3.3 Restocking

33 3 0
                                    

Hininto muna nila yung Bus sa gilid ng Kalsada. Di pa naman kasi nila alam kung saang lugar ba sila pedeng pumunta, alam lamg nila na kapag nagpatuloy sila sa pagpapa-andar ng bus ng walang patutunguhan ay baka masayang lang nila yung Gas.

Palubog na din ang araw at unti unti ng dumidilim ang paligid. Kukalam na din ang mga sikmura nila dahil kaninang umaga pa silal kumain. May kanya kanya na sila ngayung ginagawa. Si Chaeyeon na nakasandal at nakaupo sa driver seat habang hawak-hawak ang selpon nya.

Si Eunbi na hindi mapakali sa upuan nya at tahimik lang na nakayuko habang nakahawak sa tagiliran nya, si Hyewon naman na nakasandal sa upuan nya at nakatingala habang nagiimagine ng masasarap na pagkain. Si Yena na firstime nanahimik, hindi dahil sa gutom na siya kundi dahil tulog si Yuri na nakasandal sa balikat nya. Ganun din sila Hitomi,Nako,Eunchae, at Yunjin na mahimbing ang mga tulog.

Habang nasa likuran naman sila Liz na nakabantay lang aa gilid ni Gauel. Si Rei na tahimik lang at nakikiramdam sa paligid nya habang sila Garam at Kazuha naman ay nakaupo lang din ang nakamasid sa paligid. Si Yujin naman ay lumipat ng upuan dahil gustong tumabi ni Leeseo kay Wonyoung kaya umupo muna sya sa tabi ni Chaewon. Tatluhan  kasi yung upuan sa huling linya ng mga upuan bago ang pinakalikuran na mahabang upuan.

Nakamasid lang si Yujin kila Wonyoung at Leeseo na naguusap at nakaupo sa kabilang banda ng upuan. Si Minju naman ay tulad ng dati. Nakasandal sa upuan, nakahood jacket at may nakasalpak na earphones sa tenga nya habang seryosong nakamasid sa labas. Si Chaewon naman na hindi maalis ang pasulyap sulyap sa kabilang banda ng mga upuan kung saan nakaupo sila Garam at Sakura.

Syempre hindi papatalo ang Chaekkua, si Chaeyeon na pasimpleng pinagmamasdan si Sakura mula sa salamin na nasa taas ng harap ng driver seat. A.K.A Jalossiiii ang dalawa

"Guys, di ba kayo nagugutom?" Pag putol ni Yena sa katahimikan. "Syempre nagugutom...." Maikling tugon ni Hyewon. "Mas mabuti pang mamatay sa gutom kesa mamatay at maging tulad ng mga monster sa labas" Walang ganang salita ni Nako na kagigising lang.

"Dont call them monster, you must call them Zombies...." Sabad ni Yuri. "Zombies and Monster magkatulad lang yun!"  Disagree ni Yena na nakanguso na naman habang nagsasalita. "The monster they prefer to be evil. But the zombies are not. They didn't want to be infected so you must call them zombies like what are they called in movies but not monsters. Duh!" Pagpatuloy ni Yuri sa pinaglalaban nya.

"Yah! Yah! Yah! Dyan kayo magaling magbardagulan kahit nasa ganitong sitwasyon na tyo ..... Hayssttt, mga isip bata...." Salita ni Sakura na may tonong pang aasar. "Wow! Nagsalita yung-" naputol sa pagsasalita si Yena ng marinig nila na natataranta si  Hyewon. "Eunbi unnie?" Pag-aalalang salita ni Hyewon. Bigla na lang kasing bumagsak si Eunbi at nawalan ng malay. Bago ito bumagsak kanina napansin nya na na hindi ito mapakali. Hanggang sa hinawakan nito yung Tagiliran nya at nakitang may dugo ang kamay na pinanghawak nya. Kasunod nun ay ang pag bagsak nya at nawalan na sya ng malay.

Napatayo silang lahat at ang iba ay natulala sa nangyari. Lumapit si Chaeyeon at sakura kay Eunbi. Habang si Hyewon at Yena ay pinagtulungang buhatin si Eunbi pasandal sa upuan, dahil sumubsob ito kanina sa lapag ng bumagsak sya.

"Eunbi? Eunbi! Yahh!!! " halos mapasigaw na si Hyewon habang sinusubukan nyang gisingin si Eunbi, tinatapik nya ng paulit ulit yung pisngi nito pero walang nangyayari. "Anong nangyari sa kanya?" Pag-aalalang tanong ni Chaeyeon. Dahil kumpulan na ang nakapagilid kay Eunbi napansin pa din ni Yujin na kalalapit lang ang dugo sa tagiliran ni eunbi. "dugo! Unnie! May sugat sya sa gilid" Pagturo ni Yujin sa sugat ni Eunbi. Nang marinig yun ni Yuri agad syang tumayo at lumapit kay Eunbi.

END OF US 2 : A Last One StandingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon