Sumikat ang araw at yun ang gumising kila Yujin at Wonyoug na nakatulog na lang sa kakaiyak sa nangyari kagabi. Sa pagmulat nila walang nagbago, nasa harap pa din nila ang bangkay ng isang kaibigan na si Eunchae. Nakataklob na ang bandang ulo nito ng isang tela, tinakluban kasi itp ni Yujin dahil halos wasak wasak na din kasi at hindi halos makilala ang bangkay dahil sa tama ng baril sa ulo.
Sa pagiikot ng mata ni Yujin ay natigil ito sa isang bintana sa itaas. Tumayo siya at tumungtong sa isang upuan para sumilip sa labas. Halos walang ka infe-infected sa labas at mukng kalmado ang paligid. Sa padaretsyung daan sa tapat ng gusalikung nasaan sila ay may natatanaw syang isang building. Para bang is itong apartment, napansin nya dinyung kaisa isang liwanag pa din sa bandang 8th flr na nananatiling nakabukas kahit umaga na.
Naisip nya na baka may nasa loob nun na pwede nilang mahingian ng tulong. Bumaba na sya sa upuan at nilapitan si Wonyoubg na tila bang nakaramdam na naman ng lungkot ng makita ang bangkay sa harap nya.
Tumayo si Yujin sa harap nya para na din harangan ang bangkay at hinawakan ang kabilaang pisngi ni wonyoung at pinunasan ang luha nito.
"makinig ka, alam kong mahirap kalimutan lahat ng nangyari kagabi pero kailangan gawin mo. Kailangan natin magpatuloy sa paglaban, kailangan natin maging matapang. At alam kong magagawa mo yun oras na tangapin mo ng buong buo na wala na sila. Na wala na yung mga ilang taong mahalaga satin.... Plsss, wony. Kayanin mo... Umpisa pa lang to, kaya plss. Wag mong hayaang lamunin ka ng pagluluksa at hayaan ang sarili mo sa kakaiyak. Gamitin mong inspiration para magpatuloy lumaban ang pagkawala nila. Isipin mo na lang, na namatay sila para maligtas tayo. At mababalewala lamang yung pagkawala nila oras na tyo yung sumuko. Kaya kailangan nating magpatuloy lumaban wony, para sa kanila...." mga salitang binitawan ni yujin kay Wony.
Kahit papano nakatulong yung mga sinabi ni Yujin, para bang natauhan si wony sa mga sinabi nya. Simula ng mawala kasi si leeseo para bang nawalan na nang saysay si Wony na mabuhay pa at magpatuloy lumaban. Nadagdagan pa ng pagkawala ni eunchae. Narealize nya na hindi lang sya naapektuhan sa pagkawala ng kasama nila, alam nya na kahit papano naapektuhan si Yujin. Pero hindi nya ito nakktaan ng kahinaan sa sarili dahil alam nya na oras na maging mahina silang dalawa ay wala silag magagawa kundi ang matulad sa mga nawala.
Ganun din ang mindset ni Yujin, malaki man ang pagsisisi nya sa sarili nya sa pagkawala ng dalawa bilang nakakatanda sa grupo nila ngayun. Hindi nya nagawang proteksyunan ang dalawang nakababata sa kanya bilang nakakatanda. Pero kailangan nyang maging matapang ng sa ganun ay kahit papano may malakas pa din ang loob sa kanilang dalawa ni wony.
Sa lumang Camp kung nasaan sila Hyewon, napagpasyahan na ng iba sa kanila na lumibot muna sa baba. Naisilan kasi nila na i make sure na ang seguridad ng lugar na yun para maging pansamantala na talaga nilang tuluyan. Bumaba sila at naiwan lamang sa itaas sila Rei, Liz, at nako.
"ang laki din pala talaga ng lugar na to anoh?" salita ni hyewon na namamangha sa laki ng lugar, hindi naman gaanog kalakihan ang kugar ngunit talgang sasapat na para sa kanilang lahat ito. Abandonado kasi itong building na wala pang mga pader tanging hagdan at mga poste bawat kanto pa lamang ang buo dito. Halos iisang kwarto lang ata ang mayroong harang na pader na nagsisilbi nilang tulugan. Sa baba kasi nito ay may iilan pang tent ng mga sundalo at iilang mga sasakyan na inabando na.
May mga bangkay lang nakakalat sa tapat ng building na mga sundalo at iilang mga baril na nasa lapag lamang. Malaya silang makakalibot sa tapat ng gusali dahil mayroong malaking gate at matataas na harang ang nagsisilbing proteksyon bago makapasok sa mismong lugar na iyon. idagdag pa ang pintong na nagsisilbing harang sa baba ng building bago makapasok ng building.
Habang nagkakanya kanya sila ng paglilibot sa paligid ay kanina pa nakatayo sa gate si Gauel n apaea bang seryoso kung makamasid sa mga bakal ng gate.
"wag mong sabihing nagbabalak kang lumayas?" hirit na biro ni Eunbi habang papalapit kay Gauel. Tiningnan lang siya ni gauel at ibinalik ang tingin sa gate.
BINABASA MO ANG
END OF US 2 : A Last One Standing
Misterio / SuspensoIn Book 1, a lot happened to the 12 of them, but it was just a dream of Minju's, but when she wakes up, will her dreams come true?? and happened for real?? In this Book 2 this includes the Ive and Lesserafim Members and i will include here Garam. t...