4.3 Long Bridge

32 3 0
                                    

Nakabalik na ang lahat sa Bus. Naagapan na din agad nila si Eunbi kaya maayos-ayos na yung lagay nya ngayun.

Nakaupo na silang lahat sa kanya kanya nilang pwesto. Habang si Minju naman ay nagkaroon na din ng malay pero unstable pa din yung emosyon nya dahil sa mga ala-alang nag sink in sa isip nya kanina. Nakasandal lang sya sa upuan nya at nakamasid sa bintana. Pinagmamasdan lang sya ni Chaewon na nay halong pag aalala.

"Habang buhay na lang ba tayo andito sa bus?? Hindi ba tayo maghahanap ng lugar na mag tatagal tayo?" Tanong ni Yuri na napaisip silang lahat. "Tama si Yuri. Kailangan nating humanap ng lugar na ligtas at matutuluyan natin. Hindi naman laging mayroong gasolina yung bus" pag agree ni Hitomi.

"So anong gusto nyo? Bumaba tayo dito sa bus at maghanap ng matutuluyang lugar??" Tanong ni Hyewon. "Hindi ba parang delikado naman yun?" Sabad ni Yunjin. "Lalo nat alam naman nating maraming infected ang nakakalat sa labas. Baka mamaya mabawasan pa tayo bago makahanap ng ligtas na lugar" dagdag ni Liz.

"Kesa naman habang buhay tayong mabulok sa bus nato. " pagbara ni Gauel. "Mas gugustuhin ko pang mag stay dito kesa lumabas no." Pagmamatigas naman ni Nako.

"Okay sige ganto na lang. Mag botohan tayo. Taas kamay ng mga gustong lumabas para maghanap ng bagong matutuluyan" pagtayo ni Eunbi sa kinauupuan nya at humarap sa kanila. Natahimik silang lahat at nagkatinginan sa isa't isa. Mga nag aantayan at nakikiramdama ang isat isa sa kanila. Hanggnang sa inunahan na ng taas ng kamay ni Yuri na nag suggest ng humanap ng matutuluyang lugar. Sinundan naman siya ni Yena at halos 14 sa kanila ang nag taas ng kamay . Kahit na hindi na magtaas ang iba pa alam naman na kung ano na ang desisyon na nagwagi.

"Pano ba yan. Majority wins" salita ni Yena na nagyayabang pa. "Teka! Sigurado ba talaga kayo sa plano nyo? Bababa tayong lahat at maghahanap ng ligtas ng lugar? Tingin nyo walang panganib sa labas?" Pagpigil ni Nako na halata namang takot sa planong gagawin nila. "Chill pandak! Takot ka lang eh." Pang aasar ni Hyewon. "Just dont be scared as long as andito ako sa tabi mo." Bulong ni Hitomi.

"Okay. Tutal pawala na din naman yung gas natin. Pagpapatuloy ko plan
Rin to sa pagaandar hanggang mawalan ng gas. Hahayaan ko na ang tadhana kung saan maj tayo dalhin" Salita ni chaeyeon. "Arghhh! Basta. Walang sisihan to pag nalagasan tayo dahil dyan sa plano nyo." Paaburidong sambit ni Garam.

___________

Nawalan na nga nga gasolina yung Bus nila. "Anong nangyari??" Tanong ni Sakura. "Ano pa edi wala ng gas yung bus natin" Sagot ni Hyewon. Nagtayuan sila sa kinauupupuan nila at sumilip sa bintana. Tumingin sila sa buong paligid at tanging mga nakapark lang na sasakyan ang nakita nila sa paligid. Nasa mahabang tulay sila ngayun. Halos nasa gitna pa lang sila ng tulay kaya mahaba haba pa ang lalakarin nila para makarating sa mga bahay bahay.

"Handa naba kayo?" Tanong ni Chaeyeon ng tumayo sya mula sa pagkakaupo sa driver seat. Nangibabaw ang katahimikan sa loob ng bus hanggang sa tumayo si Gaeul na parang walang nararamdamang kaba o takot sa paglabas nila. "Oh? Ano pang tinutunganaga nyo dyan? Di pa ba tayo bababa?" Tanong ni Gauel..

Walang sino man ang nag amok na kumilos at tumayo hanggang sa tumayo si Eunbi. Duon na sila nagtayuan. "Nagbotohan na tayo kanina hindi ba? Madaming nagtaas ng kamay sa inyo tapos ngayun walang kikilos?" Pasermon na salita ni Eunbi. "Ihanda nyo na yung sarili niyo. Mga gamit na pedeng gamiting armas dalhin nyo. Hindi magiging madali dadanasin natin sa labas..... Kaya maging alisto kayo" Bilin ni Eunbi.

END OF US 2 : A Last One StandingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon