2.2 Out of Fuel

35 4 0
                                    

Sobrang gulo na sa buong paligid. Bawat madaanan nila ay hindi mawawala ang mga bangkay na nakahandusay sa kalsadla, mga nakakalat na mga gamit at mga kotseng umuusok dahil sa banggaan . Yung napaka gandang kalsadang nadaanan nila kanina ay sa isang iglap ay sira sira, mistulang nag kagyera . 

Habang umaandar sila kusa na lang huminto ang bus sa gitna ng kalsada. Nawalan na kasi ito ng Gas at hindi pa sila gaanong nakakalayo sa Restaurant na pinangalingan nila at hindi pa din sila nakakalayo sa maraming infected dahil sa Restaurant nagumpisa ang gulo.

"Anong nangyari? Bakit huminto tayo?" Pagtatakang tanong ni Eunbi. "Unnie, wala na tayong gasolina....." Sagot ni Chaeyeon. "Ano?? The f*ck!" Pagtayo bigla ni Yena na may kasamang pag hampas ng sandalaan ng upuan sa harap nya. Nagulat na lang sa kanya si Chaewon at sa gulat nya inamba nya kay Yena yung kutsilyong hawak hawak nya na pinaghihiwa nya ng Mansanas.

"Aiishii..." Pag-amba ni Chaewon, nabigla din sa kanya si Yena kaya napaharang ng kamay si Yena sa muka nya dahil akala nya ihahampas talaga sa kanya ni Chaewon yung kutsilyo. "Oh ano ka? Buti nakapagpigil yung tigre" pang-aasar ni Yujin. Tiningnan ni Chaewon ng masama si Yujin kaya biglang nawala yung ngiti nito.

"Pano na yan??" Tanong ni Hitomi. "Wala bang malapit na gas station dito?" Tanong ni Yuri, maya maya sumagot si Yunjin. "Walang malapit na Gas station dito, pero may alam akong pwede nating pag kuhaan ng gas..." Salita ni Yunjin. Nagtinginan silang lahat kay Yunjin na parang si Yunjin lang talaga pag asa nila

"Kaso kinakailangan nating bumalik sa Restaurant. Sa stock room, nagtatabi ng galon galon na gas yung amo namin dahil tinatabi nya yun para kung sakaling maubusan ng gas yung mga delivery vehichle namin..." Salaysay ni Yunjin. "pero paano tayo makakabalik duon? Alam naman nating lahat na duon nagumpisa yung gulo at paniguradong madami yung infected na nakapaligid duon...." Sabad ni Kazuha.

"Kailangan lang natin ngayun is yung kung sino yung babalik duon para kunin yon?" Tanong ni Sakura. "Sasama ako sa inyo. Tutal ako naman nakakaalam kung saan nakalagay yung kukunin natin" Dagdag ni Yunjin.  "Sasama din ako, kailangan kong balikan sila leeseo duon, nag text sya sakin ang sabi niya nakulong sila sa Cr. Kaya please... Payagan nyo kong sumama sa inyo " pagtayo ni Wonyoung.

Napatingin sa kanya lahat. "Wony?? Masyadong Delikado sa labas. Isa pa hindi mo kakayanin" Kontra ni Hyewon. "At hindi din ako papayag." Dagdag ni Eunbi

"Pero kailangan kong balikan yung pinsan ko dun. Unnie??" Pagpupumilit ni Wonyoung. Umiling lang sa kanya si Eunbi. "hindi ka babalik dun, hayaan mo na ako yung humanap sa kanila .... " Salita ni Eunbi "Pangako..... Hindi ako babalik dito ng hindi sila kasama..." Pagbitaw ng salita ni Eunbi kay Wonyoung .

"Sasama ka?" Tanong ni Hyewon. "Di mo ba narinig? Kasasabi nya lang" Epal na salita ni Yena. "Pesteng bibe manahimik ka."

"Sasama na din ako sa inyo." Pagtayo ni Yena. "Oy! Sigurado ka?? Eh baka ikaw pa maging dahilan ng kapahamakan nila dun eh." Pang-aasar ni Chaewon. "Shut up. Tigre!" Padila dila pang salita ni Yena kay Chaewon. "Oh pano yan. Tara na Yena at Yunjin.." Pagyaya ni Eunbi sa dalawa. "Teka! Shit. Sasama ako, kailangan nyo ng isang taekwondo player dun" Pagyayabang na salita ni Hyewon

"Aanhin mo yang pagiging taekwondo mo eh kung sisipa ka pa lang tas nakagat kana" Pang-aasar na sabad ni Sakura. "aisshiba-" itutuloy pa sana ni hyewon kaso naalala nya mas matanda sa kanya si Sakura. "suge ituloy mo yan ng masampal ko yang bunganga mo" Pagsaway ni Eunbi.

Nagtawanan na lang sila. Sinong mag aakala na kahit sa gitna ng zombie apocalypse andun oa din yung pag ka strict leader at unnie ni Eunbi.

Bago sila bumaba at bumalik sa Restaurant naghanda muna sila ng sarili nila. Naghanap sila sa loob ng Bus na pwedeng magamit bilang armas laban sa Zombies. Si Eunbi na nakahanap ng parts ng Tent sa isang bag. Kinuha nya yung parang tubong bakal na medyo matigas . Si Hyewon naman na dun din kumuha ng armas nya kung saan kumuha si Eunbi pero dalawa yung kinuha nya. Bilang Teakwondo player arnis player din siya kaya alam na alam mo na kung bakit dalawa yung kinuha nya.

Habang si Yunjin naman ay nakakuha ng baseball bat sa nag ng Prof. Nila Eunbi. Siguro balak maglaro ng baseball yung prof nila kaya may dalang ganun. Habang si Yena naman ay biglang nakita yung tungkod ni Rei.

Medyo matigas din kasi yun at mukang matibay. Kaya nilapitan nya si Rei at nagsabing ... "Ahm..... Rei? Pwede ko bang mahiram yang tungkod mo??" Taning ni Yena. Napatingala na lang si Rei dahil nakaupo sya at nakatayo sa harap nya si Yena. Tumingin si Rei kung saan nangaling yung boses na nadinig nya. "Ito kunin mo .." Mahinhin na sagot ni rei.

handa na silang apat kaya handa na din silang lumabas. Pero bago yun may isang bilin si Eunbi. "tandaan nyo. Bukod samin wala kayong pagbubuksan ng pinto ng bus, sa paglabas namin i-lock nyo yung pinto. At kahit sinong kunatok at magamok na pumasok ay wag na wag nyong papapasukin. " Paalala ni Eunbi. "Bakit?? Pano kung nangangailangan sila ng tulong??" Taning ni Nako.

"Pero pano kung isa sa kanila may kagat na??? At dito maging infected sa loob?? Tingin nyo kaya nyong makaligtas sa oras na nasa loob na yung panganib?? Isa pa. Sa nangyayaring to ngayun lahat ng tao gagawin na yung lahat para makaligtas. At pano kung yung taong mapagbuksan nyo ay patayin kayo? Kunin tong bus sa inyo? Mahirap nang magtiwala ngayun.. kaya please lang. Tandaan nyo yung sinabi ko" Salita ni Eunbi na lahat sila ay nakikinig ng mabuti.

"Ngayun.... Chaeyeon, sakura. Umaasa ako na walang mangyayaring masama dito hanggat wala kami. Umaasa ako na kaya nyo silang protektahan bilang nakakatanda sa lahat ng maiiwan dito...." Pagtingin ni Eunbi kila Sakura at Chayeon. Sabay na tumango ang dalawa kay Eunbi "pangako. Kami na bahala dito unnie, magiingat kayo" Sagot ni Chaeyeon. "Bumalik kayo ng ligtas " Salita ni sakura.

Tumango si Eunbi at tuluyan na silang lumabas ng bus.

END OF US 2 : A Last One StandingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon