Chapter 21

291 11 0
                                    

Akala ko naka-move-on na 'ko. Pero habang nakikita ko kung paano ipinaliwanag ni Galen ang parte niya parang nanumbalik bigla ang kakaibang klase ng pagbilis ng pagtibok ng puso ko.






Halos hindi na 'ko makahinga ng maayos habang nagsasalita siya sa harap ko. Napakabilis ng tibok ng puso ko. Tila nagkakarera ito na hindi ko maintindihan.






"Walang mababangenge ah? Inom lang." paalala ni Marlon.






"You're the one who will become bangenge, Marlon not me!"





"Sinabi ko bang ikaw?"





"Hmp!" umirap ito.



Napangiti ako sa bangayan nila. Nabaling naman ang tingin ko sa couple na nasa gilid. Tahimik lang sila habang magkayakap na umiinom.


"Shot." ani ni Marlon sabay abot sa'kin ng isang baso. Kinuha ko 'yon at inisang lagok. Nangasim ako sa pakla, ang tapang!






Inabot ko kay Galen ang baso na nilagyan ko ng alak. Inisang lagok niya 'yon na parang wala man lang ang tapang nun sa kanya.






Naiilang na nga 'ko sa kanya dahil panay ang titig niya sa'kin. Hindi ko alam kung may dumi ba 'ko sa mukha o sadyang may kailangan siya sa'kin.





Kinuha ko ang basong pinag-inuman niya't lumapit sa kanya. Umusod ako sa tabi niya. "May kailangan ka ba? O sasabihin?"










Umiling siya. "Then stop staring at me, don't tell me lasing ka na?" tumaas ang gilid ng labi niya't umiling ulit.








Lumayo na 'ko sa kanya at bumalik sa dati kong pwesto. Hanggang sa mag-ayang sumayaw si Stacy sa gitna. Hinila niya si Galen patungong dance floor habang sumunod naman ako sa kanila.







Agad na nag-dance showdown sila Marlon ang Stacy sa gitna ng dance floor. Lalo na ng tumugtog ang hips don't lie ni Shakira. Nagki-kembot na din ako dahil nadadala na din ako ng sayawan nila.





I never really knew that she could dance like this..





Damang-dama ko na ang pagsayaw ng may maramdaman akong dalawang pares ng palad na lumapat sa aking bewang. Pasimple kong sinilip si Galen na nasa likod ko. At dahil mas maliit ako sa kanya kitang-kita ko ang paggalaw ng adam's apple niya habang nag-i-sway din ang kanyang katawan sa aking likod.









Hindi siya nakatingin sa'kin dahil nakatingin siya kila Marlon at Stacy na nagpapaligsahan sa gitna ng dance floor.






She make a man wants to speak Spanish




"Cómo se llama? bonita.. Mi casa.. su casa.." pagsabay niya sa kanta.






Umalis saglit si David at bumalik na may dalang bote na ng alak. Pinagbibigyan niya kami ng mga baso, kaya habang nasa gitna ng dance floor patuloy pa din kami sa pag-inom.






Nilamon na siguro ako ng alak because I found myself leaning my back on Galen's chest while I kept swaying my hips through the rhythm music.





Oh, baby when you talk like that you know you got me hipnotised




Hindi niya pa rin inaalis ang kamay sa'king bewang. Tinatanggal niya lang ang isa kapag umiinom ngunit agad ding ibinabalik.





Tila nangilabot ako ng maramdaman ko ang hininga niya sa'king tenga. At nagugustuhan 'yon ng katawan ko sa hindi malamang dahilan. I grab his nape while swaying and dancing in front of him.





Nakatalikod pa rin ako sa kanya kaya nang madikit ako lalo naramdaman ko na ang hindi ko dapat maramdaman sa ibaba. Dumidikit 'yon sa aking pwetan.






"You're drunk." bulong niya na ikinakiliti ng kaloob-looban ko.






"Hmm." I slowly nodded. "Inaantok na ko."







Napabungisngis ako ng maramdaman ang hininga niya sa tenga ko. "You want to sleep?" tumango ako.




Agad niya 'kong binuhat na parang isang bagong kasal. Nagpaalam na siya sa mga kaibigan namin na babalik na kami.





"You drunk too much."







"Hmm." lumapit ako sa leeg niya't inamoy 'yon bakit parang ang sarap ng amoy niya ngayon?







"Erish, stop."






I started planting kissed on his neck. Ang bango-bango, nakaka-adik. Epekto ba 'to ng alak? Because I want more.







Naramdaman kong nahirapan siya sa pagbubukas ng pinto ng cottage pero wala doon ang atensyon ko kundi nasa leeg niya. Ang sarap niya halikan roon.






Agad niya 'kong ibinaba sa kama ng aking kwarto. At pinaibabawan.







"Stop, you're drunk, Erish. We can't do it." diin ngunit nahihirapan niyang wika.








Napanguso ako. Kinuha niya ang kamay ko at basta nalang 'yon inilagay sa bagay na bumubukol sa kanyang pantalon. "This, look how you affect me." napalunok ako ng maramdamang lumaki lalo 'yon.







"Kaya please matulog ka na, nakainom din ako, Erish. At hindi ko na mapipigilan pa ang sarili ko sa oras na magtatagal pa 'kong kasama ka." namumula na ang mukha niya habang sinasabi ang mga 'yon, pansin ko din ang patuloy niyang paglunok dahil sa paggalaw ng kanyang adam's apple.







Naliliyong tumango nalang ako. Umalis na siya sa ibabaw ko't kinumutan na 'ko. Hinalikan niya ang noo ko bago niya isinara ang pinto ng aking kwarto. Nakatulog na din kaagad ako dahil sa sobrang antok dala ng alak.




━━━━━━━━
YOONFOREA

To Be With You ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon