Chapter 08

292 11 0
                                    

Day 6 in Cebu City - Memorable




Hindi pa din ako makarecover sa naganap kagabi sa bar. Hindi ko in-expect na mangyayari talaga yung iniisip kong kiss. Akala ko hanggang imagination ko nalang iyon!





Nagtungo ako sa shower at naligo. Halos tumambay na nga 'ko sa banyo dahil sa nahihiya ako kay Galen. Pero siya? Parang wala lang sa kanya 'yon. As in like parang walang nangyari na sa kanya habang ako halos mabaliw na sa kilig.






Alas syete ng gabi ng pumasok si Galen sa cottage para sa hapunan. Walang imik akong nagluluto sa kusina minsan nag-hum ng songs na buglang pumapasok sa isip ko. Hindi pwedeng ipahalata kong napakalaking epekto sa'kin ng nangyaring halik sa pagitan namin, kahit na malaki naman talaga.






Tipid ko siyang nginitian. "Kain na."








Naupo siya sa hapag habang inihahain ko naman ang pagkain na kakainin namin. Naupo ako sa harap niya't kumain na.





Humarap ako sa kanya. "This is our last night here." nag-angat siya ng tingin sa'kin. "Baka naman pwede nating gawing memorable?" nakangiting saad ko, suggestion lang naman.







He slowly nodded. "Memorable."







Kumain na ko dahil hindi na din naman siya nagsalita pa. Pagkatapos naming kumain sabay kaming tumabay sa may duyan ng magkatabi. Kusa nalang akong napapangiti, gagawin niya talagang memorable?






Tapos habang naglalakad naman kami sa gilid ng dagat hinawakan niya bigla ang kamay ko. Magkahawak kamay kaming naglibot sa buong beach. Hanggang sa magtakipsilim.






Tapos, oh my god. Binuhat ako ni Galen na parang isang bagong kasal habang pabalik kami ng cottage. Todo pigil ako ng ngiti habang nakahilig sa dibdib niya sa mga oras na 'yon.





Nang makarating sa tapat kama akala ko ibababa na niya 'ko pero hindi, ibinaba niya 'ko sa mismong kama ng marahan. Napaiwas ako ng tingin ng magtama ang tingin naming dalawa, nakakapaso yung tingin niya e. "Sige, ano.. kaya ko naman na." inayos ko ang sarili sa kama.







Nagkumot ako't umayos na ng higa sa kama. "I'll take a bath first." paalam niya—oh, em g! First time niya magpaalam sa akin!





"S-sige."






Nahiga ako patagilid habang sumisilay ang isang pilit kong pinipigil na ngiti. Wala na siguro akong balak matulog ngayon. Gising na gising ang diwa ko!



Okay na sa'kin yung mga ganap kanina, memorable na 'yon! Yung holding hands, yung kiss tapos yung bridal na buhat niya. Iyon lang naman ang hiling ko wala ng iba pa, buo na ang araw ko, buo na ang honeymoon namin para sa akin.





Nagpanggap akong tulog ng marinig ang papalapit na yapak ni Gelan, teka bakit ba 'ko nagpapanggap in the first place?








"Stop pretending."





Napanguso ako't hindi pa din gumalaw. Nang marinig ko ang paglapit niya ma mukhang sisilipin pa ang mukha ko doon na ko napaupo't bumangon. Kamuntik pa kaming magka-untugan sa ginawa ko.






At.. hindi ko inaasan na bumalaga sa akin ang anim niyang pandesal—I mean he's half naked at boxer short lang ang pambaba niya. Bakit hindi pa din siya nagbibihis?






Imbis na kumuha ng damit sa closet isinara niya 'yon. "Bakit hindi ka pa din nagbibihis? Lalamigin ka niyan." payak kong sabi pero nanginginig na ang sistema ko sa nakikita. What a nice view!







Tumayo ako't pumwesto sa tapat niya. Ngunit tila nanghina ang tuhod ko sa paraan ng pagtitig niya sa'kin. Kusa akong napaupo sa kama. Napaatras pa nga 'ko ng bigla niyang itinukod ang dalawang braso sa magkabilang gilid ko, omy! anong palabas 'to?




"Erish, you want to make this night memorable right?" paos niyang wika, kusa akong napatango na tila nahihipnotismo sa mga titig niya.





"Then we'll make it memorable."






Napaatras ako ng bigla niyang 'kong kabigin at halikan. Ikinawit ko ang aking mga braso sa kanyang leeg. Pinaibabawan niya 'ko. Tila nalalasing na pinanood ko siyang tanggalin ang buttones ng suot kong blouse. Nang mabuksan niya 'yon mula niya 'kong hinalikan. Hindi ko alam kung paano pero basta nalang niyang natanggal ang bra ko't inihagis 'yon sa lapag.





Napasabunot ako sa buhok niya ng sakupin ng kanyang bibig ang aking isang kabundukan. "Ahh.." napakagat labi ako't mariin na napapikit.





to be continued...

👀

To Be With You ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon