Chapter 05

259 10 0
                                    



Day 3 in Cebu City  - "None of your business."





Nakatambay lang ako ngayon sa harap ng cottage namin habang pinapanood ang mga masasayang mga pamilyang nagtatampisaw sa dagat, ganun din ang iba pang mga tourista.






Kaninang umaga kasi umalis si Galen may kailangan daw siyang daanan sa bayan na hindi man lang niya sinabi kung ano pero saglit lang naman daw at babalik kaagad siya.






At dahil wala naman akong magawa tumayo na ko't may naisip na idea. Kumuha ako ng isang malinis na tela sa loob. Lumabas na ko't inilatag 'yon sa maputing buhangin, hindi literal ah? Inilagay ko na rin ang pinamili akong pagkain sa paligid, puros junk food naman 'to.






Naisip ko lang na mamaya pwedeng mag-picnic kami ni Galen habang nanonood ng sunset lalo't napakagandang spot 'to para gawin 'yon. Ang sweet nun diba? Iniisip ko palang ang eksenang 'yon kinikilig na buong pagkatao ko.







Hiling ko lang na sana before magsunset makabalik na siya sayang naman kung madilim na siya darating hindi na namin mapapanood ang sunset.







Nilamok na ko't lahat-lahat wala pa rin siya. Hanggang sa nag-alas syete na pero wala pa din siya. Alas kwatro siya umalis ah? Akala ko ba saglit lang siya sa bayan? Ano ba kasi talaga ang ipinunta niya roon?






I have no choice. Iniligpit ko na ang inihanda kong pang-picnic, sana. Inilagay ko na 'yon sa loob ng cottage at itinago. Lumabas na lamang muli ako't naglakad-lakad hanggang sa mapadpad ako sa isang bar. Hindi naman siguro masamang gumimik mag-isa, pero malungkot. Honeymoon ba talaga 'to?





Agad akong pumasok roon at napatakip ng tenga sa lakas ng hiyawan ng mga tao. Idagdagan pa ang pagka-lakas-lakas na musika. Mga lasing. Hindi ito ang unang beses kong makapasok sa isang bar pero kakaiba rito dahil talagang napaka-ingay, sobra. Dala na rin siguro ng dami ng tourist kaya lalong umiingay dito sa loob.






Nagtungo sa bar counter at napatingin sa drinks nilang nasa itaas. Hindi ako palainom na tao kaya hindi pamilyar sa akin ang mga inumin pero mukha naman silang masarap? Tuwing nayayaya lang kasi ako nainom tapos wala pa 'kong ideya sa naiinom ko. Ngayon lang talaga siguro ako iinom ng mag-isa, parang may problema ih. Hays, meron naman talaga.







"Martini?" ani ko. "Masarap po ba 'yan?" inosenteng tanong ko. May kapangalan yun na artista, si Coco Martini—joke, corny 'di pa nga ako nakakainom.






"Depende po ma'am first time niyo lang po ba?"






Umiling ako. "Hindi naman." hindi siguro? Base sa itsura kasi parang nainom ko na siya dati hindi ko lang maalala kung anong lasa niyan.







"You should try it, ma'am! Baka po magustuhan niyo po 'yan." maganang wika niya.







Tipid akong ngumiti. "Sige, isa po."






Nag-alangan pa 'kong inumin 'yon dahil sa tapang ng amoy ngunit inisang lagok ko nalang. Napakatamis na maasim na hindi ko malaman, basta ganun.





"Masarap po ma'am?"







I shrugged. Hindi ko nga maintindihan ang lasa. Tumingin muli ako sa drink list nila at nagmini-mainimo.  "Yung Manhattan po ate, isa."





Inisang lagok ko muna iyon at agad nangasim sa pakla. Ang tapang naman!
Ayoko na. Nahihilo na 'ko sa dalawa.







Bigla tuloy akong inantok. Yumuko ako sa counter habang nakatutok ang aking mga mata sa mga nagsasayawang tao.



"Hi."








Nag-angat ako ng tingin habang nakayuko pa din. Itinuro ko ang sarili ko. "Yes, you." he chuckled.







Anong nakakatawa dun?






Tinanguan ko siya. "Looks like you're alone here."






I shook my head. "May kasama ako, hindi mo lang nakikita." I grin.





Napaawang ang labi niya. "Ano? Sino?"






Napairap nalang ako. Naniniwala talaga siya? Iba talaga mga lasing e 'no?







I sighed.






Inaantok na talaga 'ko. Nakabalik na kaya si Galen? Nakakain na ba siya? Ako kasi hindi pa, gumana kasi ang pagiging stubborn ko.





"You're leaving?"





I nodded. "Opo, aalis na 'ko bye." lumabas na kaagad ako ng bar.





I still managed to walk straight kahit na nahihilo dahil 'kundi siguradong hindi ako makakabalik ng maayos sa cottage namin. Nakabukas ang cottage ng dumating ako kaya siguradong nandito na si Galen, and I guess I'm right.






I saw him. Nakapamewang siya habang ginugulo ang makapal na buhok. "Galen."





Napaharap siya sa'kin habang nakakunot ang noo. "Where have you been?"






Napangiti ako. "Why? You're worried?"





"Answer my question."






Tipid akong ngumiti. "Ikaw ba? Where have you been?"





"Sa bayan nga."




"Anong ipinunta mo doon?"




"None of your business."




I sighed. Hindi naman talaga niya sasabihin sa'kin 'yan bakit pa nga ba ako mag-aabalang magtanong?





"Nagpunta ako ng bar." I said.




He nodded.






"Huwag kang mag-alala tumikim lang ako, hindi ako naglasing." tipid akong ngumiti at linagpasan siya, baka lang kasi diba nag-alala siya?






Tumalikod ako't ibinagsak ang sarili sa aming kama. Bakit pakiramdam ko may kakaiba? Ano ba kasing ginawa niya sa bayan? Bakit kailangan niyang pumunta doon habang nasa honeymoon kami?




━━━━━━━━
YOONFOREA

To Be With You ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon