2.1 Mysterious Truck

31 4 0
                                    

Nang mapansin ni Sakura na wala na si Chaeyeon . Nagpaalam na din siya na babalik na sa Bus. Habang nagalalakad siya palapit sa Bus may napansin siyang dalawang nakaparada na police car. Nakapalibit to sa isang truck na nakaparada. Pinalibutan din ng police tape ang paligid ng truck.

Maraming tao din ang napahinto at nakapaligid sa truck. Pero mas napansin ni Sakura yung isang babaeng nakaupo lang sa gilid, kung pag mamasdan mo muka siyang walang pakielam sa nangyayari sa paligid nya, pero nang mapansin ni Sakura yung nasa tabi ng babae ay mayroong isang parang tungkod na hawak hawak nya. "Oh? Bulag ba siya o pilay?? Pero sa layo ng tingin ng mata nya masasabi kong bukag nga sya"

Change of pov;

Sa loob ng Restaurant wala pa ding balak magsitayuan ang mga naiwan sa lamesa na sila Wonyoung,Yujin,Yuri,Hitomi, Chaewon,Yena, at Eunbi. Nasa Cr kasi sila Hyewon at Nako. Natapunan kasi ni Hyewon yung damit ni Nako kaya sinamahan na ni Hyewon magpalit si Nako sa Cr.

"Bumalik na tayo sa bus pagkabalik nila Nako"  Salita ni Eunbi. Dahil glass wall lang yung harang ng restaurant na nagsisilbing pader, kitang kita nila yung nangyayari sa labas. Habang humihigop ng Tea si Yujin napansin nya yung mga police na nakapaligid sa isang truck na nakaparada.

"Bat andaming pulis sa labas?" Pagtatakang tanong ni Yujin, narinig siya nila Yena kaya napatingin din sila sa labas. "oo nga no" , " ano kayang meron sa truck na yan??" Lahat sila nakatuon ang tingin sa truck sa labas hanggang sa lahat sila nabaling ang tingin sa lalaking nagsalita.

"Class bumalik na kayong lahat sa bus at kailangan na nating bumalik sa School, ngayun din." Salita ni Mr Torres . Lahat sila nagkatinginan sa isa't isa ng marinig yun, ang alam kasi nila dalawang araw sila mag sstay sa Piña del vanna at kararating lang nila ngayun bakit nagpapauwi na agad?

"Babalik?? Pero Sir, kararating lang natin dito ah??" Tanong ni Yena. "Oo nga sir diba dalawang araw pa tayo dito??" Dagdag pa ni Hitomi. Napakamot na lang sa ulo si Mr.torres dahil sa sunod sunod na tanong ng estudyante nya. "Kailangan na nating bumalik dahil nakatanggap kami ng tawag mula kay Mayor Warren na pinapabalik tyo ngayun din sa Sitio Matarik , kaya wag nang maraming tanong at bumalik na kayo sa bus ngayun din." Ma awtoridad na utos ni Mr.Torres

Duon na sila nagtayuan nang mapansin na nilang galit na si Mr.Torres, dahil sa pagmamadali nila nakalimutan nila sila Hyewon at Nako na nasa banyo pa. Lumabas na sila at habang naglalakad sila palabas nakita nilang nakatayo lang si sakura at nakamasid sa Truck na nakaparada na may kalayuan sa tinatayuan nya.

Kinalabit ni Chaewon si Sakura sa balikat kaya naoatingin ito sa kanila "unnie, let's go we need to go back at the bus now, Mr torres said" Salita ni Chaewon sa kanila. Malayo layo pa sila sa Bus pero nauna nang maglakad sila Hitomi, Yuri, Yena at Eunbi papunta sa bus habang sila Sakura, chaewon, Wonyoung, at Yujin ay nakahinto pa rin dahil nakamasid sa Truck.

Binubuksan na kasi ng mga pulis yung truck, habang binubuksan ng dalawang pulis ang truck mayroong halos 8 pulis ang nakaabang ang baril sa truck at nakahandang paputikin sa ano man ang makita nila sa loob.

Nang buksan na ang truck duon bumungad ang nakakatakot na pangyayari. May mga grupo ng tao sa loob ng truck na halos makita na ang ugat sa mga muka nila, mga pulang mga mata, at halos kulay berdeng gray ang mga balat nila na parang mga wala ng dugo. Nanlilisik ang mga mata nito habang nakatingin sa mga pulis.

Nananatiling walang ginagawa ang mga pulis dahil wala silang alam sa nakita nila sa loob . Hanggang sa lumundag ang isa sa mga tao sa loob at tinalin ang isang pulis. Hindi agad nakawala ang pulis hanggang sa kagatin siya nito sa leeg, duon na nag umpisang mag paputok ng baril ang ilan sa mga pulis pero kahit na may mga baril sila nagumpisa na ding umatake ang lahat ng tao sa loob ng truck.

END OF US 2 : A Last One StandingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon