Chapter 16

265 13 0
                                    


Arjo

"Ano 'yon?"



Napatingin ako sa tinuro ni David. Ngunit napalingon naman kaagad ako sa kanya ng hawakan niya ang baba ko't iharap ako sa kanya.





Tinapik ko kaagad palayo ang kamay niyang nasa baba ko. "Alam mo isusumbong kita kay Mavi." agad naman bumalantay ang takot sa mukha niya.





"Ano ba wag.. rizz kasi ang tawag do'n."





Natatawang inirapan ko siya. "May pa rizz, rizz ka pang nalalaman diyan. Pakicontact nung dalawa. Ilang taon na tayong hindi nagkakasama. Magbabakasyon tayo."





Agad lumaki ang ngiti niya. "Weh? Libre niyo?"





I nodded, ito talaga si libre oh. "Saan naman?" aniya.




"I don't know. Ang sabi nila mama somewhere here in the Philippines. Surprise na daw 'yon."





He slowly nodded. "Mysterious ah?"





We both contacted our friends.


Sila, Stacy, Marlon, and Rose, but unfortunately she can't attend dahil she's nowhere to be found.





We included din si Galen. He's our friend after all, but I guess makakasama naman talaga siya kahit hindi ko na sabihin. Both of our families decided na magsama-sama kami sa pagbabakasyon. And we all agreed. Isama na din daw namin ang mga friends namin. Reunion na din 'yon para sa amin.






"I already emailed and direct message them, siguro naman matatanggap nila 'yon."








Tumango ako. Nagmessage na din kasi ako sa kanilang dalawa pero mukhang hindi pa din nila nababasa kaya humingi na 'ko ng tulong kay David.






"So, kasama pa rin si Galen?"






I slowly nodded. "Oo, mga magulang namin ang nagdecide na magbakasyon so kasama talaga siya."





He nodded. "Is it okay with you? Paano ka?"





"Wala naman na sa'kin 'yon. Ako naman ang nanghimasok ng relasyon diba?"






"Let me remind you, wala kang ginawang mali okay? Hindi mo alam na may boyfriend siya."







Nagbaba ako ng tingin. "Hindi ko pa rin maiwasang maguilty. Minahal ko yung tao eh."






Simula kasi noong ikasal kami parang tinanggalan ko na siya ng karapatan sa boyfriend niya, which is in the first place hindi naman dapat. Alam kong hindi niya gusto ang kasal na naganap sa pagitan naming dalawa. Sana naman kasi sinabi niya kaagad 'diba? Edi nalaman ko sana.








Hinimas niya ang balikat ko. "You'll get through this. I know the time will come darating din yung taong para sa'yo."







I sarcastically laughed. "Sana noon kasi naniwala na 'ko sa kanya na hindi totoo ang mga fairytales."










"Maybe fairytales aren't true, but forever is."








Napangiwi ako sa kanya. "Walang forever. Aldub nga naghiwalay." natatawang ani ko, sinubo ko ang cake na in-order namin.







"Dahil dumating na yung totoong forever ni Maine, si Arjo. Malay mo nasa aldub era ka pa and someday darating din yung Arjo sa buhay mo."









Tumango ako't humagikgik ."Ikaw ha? Aldub fan ka din." natatawang wika ko. Hindi ko in-expect 'yon mula sa kanya, updated?








"Well, hindi ka na dapat magulat, babad 'to sa social media 'no."








Sabay kaming nagtawanang dalawa.






Pagkatapos nun nagpaalam na kami sa isa't-isa. Nagtungo na 'ko sa aking kwarto at agad na humilata sa kama.






Hindi pa din naman sa'kin nawawala ng tuluyan ang paniniwalang totoo ang fairytales. Ngunit hindi ko na gano'ng in-acknowledge. Mahirap na din kasing umasa, masakit masiyado.





Sa ngayon hihintayin ko nalang ang Arjo sa buhay ko.





Tama si David, baka nga nasa aldub era pa 'ko. Kailangan ko lang sigurong hanapin ang sarili ko para mahanap na din ako ng taong magiging Arjo ng buhay ko.





━━━━━━━━
YOONFOREA

To Be With You ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon