4.2 Desperate

33 2 0
                                    

Matapos hampasin ni Chaewon ang lalaki duon na nakita nyang nawalan na ng malay si Minju. Kaya nilapitan nya ito at sinubukang yugyugin para magising. "Minju. Yah! Yah minju...!" Paulit-ulit nyang pagtawag sa pangalan ni Minju.

Habang busy sya sa pagising Kay saktong nakita na siya nila Kkura at Garam . Pero halos kasabayan lang din nila yung isang lalaking kararating lang din. Nakita nito yung kasama nyang bagsak sa sahig at walang malay. "Yahh!" Pag sigaw ng lalaki ng makita si Chaewon, agad nyang tinutok ang baril sa walang kamalay malay na nakatalikod na si Chaewon.

Pero bago pa man nya kalabitin ang baril ay naunahan na siya ni garam sa paghila ng tali sa pana nya at pinatamaan ni Garam ito sa dibdib na agad namang bumagsak. Tyaka lang yun napansin ni Chaewon ng makarinig sya ng pag bagsak ng lalaki sa sahig. Napatingin sa kanila si Chaewon ganun din si Garam. Pero umagaw ng pansin nila si Minju na nakahiga sa sahig at walang malay kaya agad silang lunapit .

"Anong nangyari sa kanya?" Taning ni Garam. "Hindi ko alam pero pagdating ko dito nahihirapan na syang huminga." Sagot ni Chaewon na may tonong pag aalala. "shit! Madami pa sila, kailangan natin silang maubos para makalabas tayo ng buhay dito" salita ni kkura matapos nyang sumilip kung nasaan yung nga iba pang lalaki.

"Dalawang may batuta, isang may hawak na kutsilyo at isang may baril, tingin nyo matatalo natin sila?" Dagdag nya pa. Habang hindi pa nakakasagit sila Chaewon at Garam, nakita ni Sakura yung baril sa lapagna hawak ng lalaki kanina. Nilapitan nya to at kinuha. Nagulat na lang si Chaewon at Haram ng ikasa ni sakyra ito ng mabilisan na parang gamay na sya sa pag gamit nito.

"Wow?? Kelan ka pa natutong gumamit nyan??" Tanong ni Garam. "Di na nakakahanga lalo na't anak lang naman sya ng isang Police officer." Saad ni Chaewon na parang kontra sa pag compliment ni garam kay Kkura. Nabigla na lang si Chaewon ng ihagis sa kanya ni Kkura Yung isa pang baril na agad nya din namang nasalo kahit na mabilis yung pangyayari at di nya yun inaasahan.

"Puro ka daldal. Mabuti pa at hawakan mo yan, tulungan mo kong patumbahin tong apat na kumag" matapang na salita ni Kkura. "patumbahin? Kala mo ba ganun lang kadali pabagsakin yang mga yan??" Kontra ni Chaewon. "Wala ka na sa video games unnie." Dagdag nya pa. "Kalma.... Alam ko okay?  Wala ka bang tiwala sa galing ko? " napahinto sya sa pagsasalita ng makita nya yung sapatos mula sa baba g mga stante, at alam nya na sapatos Yun ng isa sa mga apat na lalaki na papubta sa kanila. "Fine, watch and learn!"pumwesto agad ng maangas si Kkura, nakaluhod ang isa nyang binti habang ang isa ay nakatapak lamang na parang paupo. Matuwid nyang inilapat ang mga kamay nya na may hawak na baril

At nung oras na lumitaw na yung lalaki mula sa likod ng stante duonnya na ito binaril sa binti kaya napaluhod ito. Bago pa man mapaaray sa sakit yung lalaki duon na nakahanap ng tyempo si chaewon para kunin yung bote sa isang stante at ipinukol sa lalaki na tumama sa muka. Dahil duon di na nakasigaw pa ang lalaki at tuluyan ng bumagsak. Nakangiti pa si Chaewon dahil nagawa nya yung Plano nya. "Eyymmm! Bullseye..." Proud nyang salita habang si kkura naman ay nakatingin ng masama sa kanya at dismiyado. "Its my time to shine pero umepal ka. Bwisit." Saad ni kkura

__________________

Another team pov; (Yujin,Kazuha,Gauel and Chaeyeon)

Nakarating naman sila ng ligtas sa botika, agad na din nilang nilagay sa mga bag nila yung  mga gamot na kakailanganin nila. Kailangan na din nilang makabalik agad dahil nasa kanila nakasalalay yung kaligtasan ni Eunbi , pero hindi pa nila magagawa yun dahil hindi pa nila nahahanap yung anti tetano na sinasabing gamot ni Yuri.

END OF US 2 : A Last One StandingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon