1.3 Inside the Piña Del Vanna

41 4 0
                                    

Nakapasok na ang halos 32 na Bus sa loob ng Piña Del Vanna. Hangang hanga ang lahat ng makita ang kagandahan at kalinisan ng kapaligiran sa Del Vanna. Halos wala kang makikita kahit katiting na ano mang kalat sa kalsada, mga pulubing nagkalat sa daan ay wala din dahil may Isang apartment para sa mga homeless.

Sobrang tahimik din ng paligid at tanging mga ngiti lang sa muka ng mga tao ang makikita mo.

"Wow, parang gusto ko na lang tumira dito...." Expression ni Nako. "Hindi ka pwede dito, may nakikita ka ba dyang pandak? Wala diba. So meaning bawal pandak dito." Pang asar na salita ni Hitomi. "Wowwww!! Nagsalita yung hindi pandak ah" Nakatingin na masama si Nako kay Hitomi.

Habang nagtitinginan sila ng masama may sumulpot na muka sa pagitan ng upuan nila mula sa likod na si Yujin. "At nagtalo Yung dalawang pandak...." Panghuhusgang tingin ni Yujin sa dalawa.

Tiningnan si Yujin ng dalawa ng masamanh tingin. "Oooopsss...chill" duon na dahan dahan nilayo ni Yujin yung muka nya sa pagitan ng dalawa at sumandal sa upuan nya.

Maya maya tumayo si Mr Torres at humarap sa kanila.

"Alam kong nagugutom na kayo, Kaya wag kayong mag alala dahil hihinto muna tayo sa isang sikat na Restaurant dito sa Pina Del Vanna at duon pwede kayong bumili ng makakain niyo " Announcement ni Mr.Torres "Ms.President Kwon, paki check lahat ng Classmates mo na baba at kailangan kung ilan kayong bumaba ng bus ay ganun din ang bilang nyo sa pagbalik dito sa bus okay?" Paalala ni Mr.Torres kay Eunbi "Copy sir..." Sagot ni Eunbi

Makalipas ang ilang minuto nakarating na sila sa isang Restaurant.   Nakapark sa parking lot ang 32 na bus , ang ibang sakay nito ay nagbabaan na habang ang iba ay naiwan sa Bus.

"Everyone! Lahat ng bababa mag list muna ng name dito sa papel na hawak ko" Salita ni Eunbi habang inaangat ang papel na hawak nya. Nagtayuan na sila at nag lista ng mga pangalan nila sa papel na hawka ni Eunbi, pagkatapos nila mag lista ay bumaba na sila.

Sa pagtayo ni Chaewon sa upuan nya napansin nya na hindi pa tumatayo si Minju. Sa kanilang lahat mukang si Minju lang ang maiiwan sa Bus kaya binalikan nya sa upuan si Minju at sinabihang "Do you want to eat with us? Masyadong bored dito kung maiiwan kang mag isa dito ..." Pagyaya ni Chaewon kay Minju.

Hindi inasahan ni Minju na may mag yayaya sa kanya bumaba kaya nag dalawang isip pa sya sumagot sa tanong ni Chaewon. "Kayong dalawa? Hindi ba kayo bababa?" Tanong ni Eunbi, napatingin si Chaewon kay Eunbi at nag sign ng 'wait lang' tyaka duon nya binalik ang tingin kay Minju at hinawakan ang kamay nito

"Let's go" paghatak ni Chaewon kay Minju, napilitan na ding tumayo si Minju at sumunod kay Chaewon dahil hinila na sya nito. Kinuha ni Chaewon ang papel kay Eunbi at nilista ang pangalan nya, nilista nya na din yung pangalan ni Minju at duon na sila bumaba ng bus kasabay si Eunbi.

Sa loob ng Restaurant nakapila na sila Eunbi, Sakura at Chaeyeon. Sila na kasi yung kumuha ng mga oorderin ng Classmate nila para isahang order na lang. Habang nakapila sila ang iba sa kanila ay nakaupo na sa isang pahabang lamesa.

"Ano pong order nyo maam?" Magalang na tanong ng babae sa Cashier , sinabi na ni Eunbi ang lahat ng order ng Classmates nya . "Okay maam just take a sit na lang maam at dadalhin na lang dun yung order nyo pag ready na" Salita ng babaeng staff.

Habang nagsasalita yung Staff hindi mapigilan ni Sakura na tingnan ng seryoso yung staff. ' wow.... Grabe ang ganda nya ' tiningnan nya din yung name tag ng babaeng staff sa damit nito. 'Huh Yunjin? What a beautiful name, and also she have a jinja nice body' habang nakatitig sya binatukan sya ni Chaeyeon

"Kalma! Nababakla ka na naman" Salita ni Chaeyeon kay Sakura.

Sa kabilang lamesa nila Yena at iba nyang kaklase may Dalawang babaeng nasa teenage pa lang siguro ang edad na masayang nag ke-kwentuhan.

"I though your Ate insan were here at Piña del vanna?, Are you already saw her??" Tanong ng babae. "Yes, but i didn't saw her Until now, Actually yung mga bus na naka park sa labas alam ko yun yung mga bus na sinakyan nila" Sagot ng isa pang babae

Sa kabilang lamesa naman sa section nila Eunbi may nakakuha ng atensyon ni Yujin kaya kinalabit nya si Wonyoung. "Wony, diba pinsan mo yon?" Salita ni Yujin habang kinukuha yung atensyon ni Wonyoung.

Tumingin su Wonyoung sa tinuturo ni Yujin at nakita ang pinsan nyang si Leeseo. " Oh? Leeseo? Wait lapitan ko lang sya " Na excite si wonyoung na lapitan ang pinsan nya kaya agad syang tumayo sa upuan nya at dahan dahang lumapit sa pinsan nya. Dahil nakatalikod ang pwesto ng inuupuan ni leeseo nagawang takpan ni wonyoung ang mata ng pinsan nya

"Guess who" Sweet na salita ni Wonyoung habang nakangiti kay Eunchae na nasa harap ng upuan ni Leeseo. "Wait. your voice are familiar, its that you Wonyoung unnie??" Sa boses ni Leeseo halata mo na yung saya ng marinig nya yung boses ng pinsan nyang si wonyoung. Ng mahulaan ni Leeseo si wonyoung, duon na tinangal ni wonyoung ang kamay nya at niyakap mula sa likodsi Leeseo.

"I miss you leeseo..." Sweet na boses ni Wonyoung kay Leeseo habang nakayakap pa din siya sa likod nito.

Bumalik na sa table nila sila Eunbi,Chaeyeon at Sakura na kasunuran ang ibang waiter na dala dala ang pagkain na inorder nila. "Here comes the food" Sa tingin ni Hyewon sa pagkain halos maglaway na sya sa gutom.

"Wony! Andito na yung food natin..." Pagtawag ni Yujin kay Wonyoung. Napatingin si Wonyoung sa table nila Yujin at nagpaalam na sa pinsan nya na babalik na sa pwesto nya. "Balik na ko dun, pano ba yan pakamusta  na lang kay Tita, bye" bumalik na sa upuan nya si Wonyoung .

Nag-umpisa na silang kumain, habang kumakain syempre hindi maiiwasan yung kwentuhan at biruan nila sa isa't isa. Maliban na lang kay Minju na natitirang tahimik at hindi nagsasalita o nakikisalo sa biruan nila. Napansin siya ni Chaewon kaya tiningnan siya ni Chaewon.

"Ayos ka lang?" Tanong sa kanya ni Chaewon, tiningnan lang sya ni Minju at ngumiti na may kasamang pag tango. Napansin yun ni Chaeyeon kaya naisipan nyang isama sa usapan si Minju. "Oh minju? Kanina ka pa tahimik dyan ah? Alam mo feel free to talk o kahit makipag asaran samin wala namang mababanas dito eh" pabirong salita ni Chaeyeon.

"Oo nga minju, parang takot na takot ka ata samin makipag usap" dagdag pang biro ni Yena. "Sayo lang sya takot Yena" pangbara naman ni Hyewon. "Wehh?? Epal." Na offend na sagot ni Yena at duon sila nag tawanan.

Makalipas ang halos kalahating oras tapos na silang kumain pero wala pa silang balak na bumalik sa bus at nagpasya silang maupo muna duon saglit sa loob at magkwentuhan. Habang nag ke-kwentuhan sila tumayo na si Minju para bumalik sa bus pero bago sya umalis tinanong sya ni Chaewon.

"Oh san ka pupunta?" Tanong ni Chaewon. "Babalik na sa bus" mahinhin na sagot ni Minju, napatango na lang si Chaewon sa kanya at duon na si Minju tuluyang naglakad palabas ng Restaurant.

Maya maya tumayo na din si Chaeyeon, sa pagtayo ni Chaeyeon napatingin sa kanya si Sakura at Hyewon na katabi nya. "oh san ka din pupunta??" Tanong ni Hyewon. "Babalik na din ako sa bus, gusto ko na kasi munang maidlip" sagot ni Chaeyeon at umalis na din.

In the Bus Pov:

Pagpasok ni Chaeyeon sa Bus nakita nya si Minju na nakaupo duon sa bandang hulihan ng bus, sa dati nyang pwesto. Umakyat na ng bus si Chaeyeon at ni-lock ang pinto ng bus. Ugali nya kasing mag lock ng pinto ng bus sa tuwing papasok sya. Balak nya din namang pagbuksan yung mga kaklase nya na papasok. Mas komportable kasi siya na naka lock yung pinto kung sakali mang may magtabgkang pumasok bigla sa bus nila .

Umupo na si Chaeyeon sa pwesto nya sa may bandang likod ng upuan ng bus Driver. Sumandal na sya at isinuot ang headphone nya sa tenga nya at ipinikit ang mga mata.

END OF US 2 : A Last One StandingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon