Sa katatakbo ni Leeseo at Eunchae nakarating sila sa isang ginagawang Gusali. Umakyat sila sa ikalawang palapag at duon nagtago sa likod ng isang pader.
Palapit ng palapit yung tunog ng yapak na naririnig nya. At yapak yun na nanggagaling sa paglalakad ng zombie na sinusundan ang amoy ng isang tao. Palapit na din ito ng palapit sa pader na pinagtataguan nila Leeseo. Nakita na rin halos nila halos ang paa ng infected na papasok sa kwartong pinasukan nila. "Leeseo!! Where are you??" Boses ng isang babaeng familliar kay Leeseo. Nakapikit na sana si Leeseo at handa ng maatake ng zombie pero napadilat sya ng marinig nya ang boses ni Wonyoung. "Boses ng pinsan mo yun diba?" Tanong ni Eunchae.
Sa tunog at ingay na ginagawa nito ay mahahalata mong tumatakbo ito paakyat ng hagdan. Nabaling din yung atensyon dun bg zombie kaya ibinaling sa hagdan ang tingin nito. "Yahh!! Wonyoung! Wait!" Pagtawag ni Yujin kay Wonyoung. Nauuna kasi sa kanyang tumakbo paakyat si Wonyoung, alam no Yujin na delikado kung di mag iingat si wonyoung sa pag akyat nya sa taas. Maari kasi na bigla na agad siya nitong atakihin.
Sa pag-akyat na pag akyat pa lang ni Wonyoung ay bumulaga na sa kanya ang gutom na gutom na zombie. "Ahhhhh!" Pasigaw na reaksyon ni Wony ng makita nya yung zombie. Sa pagsigaw ni Wonyoung duon na lumabas sa pagtatago sila Leeseo at Eunchae . Agad namang napa-antras si Wonyoung pero sa paghakbang nya paantalras muntik na siya mahulog sa hagdan. Buti na lang nasalo siya ni Yujin. Sa pagkasalo ni Yujin kay Wonyoung iginilid nya sa tabi si Wonyoung dahil palapit sa kanila ang zombie.
Inatake nito si Yujin na mabilis naman ni Yujin naiharang ang hawak nyang kahoy. Pahiga itong naka harang sa leeg ng zombie habang hawak hawak ni Yujin ang magkabilang dulo nito. Halos kalahating ruler na ang lapit ng zombie sa muka ni Yujin pero buong lakas no Yujin pinipigilan ito makalapit sa muka nya gamit ang kahoy.
"Yahhh!!! Leeseo!!" Pasigaw na salita ni eunchae. Inaatake na kasi si Leeseo ng isa pang Zombie. Narinig din ni Wony ang sigaw ni Leeseo kaya hindi nya alam ang gagawin nya.
"Oh? Yujinn-ahh!" Natarantang pagaalala ni Wonyoung, hindi nya alam yung gagawin niya. Kung tutulungan nya ba si Yujin o uunahing puntahan sa taas sila Eunchae at Wonyoung na mukang inaatake na din ng ibang zombie. "Wonyoung-ahh, puntahan mo na sila sa taas. Kaya ko na to, bilis!" Pasigaw na utos ni Yujin habang nakikipag laban siya sa zombie. "Shit ...! Okay, fine!, ju-just be- carefull okay?" Nauutal na sagot ni Wonyoung. Nagmadali na itong umakyat sa taas at dinampot ang semento sa lapag. Agad nya tong inihampas sa ulo ng infected na umaatake kay Leeseo.
Si Yujin naman ay itinulak ang zombie gamit ang kahoy pababa sa hagdan. Nahulog naman agad ang zombie at bago pa ito makatayo uli ay tinalon nya na pasipa at hinampas ng kahiy sa ulo hanggang sa mawalan ito ng malay. "Shisshhh! Piece of cake!" Mayabang na salita ni yujin sabay punas ng pawis nya sa noo.
"Leeseo-ahh, are you okay?" Salita ni Wonyoung ng makita nya si leeseo, bakas pa sa muka nito ang takot. Nakangiti naman siyang binati ni leeseo pero nawala ang ngiti nito na para bang may nakita mula sa likod ni Wonyoung. Hinatak nya si Wonyoung palapit sa kanya at niyakap. Sa pagyakap nya umikot sya na parang nagpalit sila ng pwesto ni wonyoung.
Nabigla lang si Wony sa ginawa ng pinsan nya, ang akala nyang pagyakap ng namimiss ay pagyakap pala ng pagsagip sa buhay nya. Sa pagpalit kasi nila ng pwesto ay duon na siya nakarinig ng putok ng baril. Nagitla din si Leeseo na parang may bumaon sa likod nito. Ang ngiti sa muka ni Wony ay napalitan ng pagkagulat ng makita nya ang isang lalaki sa likod ni leeseo na may hawak na baril at nakatapat pa ito sa kanila.
Narinig din yun ni Yujin mula sa baba. Nanlaki ang mata nya at kinabahan sa nangyayari sa taas kaya nagmadali na siyang umakyat.
"U-unnie....." Mahinang salita ng nanghihinang si Leeseo. Untinunting tinanggal ni Wony ang kamay sa likod ni Leeseo at duon nakita ang dugo na nangaling sa likod ni Leeseo. Duon na din unti unting bumagsak sa sahig si Leeseo pero hindi pa din siya binitawan ni Wonyoung. Nakaupo na sa sahig si wonyoung habang nakahiga sa braso nya ang nanghihinang si Leeseo. Umiiyak naman sa tabi niya si Eunchae.
BINABASA MO ANG
END OF US 2 : A Last One Standing
Mystery / ThrillerIn Book 1, a lot happened to the 12 of them, but it was just a dream of Minju's, but when she wakes up, will her dreams come true?? and happened for real?? In this Book 2 this includes the Ive and Lesserafim Members and i will include here Garam. t...