Chapter 13

259 13 0
                                    

Fake it 'till you make it




Nagising ako ng may naramdaman akong kumakapa sa noo ko. "Wala ka namang lagnat." rinig kong anas nito.





Aga akong napaupo at napapikit-pikit. Anong ginagawa niya rito sa kwarto ko? Bakit siya biglang pumapasok?!






"Anong ginagawa mo?"






Inismiran niya 'ko. "Buong araw kang hindi kumain kahapon. So I checked if may sakit ka, pero wala naman. Normal naman ang temperature mo."






Kailan pa siya nagkaroon ng pakialam kung kakain ako o hindi? Himala.







"Hindi ba pwedeng ayoko lang? Kailangan may reason talaga?" hindi ko alam kung bakit tila naiirita na 'ko sa kanya. Parang nawawala na yung anghel na si Erish na baliw sa kanya bigla ah?







"Masama mag-skip ng meals, Erish."







Napairap ako. "Alam ko, kargo ko naman sarili ko kung may mangyari."





"What the heck is happening to you?" taka niyang wika.






"Wala, at saka diba may pasok ka?" bakit 'di pa ito naalis?





"I skipped my class."




"At bakit?!" hindi makapaniwalang wika ko. As far as I know mahalaga ang klase niya para sa kanya. Mas mahalaga pa nga sa alin 'yon to be exact.





"Because I thought you're sick."





Napamaang ako roon. Talaga ba? Nag-skip siya ng class dahil akala niya may sakit ako?





Palihim kong kinurot ang sarili ko.






Ano ba, Erish? Wake up! Syempre kapag nagkasakit ka siguradong siya ang mapapagalitan dahil masisisi siyang hindi ka niya inaalagaan ng maayos, takot lang niyang mapagalitan noh! sermon ko sa sarili.






"Ngayong alam mo ng wala akong sakit humabol ka na sa klase mo." malamig na wika ko sabay baba ng kama.






"Are you sure?"






Hinarap ko siya. "Gusto mo tumambling pa 'ko dito sa harap mo para sure talaga?" gagawin ko talaga.






He shook his head. "Hindi, wag. Sige hahabol na 'ko sa klase ko."






It's better late than never, ika nga nila.



Nagtungo na 'ko sa banyo at nagbabad sa bathtub. Hindi na dapat niya 'to ginagawa. Walang siyang kamalayan sa mangyayari sa susunod na linggo. Hindi niya alam na lalaya na siya mula sa pagkakatali sa'kin na alam ko ikakatuwa niya ng bongga.






Pagkalabas ko ng aking kwarto nagtungo ako sa kusina. Napakunot ko ng madatnan ko ang likod niya't abala siya sa pagluluto roon.





"Hoy! Akala ko ba hahabol ka sa klase mo?"






Humarap siya sa'kin at pinakita ang niluluto. "Siguro naman kakain ka na? Nagluto ako ng arroz caldo." pambabaliwala niya sa sinabi ko, inilapag niya ang hawak na mangkok sa hapag.





Nauntog ba 'to? O baka naman tinamaan ng bola ng volleyball kaya naalog ang utak?





"Kain ka na."





Tipid akong tumango sa kanya. Kinuha ko ang kutsarang ibinigay niya't tinikman ang luto niya. "Masarap?"






Tumango ako. Itinuloy ko ang pagkain habang siya naman ay kumuha ng sariling bowl at nagsandok ng sa kanya.





Tumabi siya sa'kin at kumain na din. Tahimik lang ako. Hindi na 'ko magbalak pang magsalita. Kung noon niya 'ko nilutuan ng ganito baka mabibingi na siya kakapuri ko, tapos mahimatay pa ako sa kilig.



Inubos ko kaagad 'yon. "Salamat sa breakfast." ani ko.





Tumayo na ko't nagpaalam na sa kanya. Ngunit natigilan lamang ako ng magsalita siya. "Do we have a problem, Erish?"






Umiling ako. "Wala. Bakit mo naman naisip 'yan?"





"Akala ko lang kasi.."








Ngumiti ako. "Kasi cold ako gano'n? Like what you said before Galen, you're gay. Bakla ka. What if may someone ka na pala? Tinuturuan ko lang ang sarili kong dumistansiya." because I know one day babalik ka din sa taong gusto mo, at alam kong hindi ako 'yon.






Natahimik siya't napayuko. Hindi na 'ko nakarinig pa sa kanya ng mga salita hanggang makapasok ako ng aking kwarto.





Maybe, maybe I need to fake this, 'till I make it.




━━━━━━━━
YOONFOREA

To Be With You ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon