Chapter 28

281 11 0
                                    




Hinalikan ko ang labi niya ng paulit-ulit. Lalo akong kinabahan dahil wala pa din siyang reaksyon.





"Galen! Please gumising ka! Magpapakasal pa tayo ano ba?!" hinalikan ko siya muli sa labi but this time nagulat ako ng bigla siyang tumugon sa halik ko.






Nanlaki ang mga mata ko't mahigpit na yumakap sa kanya. "O..my! Galen!" naiiyak na sumubsob ako sa leeg niya.








He chuckled. "I knew it, hindi mo 'ko kayang tiisin." naramdaman kong ipinalibot niya ang kanyang mga braso sa aking bewang.





"Baliw ka! Pinag-alala mo 'ko ng sobra!" inis na pinaghahampas ko ang dibdib niya, ngunit pabiro lamang 'yon.






He smiled. Agad niya 'kong niyakap ng mahigpit then he caresses my face with his one hand. "I'm glad you're worried about me."








Kusa kong ipinikit ang mga mata ko ng maglapat ang aming mga labi. Buong puso akong tumugon sa halik niya. We nibbled each other's lips full of happiness. Siya na ang unang humiwalay at pinagdikit ang mga noo namin.









"Totoo ba ang narinig ko? Magpapakasal tayo ulit?"









I nodded. "O-oo... Galen."







Tipid siyang ngumiti. "Do you still love me despite everything that happened?"








I nodded wholeheartedly. "Oo, hindi magbabago ang pagmamahal ko sayo, Galen. Mahal na mahal pa rin kita." at 'yon na nga nasabi ko na ang tunay na laman ng aking puso.








Umangat ang gilid ng kanyang labi. "I love you more than you do, Erish." I cried. Nagyakap kaming dalawa sa gitna ng maalon at napakalawak na dagat.







Tama nga 'ko sa karagatan ko nga mahahanap ang kapayapaang hinahanap ko.









Napatingin kami sa bangkang pumalibot sa'min. Napangiti ako ng makitang ang aming mga kaibigan. "Wohooo! Nice one!" sigaw ni David.






Agad kaming inalalayan ng mga ito na umakyat sa bangka. "So, when yung second wedding ha?" wika ni Stacy.







Galen kissed my forehead. "Well, it depends on my wife, kailan ba asawa ko?"








"Ah, putcha! Asawa ko daw oh!" wika ni Marlon.








"Pag-iisipan ko muna."







Nahiyawan sila hanggang sa makarating na kami sa tabing dagat. Niyakap naman kami ng mga magulang namin ng makalapit kami. "Pinag-alala niyo kami kayong mga bata talaga." wika ni Mama.








"Pasensiya na po ma,"







"Napakatapang mo, Erish." wika naman ng ina ni Galen.






"Salamat po."





"Ikaw din pinag-alala mo 'ko ah? Aba'y akala namin nalulunod ka na talaga."







Galen chuckled. "I'm sorry ma,"






Nagsibalikan na din kami sa sari-sarili naming mga cottage na parang walang nangyari. Magkatabi kaming nakahiga ni Galen ng magkayakap sa kama niya.





"Ngiting-ngiti ka." nakaanguso kong wika habang tina-trace ng daliri ko ang baba niya.








"I'm just so happy you're now here, with me." nakangiting wikang niya.







"Masaya din ako, Galen. Ngayon malaya na 'kong yakapin ka. Hindi na tulad noon."






Humarap siya sa'kin at ngumiti. "Forget about it. Because the old Galen sucks." we both chuckled. "But I'm here, the new Galen, who will love until forever ends."







Inabot ko ang labi niya upang halikan 'yon. We exchanged kisses. Gumapang ako't pumaibabaw sa kanya ng hindi pinuputol ang halik. Inalalayan naman niya ang bewang ko habang nasa dibdib naman niya ang dalawa kong palad.







Sa bawat paghalik ramdam ko ang pagngiti niya. Naglaban ang dila naming dalawa at parehas ding nagsi-sipsipan ng mga labi.







Napatigil lamang ako ng maramdaman sa aking pwetan ang pagbukol ng isang malaking bagay sa kanyang suot na summer shorts.



"Fuck! It's just a kiss but look how you affect me, asawa ko."





I giggled.






Humiga muli ako sa tabi niya't tumalikod sa kanyang gawi. He spooned me. "Let's sleep na, baka sa'n pa tayo magtungo nito." bulong niya sa likod ko.







Nakatulog na lang din ako habang nasa piling ng mainit at masarap niyang yakap.




Goodnight, asawa ko.




━━━━━━━━
YOONFOREA

To Be With You ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon