Chapter 14

271 15 1
                                    

Divorced




Nakatitig lamang ako sa tinuturo sa'kin ni Ralph. Wala akong naintindihan sa mga sinasabi niya. Basta ang alam ko lumilipad ang isip ko. Hindi ko naman alam kung saan.





"Ayon, so gets mo na?"






I nodded kahit na wala talaga akong na-gets. Na-appreciate ko pa din yung pagtuturo niya sa'kin. Aaralin ko nalang 'to pag-uwi ko. "Salamat, Ralph."






Ngumiti siya. "Sige, una na 'ko ah? Punta lang kami cafeteria."






Iniligpit ko na ang mga notebooks kong nagkalat sa mesa at nagtungo na sa gate. Wala na 'kong klase kaya uuwi na 'ko kaagad. Ngayon na ang araw na matatanggap ko ang divorce papers namin ni Galen.







Hopefully makarating kaagad 'yon. Hindi ko na kinakaya si Galen. Tila nag-iiba na siya. Dati wala naman siyang pakialam sa'kin. Ngayon? Nalilito na 'ko sa pinapakita niya. Hindi ko alam kung pinaplastic niya ba 'ko or hindi e.








Pinipilit ko namang huwag bigyan 'yon ng kahulugan dahil may boyfriend na siya. Siguro maalaga lang siyang tao kaya gano'n. Saktong pagdating ko sa harap ng mansiyon ay ang pagdating ng mensahero.








"Kuya!" tinawag ko ito.








Agad siyang ngumiti. "Bakit iha? Dito ka ba nakatira?"







Tumango ako. "Opo, para sa'kin po ba 'yan?"





"Ikaw ba si Erish Mejia?" tumango ako.





Agad niyang ibinigay ang envelope sa'kin. "Mauuna na 'ko iha."





I nodded. "Sige, salamat po."






Agad akong pumasok sa loob at binuksan ang envelope. Dalawang papel ang nasa loob tama nga 'ko divorce papers nga ito.






Ang kailangan nalang ay mapirmahan namin 'tong dalawa upang tuluyang mapawalang bisa ang kasal.









Pero, paano ko naman 'to sasabihin sakanya ng hindi siya nabibigla?








Iisipin niya sigurong umuurong na kami sa merging ng company ng mga pamilya namin. Ngunit walang mangyayaring gano'n. Stick to the plan pa din. But the difference is wala ng kontrata. Nakadepende nalang sa desisiyon ng mga magulang ko kung hanggang kailan sila magbibigay ng share sa company ng pamilya ni Galen.








Naitago ko bigla ang papel ng makitang pumasok si Galen sa pinto. Himala ata? Napakaaga niya.







"Aga mo ah."






Ngumiti siya. "Half day lang kami."






Lumapit ako sa kanya dala ang mga papel. "Ano 'yan?" takang wika niya.




"Nagfile na 'ko ng divorce."






Itatago ko pa ba? Pasasaan pa't doon din naman ang punta. Saka I'm sure 'di na siya makahintay na makawala pa sa akin. Baka nga ikatuwa niya pa 'to e, habang ako wasak ang puso.








"What?" gulat niyang saad.






"Kung iniisip mong maa-apektuhan ang merging ng kumpanya ng mga pamilya natin, it's a no. Walang magbabago tutulong pa din kami sa pamilya mo." inabot ko sa kanya ang papel.







"I need you to sign that, yun lang and them boom, wala nang kasal na naganap. You are not my husband anymore."







Napaawang ang labi niya habang binabasa ang papel. "Wait? Bakit biglaan naman?" Eh? Akala ko naman magtatalon siya sa tuwa.







"Pasensiya na na-inform na kita ng late. Actually last week ko pa ni-request 'yan."






"What? Last week? Hindi ko man lang alam?" nalalaking mata niyang sabi.





I sighed. "Bakit kailangan mo pang alamin? I know na gusto mo 'to, Galen."






Ano bang nirereklamo niya? Eh hindi naman niya gustong nakakasama ako.






"You said after this walang magbabago? Still matutuloy ang merging ng company niyo sa'min?"








I knew it, yun talaga yung concern niya. Nakangising napabuga ako ng hangin. Ang sakit ah?








I nodded. "Sige, I'll sign this j-just give me your papers ako na ang magpapasa niyan." mariin siyang napalunok.






Tumango ako't agad na pinirmihan ang papel na hawak ko at iniabot sa kanya.





"Make sure na darating 'yan kay Attorney Lim. Siya ang hahawak ng kaso natin. I know you already know him."






He slowy nodded. "Are you really sure about this?" paninigurado niya.







I nodded. "Oo, thank you, Galen. Salamat sa three weeks, four days, and seven hours na naging asawa mo 'ko." ani ko bago ko siya tinalikuran.







Napahagulgol nalang ako ng iyak pagkasara ko ng aking kwarto. Ito na talaga. Final na, aalis na 'ko. Babalik na 'ko sa dating ako. Yung ako lang.




━━━━━━━━
YOONFOREA

She's dating the gangster yarn?

To Be With You ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon