Chapter 23

270 13 0
                                    

Natagpuan namin ang grupo nila Duke na kasalukuyang nagsusurfing at nakikisabay sa alon ng dagat ng dumating kami sa napag-usapan kitaan.




Ibinaba ni Stacy ang shades at napanganga sa nakita. "Gosh! They look so hot!"






Halos lahat silang magpipinsan topless. At mukhang na-inggit ang mga kasama kong lalaki dahil naghubadan na din sila ng mga damit sabay balandra ng mga katawan nila.






David and Marlon are now already topless. No lies maganda ang hubog ng katawan ng dalawa kong kaibigan halatang lapitin ng mga babae e
"Mas maganda pa katawan namin diyan." ani ni Marlon.



Natawa si David. "Totoo 'yon par!" nag-apiran silang dalawa.







Agad na lumapit si Duke sa amin matapos nilang magsurf. Ngumiti ako ng makalapit sila Duke sa pwesto namin.






"Hey! Erish."






Kumaway ako sa kanila. "Duke, this is my friend, Stacy," magiliw siyang kumaway "Mavi, David, and Marlon." nakipagkamay dilang lahat sa magpipinsan.




"It's nice meeting you all."





Agad na kaming nagrent ng surfboard na gagamitin namin. Si Stacy na ang nauna, hinila niya nalang bigla ang isang pinsan ni Duke upang magpaturo.




"Please, teach me basic ha? I don't know how kasi."





The guy nodded.





Si David naman ayon, nagsolo na silang magjowa. Si Marlon nakisama sa dalawa pang magpinsan. Kaya naiwan nalang kami ni Duke.





"They look like they're really having fun." aniya.






I nodded. "They are."








"Maybe it's time for you to get some fun?" nginitian ko siya't tumango.






Agad kaming nagtatatakbo patungo sa alon ng dagat at nagsimula nang sumakay sa surfboard. Tila nagpapaligsahan kami kasabay ng mga alon pero ang alam ko lang. Nag-eenjoy ako ngayon sa pagsu-surfing kasi kasama ko ang barkada. Mas lalo pang nakakatuwa dahil palaging nahuhulog.sa surfboard si Stacy.







"Erish! Big waves!"






Senenyasan ko siya ng okay para masabing kaya ko ang alon na 'yon. I'm used to this kind of waves. Big waves. Mas gusto kong malaki ang alon para mas thrill.






Napasuntok kaming sabay sa ere ng malagpasan namin ang malaking alon na 'yon. I'm not gonna lie. He's a pro pagdating sa surfing. Hindi basta ang galing niya ah?







Sinadya kong magpahulog sa dagat ng malapit na kami sa mababaw na bahagi. Nilangoy ko nalang 'yon habang nakahawak sa surfboard na ginamit ko.










Inayos ko ang buhok ko at naglakad nang hanggang sa tuhod nalang ang tubig. Lumapit ako kay Duke na kakaahon lang rin. Nakipag-apir ako sakanya.






Naglakad kami patungo sa mga kaibigan namin na mukhang napagod na din sa pagsu-surf. "Alam mo bang may gaganapin party bukas dito?"






Umiling ako. "Open 'yon sa para lahat, pupunta ka? kayo?"






"Well, I'll ask them first but I'm not sure if makakapunta kami."





"If makakapunta ka, pwede ba kitang maging partner? Kung pupunta ka lang naman."



I chuckled. "Titignan ko."





He nodded. "Alright, balik na tayo sa kanila."





"Tama na ang pagsosolo! May nabubuo na ba kuya!" sigaw ng isa niyang pinsan.







Umiling siya. "Don't mind them."





Nang makalapit na kami sa kanila agad akong nagtungo sa tabi ni David. "Tsk. Galen will be mad for sure." tiningnan ko siya.






"Bakit naman?"





"Hindi mo siya niyaya remember? Plus, kasama mo pa yan." nguso niya kay Duke.





"Walang kami ni Galen, at wala siyang dapat na ikagalit dahil wala naman kami ginagawang masama."






He nodded. "Oh, there he is." napatingin ako sa likod ni Duke.





It's Galen. Holding a surfboard while walking towards us. Topless din siya't nakasuot ng shades.






"Hey man," bati sa kanya ni Duke ngunit nilagpasan niya lang ito.






"I'm sorry but I need to get my wife first, let's go misis ko." napakunot noo ko ng ipalibot nito ang kanyang matipunong braso sa aking bewang at basta nalang ako hinila palayo, hindi na 'ko nakapalag ba ang laki niya ba naman?




━━━━━━━━
YOONFOREA

To Be With You ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon