6.1 Announcement

36 3 0
                                    

Sarado na ang lahat ng pwedeng madaanan palabas ng Piña del Vanna, halos sa lahat na din ng daanan ay may naka abang na mga sundalang armado ng baril na kung sino man ang mag pumilit lumabas ay walang awa nilang babarilin kahit na hindi ito zombie.

Wala na ding magawa ang Mayor ng syudad na yun dahil kahit sya ay hindi na magawang makatulong sa mamamayan nya. Sinarado na ang bawat daanan palabas ng syudad kaya  wala syang magagawa para pakiusapan na buksan ang daanan at palabasin ang mga inosenteng tao na hindi pa infected.

"Tanging isang tao lang ang makakalabas ng syudad na yun , at kung sino ang huling taong makakapatay ng huling infected ay sya lamang ay papayagang lumabas" Malinaw na banggit ng Presidente sa pagpupuling sa mga tauhan nyang militar.

"Pero hindi ba parang hindi na yun makatao? Pina check ko sa tauhan ko mula sa isang drone ang loob ng Pina del, marami pang survivor ang mga nakatago sa bawat lugar. kung hahayaan natin at patatagalin mauubos lamang ang mga survivor" Saad ng isang Namumunong sundalo.

"Yun nga ang gusto ko eh. Angmaubos ang mga taong nakatira sa Pina Del Vanna! Kung kilala ang syudad nila sa pagiging pagkakaisa , ngayun gusto ko silang makitang nagkakagulo at nagpapatayan." Diin ng Presidente.

"Matagal ng hindi sumusunod sa batas natin ang Mayor ng Piña del. May sarili silang mga batas na wala sa pinatupad ko. Matagal na silang sinusuway ang pagiging Presidente ko. Kaya gusto kong Ipatupad mo na ngayun din ang mga sinabi ko." Paguulit ng Presidente

Wala ng nagawa ang mga sundalo, alam nila na mali na ang mga desisyon ng Presidente pero sino ba sila para sumuway sa utos ng nakakataas. "Ang sino mang sumuway sa utos ko ay ipapatapon ng walang ank mang dala ni isang gamit sa loob ng piña del vanna." Dagdag pa ng presidente

Maya maya may pumasok sa loob ng Meeting room na isang sundalo, sa pagpasok nya ay mahahalata mong nagmamadali ito at mukang importante ang sasabihin.

"Mr. President, nalaman ng isang tauhan natin na nasa loob pa ang mga estudyanteng nag feild trip sa loob ng Pina Del Vanna na mga taga labas." Tarantang pag sabi nito. "Ano? Sinasabi mo ba na mayroong mga estudyanteng hindi taga duon ang na trap sa loob??" Pagtayo ng Colonel.

"Yes sir, at sabi ng nag report ay nasa 18 Bus ang pumasok sa loob na mga estudyante sa Hyeongdong High School " Dagdag na information ng sundalo. Napatingin sila lahat sa presidente na parang hinihintay na mag utos na hanapin ang mga estudyante na taga labas. Hindi naman talaga dapat sila madamay sa gulo at away na namamagitan sa syudad sa labas at sa Piña del.

"Anong tini tingin-tingin nyo dyan? Sundin ang sinabi ko at walang magbabago sa desisyon ko.!" Pag utos ng Presidente.

" Ngunit Mr. President, may mga inosenteng estudyante pa na nasa loob at isa pa mga taga dito sila kaya hindi natin sila dapat pabayaan." Pagtanggi sa utos ng isang Colonel.

"Wala akong pake. Isa pa 18 na bus lmang yun at mga estudyante pa lang sila. Mga hindi pa sila nagbabayad ng bueis kaya wala silang halaga sa bansa natin. Sundin ang utos ko ngayun din at tapos ang usapan." Umalis na ang Presidente at pumasok sa office nya.

Naiwan sa meeting room ang mga sundalo na tulala at hindi na alam ang dapat gawin. Wala na din silang magagawa para tulungan ang mga nasa loob. Kung susuway pa sila ay baka buhay na nila ang mapahamak.

"Ano nang gagawin natin sir?" Tanong ng isang sundalo. "Magpadala ng sundalo sa Border at sabihin sa Announcer na i-announce ang mga sinabi ng Presidente" Dismiyadong utos ng Colonel, labag sa loob nya ang gawin at sundin ang utos ng Presidente pero wala syang magagawa kundi ang sumunod.

Happening inside the Piña del Vanna:

Natapos na marinig ng mga survivor sa loob ng syudad ang inanounce ng Nasa labas. Walang makakalabas hanggat hindi napapatay ang isang infected. At tanging isang tao lang ang palalabasin nila sa syudad. Iba iba ang naging reaksyon ng mga survivor mula sa kanilang nga pinagtataguan.

Wala pa lang silbi ang pagtatago nila at pagiging ligtas nila dahil tanging isa lang naman ang makakalabas ng buhay. Ano pang purpose ng pagtakbo at paglaban nila sa infected gayung alam nilang pati sa ibang survivor sa loob ay magiging panganib na rin ang buhay nila dahil sa inanounce na balita.

Sampung bilyon at Paglabas ng buhay kapalit ng pagpatay ng huling infected o survivor sa loob ng Piña del Vanna.

"Isang tao??" Reaksyon ni Nako ng marinig nya ang inannounce. Lungkot ang bumakas sa mga muka nila na para bang nawalan na sila ng paga sa na mabuhay at lumaban pa. "Ano pang silbi ng pagtakbo natin sa mga zombie kung malalagay naman sa oanganib ang buhay natin laban sa isang taong gustong makalabas ng buhay dito" Dismiyadong salita ni Hitomi.

"Sa narinig ko, hindi na zombie ang makakalaban natin dito. Pati yung mga taong gustong lumabas ng buhay ay magiging kalaban nadin natin" Kazuha said. "Ano bang pinaplano ng Presidente? Ang magsabong at magpatayan ang mga mamamayan ng Piña Del Vanna? Imbis na nagpadala sya sa loob ng nga sundalo na sasagip ng mga survivor hindi yung ganto." Banas na imik ni Eunbi.

"Kaya pala mukang umalis na yung mga sundalong naka destino dito dati. Dahil lahat ng pumasok dito para magligtas ng survivor ay pinalabas nang Presidente" Malungkot na sabi ni Hyewon.

"Ano ng gagawin natin ngayun?" Liz asked all of them pero ni isa walang nagtangkang sumagot. "Wala naman siguro ni isasenyo ang gustong makalabas dito ngmag isa diba? Maoapanatili pa din ba yung pagtutulungan natin para makaligtas?" Tanong ni Rei

"Oo naman, ni gugustuhin ko pang mamatay at makulong dito habang buhay kesa makalabas ng buhay pero alam kong may mga pinatay naman ako para magawa yun." Pangako ni Hyewon. "Ako din ... Sana walang magbalak sa inyo na sundin ang sinabi ng Presidente " Saad ni Nako.

Kahitna ganun ang nalaman nilang utos ng Presidente. Ni isa sa grupo nila ang walang balak na sumunod sa utos ng Presidente. Lahat sila pare parehong gustong makaligtas. Mas gugustuhin na lang nilang mamatay at mabuloksa loob kesa ang lumabas ng mag isa na may naiiwang kaibigan sa loob.

Mananatili ang pagkakaisa ng magkakaibigan hanggangsa huli. At walang kahit na sino ang makakasira ng tiwala at pagsasama nilang lahat.

END OF US 2 : A Last One StandingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon