•RepeatIt's Self 20•

22 1 0
                                    

"Nasaan ka ngayon, bro? Tanong kagad niya kay Brix ng sagutin na nito ang tawag niya para rito ngayon. Napagalaman niya kasing hindi ito nakasama sa palawan trip ng mga kaibigan niyang si Rameses ng buhat ay magtext sa kaniya si Alexis kanina. Dahil hindi raw ito pinayagan ng girlfriend nitong si Tita na sumama sa mga ito.

"Yeah. Papunta na ako. Paalam na niya rito nang makompermang nasaan ito ngayon. At iyon lang saka ibinaba niya na kaagad ang tawag dito saka mabilis ng nagbihis ng damit. Bago tuluyan hubarin Ang damit na suot ay pinagkatitigan na muna niya ito. Shit! Dahil sa sagutan nila ng ama. Ay kamuntik niya ng hindi maalala. Kung gaano Siya kasaya ngayon araw. Na kasama Ang girlfriend niya.

"Huwag Kang magtampo, sa susunod na lang kita muli isusuot. Kausap na niya, na para bang may Buhay na Ang damit na suot ngayon. Ay nakangiti ng hinubad At itinabi. Saka pagkatapos ay nagmamadali ng lumabas ng silid niya ngayon.

"At saan ka na naman ngayon pupunta, huh, Mathew?! Hindi kapa ba nagsasawa sa kakaliwaliw mo, buong maghapon kanina at lalabas kana naman ngayon? Hindi na ako magtataka kung magkaroon ng bundok sa loob ng Bahay. Dahil sa kakaparoon at kakaparito." Sunod sunod na tanong ng Ama niya sa kaniya. Na Nakita niyang nakaupo na ngayon sa rocking chair nito na gawa sa ratan habang humihithit ng paborito nitong tabako. Tiningnan Ang pambisig na relo. Tsk. Akala niya ba ay tulog na ito ngayon? Dahil sa tanong nito sa kaniyang sarili ay kibitbalikat naman niya itong sinagot.

"I just want to breathe fresh air, maybe you don't care about that anymore, Dad. Dahil Sanay ka naman magmanipula ng mga ibang tao sa paligid mo, diba? Kaya Wala Kang pakialam. Kung maayos paba Ang paghinga ng mga nakakasama mo na kasama ka. Siya, para Makita niyang Sunod sunod na Ang pagbuga ng usok nito sa hawak nitong nirolyong tabaco ngayon sa kamay nito.

"You are the exact example of being a wheeler-dealer cupido dad. Madiin dagdag pang Sabi na niya rito. Ng maalala naman Ang Tita Krista niya, na katulad din niya Ang kahahantungan nito. Na bunsong kapated nito, na inampon ng mga lolo at Lola niya. Nasa bansang america ito ngayon, dahil sa passion nito sa pagmomodelo, na pinapauwi lamang nito. Para lang pakasalan Ang kasosyo nito sa negosyo na si Mr. Joaquin Isang biyudo at may tatlong anak na kambal. Ano bang balak nitong Gawin sa Tita niya? Gawin baby sitter ng Hindi naman nito anak? Habang nasa biyahe kasi Siya pauwi kanina ay tumawag ito sa kaniya at umiiyak. Bagamat nasa beinte Cinco na Ang Tita Krista at nasa hustong gulang na ay Hindi pa rin nakalampas sa pagkamanipulator nito.

"At huwag Kang magalala dad, aararohin ko para saiyo. At para ng sagayon ay pumatag muli at matanaw mong. May Sarili ring Buhay Ang mga taong nasa paligid mo. Even Tita Krista. She doesn't deserve this kind of treat from his older brother. Na Wala naman ginawa para diktahan Siya magmula pa pagkabata niya.

Sa sinabi niya rito ay nakita niya namang natigilan ito sandali, pero napalatak rin sa huli. Dahilan para baliwala ng nilampasan na niya ito ngayon.

"Don't be too complacent Mathew, your marriage to my comrade's sa anak niya ay tuloy pa rin. May diin ng Sabi nito.

"Kaya mas maganda nga saiyo siguro ang magpakasaya kana muna ngayon pa lang. Dahil hindi mo na iyan mararanasan pag nagasawa kana."

Biglang pahabol na sabi pa nito na nagpahinto naman sa paghakbang niua ng makalapit na siyang makarating sa pintuan ng Bahay nila ngayon.

Tsk. Ang tigas din pala talaga ng ulo nito. Anas na ng isip niya. At may masama ng tingin nilingon na ito sa gawi nito, kung saan ito ngayon.

"Who the hell told that, Dad? You? Naguuyam ng tanong niya rito. Na ikinatiim naman ng labi ng amang na nakatingin na sa kaniya ngayo.

"Gawin mo ang magpapakasaya sa iyo Dad at gagawin ko rin naman ang gusto ko. Para ng sagayon ay patas na Tayo.

Iyon lang at mabibigat ang hakbang na lumabas na kaagad siya ng bahay nila ngayon. At saka nagtuloy tuloy ng binabaybay ang pumunta sa garahe nila kung saan nakaparada Ang sasakyan niya ngayon. Pucha! Sino bang may sabing magpapakulong ako sa kasal na gustong gusto nito? Himutok pa ng isip niya.

The Beast Stealing || UneditedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon