Habang yakap yakap ni Sakura si Garam ay nakaikot din ang kamay ni Garam sa likod ni Sakura payakap. Habang nakapatong ang baba nya sa balikat ni Sakura ay napansin nya ang bakas ng kagat ng ngipin sa braso nya.
Nanlaki ang mata nya at agad nyang itinulak sa kanya palayo si Sakura. Nagulat na lang at nagtaka si Sakura kung bakit at anong nangyayari.
"Ma-may problema ba??" Sakura asked habang nakatitig kay Garam. Napaantras lang palayo si Garam at tiningnan ang braso nya ng maiigi. Sa pag react ni Sakura kanina ay napatingin din sila Chaewon.
"Ka-kagat ba yan??" Tanong ni Chaeyeon ng makita nya ang bite mark sa Braso ni Garam. Napatingin lang sa kanya si Garam na bakas na ang takot sa muka nya. Sa pagkakita din ni Sakura sa braso ni Garam ay hindi sya makapaniwala. At hindi nya matanggap.
"No....., gasgas lang yan huh. Makinig ka. No-normal lang yan di-diba??" Nanginginig na pananalita ni Sakura. Pinipilit nyang paniwalain si Garam na ayos lang ang lahat. Pero sa sarili ni Garam alam nyang hindi. Unti unti siyang humakbang paantras hanggang sa mawalan na sya ng space na maantrasan. Nasa bintana na kasi siya banda sa kaka hakbang nya paantras.
Pero sa kada hakbang nya paantras ay ganun din ang paghakbang ni Sakura palapit sa kanya. "Hindi. Wag kang lalapit...... Dyan ka lang . A-ayokong ma-masaktan ko yung kahit sino senyo....., please .... Dyan ka lang" Naiiyak ng salita ni Garam. Ataw nya pang mamatay, ayaw nya pang maging tulad ng mga zombies perp lalong ayaw nyang makasakit ng isa sa kaibigan nya.
Tumingin siya sa likod nya kung nasaanang bintana. Tumingin siya sa baba na parang tinitingnan kung gaano kataas ang bintana mula sa ibaba. Nasa 8th floor sila na palapag. Nasa isang apartment building kasi sila. Nahalata na din nila Sakura yung binabalak ni Garam kaya panay sulyap ito sa ibaba.
"Garam. Kung ano mang binabalak mo please.. wag mo nang ituloy. Marami pang ibang paraan para hindi mo kami masaktan plsss, wag yan" Pagkumbinsi ni Chaewon. Tumingin lang sa kanila si Garam at umiling habang patuloy sa pagluha.
Nagumpisa na din siyang magbali bali ng leeg na parang sa kada galaw ng leeg nya ay may kasama pang oag tunog ng parang mga butong nababali. Nagumpisa na siyang maglabas o magpakita ng mga symptoms ng isang infected. Pero nagagawa nya pang mapakalma ang sarili niya at mapigilang umatake ng isa sa mga kaibigan nya.
"Magiingat k-kayo..... Ju-just . Su-survive fo-for me huh???, i. I lo-love yo-yoi gu-guys....." Nauutal nyang salita hanggang sa magumpisa ng mamuti ang mata nya at maglitawan ang mga ugat sa leeg nya. Pero kahit na ganun. Nagawa nyang ibagsak ang katawan nya mula sa bintana. Bago kasi sya magumpisang mag turn sa zombie ay umupo na sya sa bintana patalikod at paharap kila Sakura.
At nung naramdaman nya ng nag turn na sya sa zombie ay inihulog nya na ang sarili niya. "Andwae!!!!!" Sigaw ni Chaewon na napatakbo pa papunta sa bintana. Nagawa nya pang hawakan ang kamay ni Garam. At buong lakas nya na hindi inisip na bitawan ang kamay ni Garam para hindi ito tuluyang mahulog.
"Cha-chaewon.... Bitawan mo na sya. Hindi na siya si Garam na kilala natin." Pagkumbinsi ni Chaeyeon kahit na sya ay hindi magawang makatingin kay Garam mula sa labas ng bintana.
"Ta-tama si chaeyeon. Mahirap man gawin pero. You need to let go of her....." Dagdag ni Sakura na sobra ang pagiiyak
"No....., i. I cant." Mahinang sambit ni Chaewon habang nakatitig lang kay Garam na wala na sa sarili niya at kumakahog kahog na dahil sa hindi na siya normal at nag turn na sya sa pagiging zombie nya.
Habang tinititigan nya yung muka ni Garam kasabay nun ang pagbabalik ng mga alaala nya mula sa babaeng to. Ni hindi nya man lang nagawangsabihin yung totoo. Totoo na sa kanya lahat nangaling yung mga letter, gifts, and teddy bears. Hanggang sa huling hininga ni Garam ay naging duwag sya.
"I-im so-sorry...... I wa-was too coward to con-confess everything at you......, i-im sorry...... Until our next life Garam...." Pagkatapos nyang banggitin ang last word at duon nya na binitawan ang kamay ni Garam. Pumikit na lang sya para hindi na makita ang pagbagsak ni Garam sa ibaba. Kasabay ng pagpikit nya ang luha ng pagsisisi.
Pagkabitaw ni Chaewon ay halos manlambot ang tuhod nya kaya napaupo na lang sya sa sahig sa tapat lang ng bintana. Duon siya nakasandal at nagumpis ang humagulgol sa iyak.
Hindi magawang pakalmahin at damayan ni Minju si Chaewon dahil hindi ito makatayo dahil sa tinamo nyang sugat at maga sa katawan. Halos pagmasdan na lang ni Minju si Chaewon na nasasaktan at nagluluksa. Kahit si Minju ay napaluha na lang lalo nat nakikita nya kung gaano nasasaktan si Chaewon.
___________
At Eunbi Group Pov:
Nasa isang Lumang gusali ang Grupo nila Eunbi. Lahat sila mga nakaupo at ang iba ay nakabantay sa bandang pintuan."Tingin nyo okay lang sila?" Tanong ni Nako habang nakatingin sa di kalayuan.
"Sana." Maikling tugon ni Hitomi.
"Sana nga. Dahil hindi ko mapapatawad yung sarili ko kung may nangyaring masama isa mab sa kanila.." Dagdag ni Eunbi na malayo ang tingin mula sa bintana.
Nasa isang ginagawa kasi silang building. Pero bago makapasok sa building na yun ay mayroong court sa tapat nito at mayroong malaking gate na papasukan bago makarating dito. Ang building kung nasaan sila ay nakaharao lang sa kalsada at gate. Kaya tanaw lang ni Eunbi ang nangyayari mula sa labas ng malaking Gate.
"Unnie. May nahanap kaming mga medicine equipment sa isang kwarto. Meron ding mga ibat ibang uri ng baril, kutsilyo. Ultimo bomba pa nga meron din sa tent sa ibaba." Salita ni Hyewon na kaaakyat lang faling sa labas.
"Tingin ko hide out to ng mga sundalo. Or something na training area to ng mga sundalo. Marami kasing nga gamit ng sundalo sa ibat ibang parte ng gusali eh" dagdag ni Yena.
BINABASA MO ANG
END OF US 2 : A Last One Standing
Misterio / SuspensoIn Book 1, a lot happened to the 12 of them, but it was just a dream of Minju's, but when she wakes up, will her dreams come true?? and happened for real?? In this Book 2 this includes the Ive and Lesserafim Members and i will include here Garam. t...