Chapter 04

258 13 0
                                    


Day 2 in Cebu City - "Dungis mo"






Nagising ako sa maingay na tunog ng isang musika. Kinusot ko ang aking mga mata at lumabas ng cottageupang tignan  kung saan nagmumula ang tugtuging 'yon. Natagpuan kong nagigitara si Galen sa gilid kaya naupo ako sa tabi niya.









"Your song?"







He nodded.





He kept strumming the guitar, pinakinggan ko ang tinutugtog niya. Naririnig ko rin na mahina siyang kumakanta at sumasabay sa musika.







"My one and only.. one and only you.."






Napatingin siya sa'kin ng sumabay ako kaya napayuko ako ng ulo. Hindi naman pangit ang boses sadyang nahihiya lang ako kapag kumakanta ako. Pakiramdam ko kasi hindi para sa'kin ang pagkanta.






"You have a nice voice." payak niyang wika.






I nodded. "Salamat." tipid akong napangiti pero ang totoo? Gusto nang umabot ng ngiti ko sa aking tenga. Simpleng papuri lang 'yon pero malaki ang epekto sa'kin, rupok.







"Tara hanap tayo ng makakain sa labas."






I nodded. "Sige,"





Sabay kaming tumayo at nagtungo sa aming cottage. Agad akong nagbihis. Magkatalikod kami sa isa't-isa habang nagbibihis kami ng sabay.





"Are you done?"





"Yes," sagot ko.







Isang plain sleeveless white dress ang isinuot ko. White sandals din at sunglasses ang ipinartner ko rito. Habang siya naman floral na polo na walang inner, at isang simpleng beach shorts na white.




"Tara, let's grab some food."






Sinundan ko siya ng lumabas na siya ng cottage. Nagtungo kami sa isang restaurant, iba naman ito sa una naming pinuntahan. I insist na ako na ang magbayad pero hindi niya 'ko pinapayagan.






Parang ako ang uubos ng pera niya ah?





"Hindi ko ba mauubos pero mo?"




Umiling siya. "Why? Uubusin mo ba lahat ng dish ng resto?"





"Hindi ah."





"Then stop thinking about it, just eat." suplado niyang sabi.





Tumango ako't tahimik na lamang na kumain. Ngumunguya ako ng mapalinga ako. Napakadaming tao sa resto halos mapuno na kahit na may kamahalan ang mga pagkain. Well, deserve din naman dahil masarap ang pagkain nila.





Napatingin ako sa direksyun ng mag-couple na nagtatawanan. They look so cute, actually they're not a teenagers I think they're in mid 60's? Mga ganun. Ang cute nila. Natigilan ako when I felt someone grabbing my chin. Napaharap ako kay Galen.





Nagulat ako ng biglang punasan niya ang gilid ng labi ko gamit ang kanyang hintuturo. "Dungis mo."





Naiwang nakaawang ang labi ko dahil sa ginawa niya. Hindi ko in-expect 'yon. Agad akong napapunas ng tissue sa buo kong bibig. Napayuko tuloy ako. Hindi dahil sa hiya kundi dahil sa kilig. Nakayuko kong inubos ang kinakain ko, at bawat subo talagang nagpupunas ako ng tissue para siguradong walang dungis.





Paglabas namin ng resto nagtungo naman kami sa surf area. Rent Surf Boards. Pumasok kami sa loob upang mamili ng pwedeng magamit. Hindi naman sa nagyayabang ako pero maalam ako sa pagsu-surf lalo't Hawaii ang paborito kong lugar. Palagi akong nasa beach.







Pinili ko yung malaking surfboard. Mahilig ako sa malalaki dahil mas nababalanse ko ito. Malaki din ang pinili ni Galen. Bago pa man siya makapagbayad binayaran ko na ng sabay ang amin.





Napakunot ang noo niya. "Why did you do that?"





"Isipin mo nalang na gift ko 'yan as your wife."




Tipid siyang tumango. "Okay, Thank you."




"You're welcome." nakangiting tugon ko.






Nagtungo na kami sa seaside at naupo muna sa gilid upang panoorin ang ibang mga surfers. Inupuan ko ang aking surfboard gano'n din siya ang sa kanya. Hindi ko maitago ang ngiti ko.






Nagsimula na din kaming magsurfing. Namangha pa nga 'ko ng makitang maalam siya sa pagsu-surf, at halos karamihan sa mga surfers na babae napapatingin sa kanya. But what can I do? Gwapo ang asawa ko e.






Halos ilang minuto lang din dahil sa dami ng mga nagsusurfing din natigil din kami kaagad ng mangalay na't napagod. Bumalik na kaming dalawa sa aming cottage upang magpahinga.





━━━━━━━━
YOONFOREA

To Be With You ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon