Prologue

832 15 0
                                    


Disclaimer:

This is a work of fiction names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons living or dead or actual events is purely coincidental.

༺۵༻





"You may now kiss the bride."




Nakanguso na ako't handa nang tanggapin ang kanyang halik ng bigla nalang siyang kumaripas ng takbo sa hindi malamang dahilan.





Napakamot ng ulo si David. "Ano ba 'yon Galen? Nakikisali ka sa laro tapos tatakbo ka lang din naman."







Humarap si Galen. "Sabi ko sasali ako pero hindi ko sinabing ikasal niyo 'ko sa kanya." sabay turo niya sa'kin.






Napanguso ako, bahagya akong nakaramdam ng kirot sa aking lalamunan. "Laro lang naman 'to Galen." ani ko.







"Oo nga! Napakaarte mo, Galen." irap ni Stacy napakrus pa ito ng braso.






"Huwag ka na nga lang sumali Galen." wika naman ni Marlon sabay iling.






Napabuntong-hinga si Galen. "Sige na nga! Ito na." mabigat ang paghakbang nito pabalik sa pwesto niya kanina.





Walang nagawa si Galen dahil kaibigan niya ang mga ito. "Hindi kita hahalikan sa lips ah? Sa cheeks lang."








Tumango ako't bahagyang tumaas ang sulok ng aking labi. "Sige."







"Oh, take two. Erish and Galen, our two loving kupols, groom, you may now kiss the bride." pag-aakto ng kaibigan naming si David bilang pari.







Itinaas na ni Galen ang manipis na telang nakatabon sa uluhan ko na kumawari'y belo. "Hahalikan na kita." bulong niya.





"Sige, Galen."







Nakanguso niyang inilapit ang mukha sa aking pisngi. Wala pang isang segundo ang tagal at agad na siyang lumayo. Nagpalakpakan ang nga kunwari'y bisita namin. Nagalak naman ang puso ko ng malamang kasal na kami, hihi!





Inihagis ko naman patalikod ang bulaklak na gawa sa papel at si Rose ang nakakuha nun. "Yey! Kami naman ni Marlon ang ikakasal." kinikilig na ngumiti si Marlon.






Matapos ng kasal-kasalan nagtungo na kami sa reception. Sa kusina ng mansiyon namin. Nagluto si nanay Teresita ng masarap na merienda.





"Wow! Corndog? That's my favorite!" tili ni Stacy.






Naupo na kaming lahat sa harap ng hapag. Isa-isa kaming kumain ng corndog na inihanda ni nanay Teresita.




Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng biglannilang patunugin ang babasaging baso na pinaglalagayan ng juice. "Kiss!"









Napaharap ako kay Galen na walang malay sa nangyayari. Ngumunguya pa din siya ng corndog not minding our friends suggestions.




Tinapik siya ni David kaya napaharap siya rito. "Stop acting like you don't know what we mean." nanga-ngasar na wika nito kay Galen.




"Tsk. Kailangan pa ba 'yon?"





They all nodded. "Kailangan." sabay-sabay nilang wika.





Hindi ko tuloy maiwasang pamulahan ng mukha. "Fine, para matapos na." pinunasan niya ang sariling labi ng panyo then gave me a peck kiss on my cheeks.





Parang labag pa sa loob niya pero ginawa niya pa din. "Okay! Cheers!" sabay-sabay naming itinaas ang mga baso naming may lamang ices tea juice.






Matapos sa reception nagpahinga naman kami sa rooftop. Mag-gagabi na dahil pa dilim na din.









Lumapit ako kay Galen na natahimik sa gilid. "Galen, salamat ah? Pinakasalan mo 'ko."







Umiling siya. "It's just a game."







"Bakit bawal ba in real life?" tanong ko, sa totoo lang gusto ko si Galen ramdam niya 'yon kaya siguro iwas siya sa'kin.






"You don't know what you're saying."






I sighed. "Alam ko sinasabi ko. Gusto kitang pakasalan paglaki natin."







"And?"







"Anong and?"





Hinarap niya 'ko. "Don't think of that. Masisira lang buhay mo."






"Dahil ba sinabi mong bakla ka?"





Nakipagtitigan siya sa'kin. "Oo, at hindi ikaw ang crush ko kundi." lumingon siya sa likod ko naroon si David, tulog.




"Si David."





I smiled. "I know. Pero hindi ka niya naman gusto kaya pwedeng maging akin ka."




"Talaga? Papaano?"







Napaisip ako. "Dahil gusto ako nila tita para sa'yo at nasisiguro kong paglaki natin tayo ang magkakatuluyan."









He sarcastically laughed. "You know what? Dapat tumigil ka na sa paniniwala sa mga fairytales hindi 'yon totoo."







"Totoo 'yon." tumayo na ko't pinagpag ang aking pwetan. "Ipapakita ko sa'yo Galen De Pascual. Ikaw ang magiging asawa ko, ikakasal tayong dalawa."

@yoonforea

To Be With You ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon