4.1 A Gang

72 4 0
                                    

Sa grupo nila Sakura ligtas silang nakarating sa isang Convinienced Store. Sa pagpasok nila agad nilang nilibot yung paningin nila sa paligid, nakikiramdam kung mayroon bang tao o infected sa loob.

"Ssshhhhh....... Baka may infected dito sa loob" Babala ni Sakura sa apat na napatigil sa paglalakad. Nagkatinginan silang lahat at sabay sabay na nakiramdam. Medyo malaki yung loob ng Store kaya di nila masisigurado kung ligtas ba sila kahit na nasa loob na sila. "Chaewon-ahh, duon kayo pumunta ni minju kami naman ni garam dito sa kaliwa" utos ni Sakura na parang labag sa loob ni Chaewon na sundin.

"Huh? Kayong dalawa ni Garam? Teka! Ako sasama kay Gara-" Magrereklamo pa sana si Chaewon pero naalala nya na nasa tabi niya lang si Minju, baka isipin ni minju na ayaw nyang kasama siya kaya hindi nya na lang tinuloy yung sinabi nya. "fi-fine......." Buntong hininga ni Chaewon.

"Mag iingat kayo, ako na bahala dito , magbabantay ako dito sa pinto" Salita ni Liz. Tumango sa kanya si Sakura, hinawakan na din ni sakura yung kamay ni Garam para umalis na sila, pero bago siya tumalikod tumingin muna siya kay Chaewon na masama ang reaksyon ng muka. "Kayo yung kumuha ng mga makakain, kami naman sa mga inumin" dagdag na bilin ni Sakura na inerapan lang ni Chaewon.

"Let's go." Badtrip na tono ng boses ni Chaewon na nauna ng naglakad paliko sa kanan. Ganun din sila Sakura at Garam na lumihis na din pa kaliwa.

Chaewon and Minju Pov:

Nauuna sa paglalakad si Chaewon habang nasa likod nya lang si Minju, sa bawat paghagbang nila at paglapat ng sapatos nila sa sahig ay iniiwasan nilang makagawa ang anumang ingay.

"It safe ..... Walang infected" pagkalma ni Chaewon sa sarili niya ng makita nya na walang anumang bakas ng infected sa paligid. Kinuha nya na yung bag nya sa likod at nagumpisa ng kumuha ng mga pagkain. Ganun din si Minju. Habang kumukuha sila ng pagkain hindi na napigilan ni minju ang magtanong kay Chaewon.

"Magkakilala pala kayo nung Garam?" Tanong ni Minju habang naka focus pa din sa pagkuha ng pagkain. "oum" sagot ni Chaewon na tuloy tuloy pa din sa ginagawa nya. "Pano mo siya nakilala?" Tanong uli ni Minju. "Magkaibigan. Kaibigan ko siya nung highschool walang ganang sagot ni Chaewon. "Kaibigan lang ba?" Dugtong ni minju na napatigil si Chaewon sa pagkuha nya ng pagkain.  "napansin ko kasi kanina..... Na parang nagselos ka na sila ni Kkura unnie yung magka-" Natigil sa pagsasalita si Minju ng magsalita ng pasigaw si Chaewon.

"Ano bang pake mo!? Bat andami mong tanong? Pwede ba mag focus ka na lang sa ginagawa mo? " pasigaw nyang salita na ikinagulat ni Minju. Di nya alam na sa tanong nya magagalit si Chaewon. "Bwisit!" Salita ni Chaewon sabay lakad palayo Kay minju. Pumunta to sa kabilang stante ng mga pagkain habang si Minju ay nanatilo pa din sa pwesto nya. Di nya na naisipan pang sundan si Chaewon dahil alam nya na nabadtrip to sa tanong nya.

'bwisit, bakit ko ba kasi naisipan itanong yun?' Bulong ni minju. Dahil sa badtrip ni Chaewon sa tanong ni Minju hindi nya na nagawang balikan pa si Minju kung saan nya ito iniwan. Masyado syang nalibang sa pagiikot sa buong Convinienced Store hanggang sa makasalubong nya na sila Sakura at Garam. Ibug sabihin lang nun ay nasa kaliwang banda na siya ng store habang si Minju ay nasa kanang bahagi pa din.

"Oh? Chaewon? Asan si Minju? Bat andito ka?" Sa tanong ni Garam duon lang natandaan ni Chaewon na kasama nya pala si Minju. "Shit! Naiwan ko siya dun sa dulo" Sagot nya habang nakahawak sa ulo nya.

"Safe naman yung buong loob nito, may space ba dyan sa bag mo? Lagyan mo na lang ng iba pang inumin tutal andito ka na din naman." Utos ni Sakura. Sinunod na lang ni Chaewon at hindi na naisipan pang balikan si Minju dahil sigurado naman siya na walang mangyayaring masama dun lalo na't nacheck na nila yung buong lugar. At may bantay naman sa pinto kung sakaling may makapasok man na infected.

END OF US 2 : A Last One StandingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon