nagtago sa gilid nun at umupo. Medyo sinwerte naman kasi naglagpasan na yung mga infected na humahabol sakin kaya nakahinga na kong maluwag. "shit...... Nakakahingal din yun"
BINABASA MO ANG
END OF US 2 : A Last One Standing
Misteri / ThrillerIn Book 1, a lot happened to the 12 of them, but it was just a dream of Minju's, but when she wakes up, will her dreams come true?? and happened for real?? In this Book 2 this includes the Ive and Lesserafim Members and i will include here Garam. t...