"I'm not coming with you," pinal na saad ni Marc nang kausapin ito ni Dianne matapos marinig kina Dexter ang natuklasan ng mga ito.
"What? B-"
"Umalis na kayo bukas na bukas din. Iwanan niyo na ako rito."
Natitigilang napatingin si Dianne sa lalakeng katabi niya nang mga sandaling iyon. Nakapamulsa ito habang nakatagilid at nakatingin sa harapan ng malawak na bakuran ng mansiyon. Hindi makapaniwala si Dianne sa kaniyang narinig mula sa binata. Ipinagtatabuyan sila ng lalake kahit alam na nito ang katotohanang niloloko lang ito ni Cassandra.
"Marc, seryoso ka ba? Bakit ayaw mong sumama sa amin? Alam kong alam mo na kung sino kang talaga, kaya hindi ko maintindihan kung bakit gusto mong iwan ka namin dito? We didn't come here to visit you, we came here to find you and take you home!" Naiinis na si Dianne sa inaakto ni Marc kaya naman napalakas ang boses niya at gigil na inalog ang binata upang paharapin ito sa kaniya at nang makita ang reaksiyon nito. Sinulyapan naman siya ni Marc saka marahang pinalis ang kaniyang kamay na nakahawak sa braso nito.
"Dianne, stop! Makinig ka sa akin, kailangan niyong lisanin ang lugar na ito sa lalong madaling panahon. Hindi na magbabago ang isip ko, hindi ako sasama sa inyo," mariing wika nito saka tumalikod sa kaniya at humakbang palayo.
"Marc, please..." mangiyak-ngiyak na pakiusap niya ngunit hindi man lang lumingon ang binata, bagkus ay nagpatuloy lang ito sa paglalakad palayo sa kaniya.
Tuluyang nalaglag ang mga luha sa mga mata ni Dianne at nanghihina ang mga paang napaupo siya sa barandilya ng terrace kung saan sila nag-usap ni Marc. Hindi niya maunawaan kung bakit ganoon na lamang ito umakto na para bang ibang tao.
*****
Pigil na pigil ni Marc ang sariling lumingon sa kinaroroonan ni Dianne kahit pa parang nilalamukos na ang kaniyang puso sa ginawang pagmamatigas sa dalaga. Ginawa lang naman niya iyon upang hindi mapahamak ang pinakamamahal niyang babae.Napabalikwas ng bangon si Marc mula sa pagkakahimbing dahil sa masamang panaginip na wari mo'y totoo. Sapo ang nananakit na ulo, paulit-ulit na bumabalik sa kaniyang isipan ang isang malabong alaala bago maganap ang pagsabog sa kaniyang panaginip. Kitang-kita niya ang kaniyang sarili na tumatakbo habang nakasuot ng damit na parang sa mga sundalo. May hawak siyang baril na nakasukbit sa kaniyang balikat habang tila may hinahabol at tinatawag sa di kalayuan.
"Captain!"
Iyon ang huling naulinigan niya bago sumabog ang isang bombang hindi niya namalayang nakatanim malapit sa kaniya.
Iminulat niya ang kaniyang mga mata at unti-unting nagsibalikan ang mga alaalang nag-uugnay sa totoo niyang pagkatao. Mula sa pagsabog pabalik sa mga kaganapang nangyari bago iyon at higit sa lahat, ang masayang tagpo sa pagitan nila ni Dianne...
Napahugot ng malalim na paghinga si Marc saka kinapa ang cellphone na iniabot ni Dexter sa kaniya kaninang nagkausap sila sa likod ng mansiyon. Sinadya niyang hanapin ito upang ipaalam na naaalala na niya ang lahat.
"Ibig sabihin naalala mo na ang lahat Captain? As in lahat-lahat?" hindi makapaniwalang tanong ni Dexter nang makaharap niya ito kasama ang isa pa nilang kasamahan.
"Oo, Dex. Pero sana maging discreet muna kayo tungkol dito. Hindi pupuwedeng makahalata si Marie sa tunay na kalagayan ko."
Tumango sina Dexter na tila sumasang-ayon sa kaniyang sinabi. Maya-maya pa ay kinapa-kapa ng lalake ang bulsa ng suot nitong maong na pantalon na para bang may hinahanap, nang makapa ang bagay na hinahanap nito, mabilis na iniabot iyon sa kaniya.
"Magagamit mo iyan. Naka-save na lahat diyan ang mga number namin. Tawagan mo kami kapag kailangan mo ng resbak," ani Dexter matapos niyang tanggapin ang iniabot nitong cellphone.
"Salamat Dex. Sige na bumalik na kayo sa iba pa nating mga kasama bago pa may makakita sa atin."
Inilabas ni Marc ang cellphone saka mabilis na nag-dial. Kailangan na niyang kumilos bago pa makahalata si Marie.
******
"Di, anong nangyari? Bakit ka umiiyak?" bakas ang pag-aalala sa tinig ni Mae nang pumasok siyang umiiyak sa loob ng kanilang silid.
Pinahid ni Dianne ang mga luha sa kaniyang pisngi saka diretsong naglakad palapit sa cabinet kung saan nakalagay ang kanilang mga gamit. Inilabas niya ang kaniyang bag at mga damit na nakasilid doon at pasalyang inilapag sa kaniyang kama. Masamang-masama ang loob niya kay Marc kaya naman sa mga gamit na lang niya ibinunton ang pangigigil sa binata.
"Huy! Okay ka lang ba? Sasampalin kita kapag sinabi mong okay ka lang dahil kitang-kita ko at ramdam ko na hindi ka okay. Sa sobrang hindi ka okay, hindi na ako magtataka kung masira mo lahat ng gamit mo. Huy! Teka nga! Ano bang nangyayari sa iyo?" Agad siyang napahinto nang pigilan siya ni Mae sa kaniyang braso at puwersahan siyang iharap nito rito. Muling nanubig ang kaniyang mga mata at sumakit ang kaniyang lalamunan, kaya naman nanghihina niyang isinubson ang mukha sa balikat ni Mae.
"Sige lang, iiyak mo lang iyan," anito habang hinahaplos ang kaniyang likod. Dahil doon, lalo siyang napaiyak at tuluyan nang yumakap sa kaibigang buong puso siyang inalo.
*****
"So, you're saying na gusto ni Captain na umalis na tayo rito nang hindi siya kasama?" ulit ni Mae sa sinabi ni Dianne matapos niyang ibuhos sa pamamagitan ng pag-iyak ang sama ng loob na dulot ni Marc.
Tumango-tango siya sa kaibigan saka muling kumuha ng tissue upang suminga. "Yes. Kaya aalis na tayo kagaya ng nais ni Gravador."
"Teka, hindi man lang ba niya sinabi sa iyo kung bakit ayaw niyang sumama?" Umiling si Dianne saka malakas na bumuga ng hangin kasabay ng pagtayo mula sa kinauupuan niya at ipinagpatuloy ang naantalang pag-aayos ng gamit kanina.
"Mae, let's just pack our things and leave, kagaya ng nais ni Marc."
"Wait! Hindi mo man lang ba siya pipiliting sumama sa atin? Naguguluhan kasi ako e, bakit ayaw niyang sumama kung ang sabi mo naman ay naaalala na niya ang lahat?"
Muli siyang nakaramdam ng panunubig ng kaniyang mga mata kaya mabilis siyang kumurap-kurap at mabilis na isinalansan ang mga gamit sa loob ng kaniyang bag. "Hindi ko na siya pipilitin kung ayaw niya dahil malinaw namang ayaw niya tayong makasama at mas pinipili niyang manatili sa piling ni Cassandra."
"Dahil?"
"Mahal na niya? I don't know Mae, ayaw ko ng pahirapan ang sarili ko."
"Mahal? E, paano ka? Nakalimutan na ba ni Captain kung ano at sino ka sa buhay niya? Ang labo naman n'on," tila naiinis na wika ng kaibigan.
"Hindi ko alam. Hindi ko na alam. Basta ang alam ko lang umasa at at nasaktan na naman ako ulit, kagaya ng umasa at nasaktan ako noong panahong nawawala pa siya. Pero mas masakit lang ngayon. Dahil ngayon, nahanap na natin siya pero ayaw naman niyang sumama sa atin."
Tumayo si Mae at lumapit sa kaniya at mahigpit siyang niyakap. "Sorry, Lieutenant. Alam kong hindi madali sa iyo ito, pero alam kong kakayanin mo lahat ng ito."
Mapait siyang ngumiti sa kaibigan saka tinapik ang kamay nito. "I'll be fine. I will be fine."

BINABASA MO ANG
Captain Marc: The Captain of War
RomanceCaptain Marc, the handsome and hot Captain of the Philippine Army Task Force. He's so friendly and charming that most of the people around him mistakenly think that he's a playboy. While Dianne De Perio is his hard-headed First Lieutenant, who will...