Chapter 03

290 11 0
                                    



Day 1 in Cebu City - Miss kindness





Si Galen ang naghila ng mga maletang dala ko pagkababa namin ng airport. Hindi naman kabigatan ang akin ngunit he insisted na hayaan ko na daw siyang maghila nun. Gentleman, aasa nanaman ako sa simple actions niya na 'yan. Rupok!








Sumakay kami ng mini bus patungo sa lugar na tinutukoy ni Galen. Isa daw 'yon sa pinakamagandang beach resort dito sa Cebu, but it's not familiar to me.
Kung gagala man kasi ako sa ibang bansa, hindi ko pa nalilibot ang ganda ng Pilipinas.








"We're here."









Agad kaming nagtungo sa bakanteng cottage na itinuro sa amin. Ibinigay nila ang susi at si Galen na ang nagbukas nun. Katapat lang nito ang napakakalmadong dagat.








Ibinaba ko na ang dala kong sling bag sa gilid. Nag-iisa lang ang kama sa loob ng cottage dahil 'yon ang sinabi ni Galen para daw makatipid. Pwro iba dating sa akin nun, syempre kinilig ako. Kinuha ko ang aking maleta at inilabas ang mga sundresses na plano kong suotin habang nandito kami sa Cebu.








Tinupi ko 'yon sa maliit na cabinet para mabilis kong makuha. Isinara ko na din agad ang maleta at nagpaalam kay Galen na lalabas muna ako, abala pa kasi siya sa pagsasaayos ng kanyang mga gamit hindi man lang kang ako nilingon.








Nagtungo agad ako sa mababaw na bahagi ng dagat na hanggang tuhod ko lang. Noong una nakikipagbatuhan lang ako ng tubig sa mga batang lumalangoy hanggang sa basang-basa na 'ko kaya tinuluyan ko na ang paglangoy at nakisabay sa iba pang mga lumalangoy na mga tourista.







Nasa kalayuan na 'ko ng matanaw ko si Galen na kalalabas lang ng cottage. Lalangoy sana 'ko palapit ng mapansing may kausap siya sa cellphone. Hindi lang 'yon. Lumabas pa ang dimple niya dahil sa laki ng ngiti niya.









Sino naman kaya ang kausap niya?








Lumangoy na 'ko pabalik ng mapansing nawala na siya sa paningin ko. Agad kong binalot ang sarili ng tuwalya at bumili ng isang fresh buko juice na nasa gilid.








Kinahapunan sabay kaming kumain ni Galen sa isang resto na malapit lang sa cottage namin. Nagkaroon pa kami ng discount dahil may couple discount daw sila at mukhang magcouple naman daw kami gusto ko nga sanang hindi lang kami basta couple mag-asawa kami but I didn't bother tutal mukhang wala namang pakialam si Galen.








Hindi ko alam kung nag-eenjoy ba siya ngayon dito dahil tahimik lang siya at nakiki-go with the flow lang. Hiling ko lang na sana kahit kaunti nag-eenjoy naman siya.







Pagkatapos naming kumain nagtungo naman kami sa isang convenience store. May kailangan daw siyang bilhin kaya bumili na din ako sa loob. Mga biscuits and juices ang binili ko. Nang magtungo na 'ko sa counter upang magbayad sakto namang katatapos lang ng kay Galen.









Agad akong lumapit sa kanya upang tanungin ang binili niya. "Anong binili mo? Galen?"








He didn't answer. "Sa'kin juice and biscuits baka kasi magutom ako bigla nakakatamad bumili sa labas."







He nodded. Hindi ko na pinakialaman pa ang binili niya. Karapatan niya 'yon itago dahil sariling pera naman niya 'yon. Saka bakit nga ba 'ko nangingialam?







Habang nasa daan kami pabalik biglang mag humarang sa'kin na bata at dahil nauna ng lakad sa'kin si Galen hindi niya 'ko napansing tumigil, dahil wala din naman siguro siyang pakialam kung titigil ako.






"Ate, palimos po."







Napakadungis niya. Halatang nasa lansangan talaga siya nakatira. Napanguso ako. Mahina ako pagdating sa mga batang ganito. Pakiramdam ko kasi hindi nila deserve yung ganito, they deserves better.






Agad akong kumuha ng five hundred sa aking wallet at ibinigay 'yon sa bata. "Pagkain ang ibili ha?" tumango ang bata.





Napangiti ako ng magtatatalon ito habang lumalayo. Kawawang bata, they deserve better. Humarap ako sa kaninang direksyun ni Galen dahil akala ko nakalayo na siya, ngunit napaatras ako't nagulat ng nasa mismong harapan ko na siya.






"A-akala ko nakalayo ka na."





Tipid siyang ngumiti. "Tara na, miss kindness."




━━━━━━━━
YOONFOREA

To Be With You ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon