2nd Night..
Sa Lumang kampo ng mga sundalo napadpad sila Eunbi kaya ganun na lang sila ka safe sa lugar na to dahil sa may malaking gate ito sa labas bago makapasok sa building. Napakalma na ni Hyewon si Eunbi matapos nitong hindi mapakalisa pag aalala saibang kasamang napahiwalay sa kanila.
"wala ba tayong balak hanapin yung iba?" tanong ni Gauel.
"Hahanapin natin sila, hindi pwedeng hindi. Lalo nat ngayung hindi lang infected ang makakalaban natin. Pati na din yung ibang survivor na gusto makalabas ng buhay dito sa syudad. Ipagpapabukas na muna natin yung paghahanap, nakita nyo naman siguro yung lagay sa labas ng gate. Maraming infected sa labas kaya delikado kung ngayun natin sila hahanapin." salaysay ni Hyewon.
Sa pagsasalita nya napanganga lang sila Hitomi at Nako sa pakikinig. Ngayun lang kasi nila nakitang umastang matured si hyewon, samantalang kilala sya sa Campus bilang trouble maker.
Maya maya nag ring ang phone ni Nako na sabay sabay silang napatingin sa kung saan galing ang tunog. Agad namang nataranta si Nako sa pagkuha ng phone nya sa bulsa at nakita ang pangalan ng caller as "Chae Unnie"
Hindi na sya nagpa sikot sikot pa at sinagot agad ang tawag na agad pinakinggan ng lahat. "Chaeyeon unnie?" nako greeted
"Nako, asan kayo? ligtas ba kyo dyan? sino sino kasama mo? may kasama ka ba dyan?" sunod sunod nitong tanong.
Narinig yun ni Hyewon kaya sinenyasan nya si Nako na ibigay sa kanya ang phone na agad namang ibinigay sa kanya ni Nako.
"Ako to si Hyewon, Chaeyeon, ayos lang kami dito. Kasama namin sila Eunbi, Rei, Gauel, Kazuha, Hitomi. Ikaw, asan ka? may kasama ka ba dyan?" tanong ni Hyewon.
"Kasama ko dito sila Chaewon, Minju, Sakura, Yena at Yuri...." bangit ni Chaeyeon na sandaling naputol.
"teka, sa pagkakaalam ko magkakasama sila Yujin, Wony, Leeseo at Eunchae. Hindi nyo ba kasama yung Garam?" sabad na tanong ni Hitomi matapos marinig ang sagot ni Chaeyeon.
Sanadaling nanahimik ang kabilang linya sa tanong ni Hyewon. Sa pagtahimik nila ay nagkatinginan lang sila Hyewon na para bang na se-sense na nila na may masamang nangyari.
"Chae?? si Garam? hindi nyo ba sya kasama?" pagputol ni Gauel sakatahimikan nila.
"Unnie.., She's gone." malungkot nitong sagot na ikinabigla nilang lahat. Hindi sila makapaniwala na yung Ace ng grupo ay wala na. Hindi nila lubusang maisip kung bat o paano nangayari.
"Ano?! te-teka pan-pano nangyari yun??? Chaeyeon sagutin mo ko! anong nangyari??" sigaw na tanong ni hyewon dahil ayaw sumagot ng kabilang linya.
"nakagat sya.... we tried to calmed her pero wala na sya sa pagiisip nya. Hanggang sa hinulog nya na lang yung sarili nya mula sa bintana..., Unnie. Mianheee, i failed to protect her as their older unnie here" mangiyak ngiyak na salita ni Chaeyeon.
Napalayo na lang si chaewon ng umiyak si Chaeyeon, ayaw nyang may makita pang umiiyak dahil pati sya ay napapaiyak din. Ganun din sila Sakura. yuri at yena na nilihis ang paningin nila sa iba.
"f*ckk!! aarghhh!!" napasigaw na lang si Hyewon sa galit. Habang kasabay nito ang pag iyak nya, hindi sa nagagalit sya kay chaeyeon kundi dahil sa nagagalit sya sa nangyayari.
Napasipa na lang sya sa container sa harap nya na ikinagitla na lang nila Rei. Sinuntok nya din yung pader sa galit. Kinuha naman ni Gauel yung phone kay Hyewon para ilayo sa kanya, baka kasi mamaya pati ying phone mabato nya.
Sa pagkuha ni Gauel ay duon na napaupo sa sahig si Hyewon, halos sabunutan nya na yung sarili nya habang umiiyak. Tinitigan lang sya nila Hitomi at Nako.
BINABASA MO ANG
END OF US 2 : A Last One Standing
Misterio / SuspensoIn Book 1, a lot happened to the 12 of them, but it was just a dream of Minju's, but when she wakes up, will her dreams come true?? and happened for real?? In this Book 2 this includes the Ive and Lesserafim Members and i will include here Garam. t...