Chapter 27

289 11 0
                                    





Hindi nag-sisink-in sa'kin ang nangyayari. Mahal niya 'ko? Parang ang impossible. Nakakainis lang dahil hindi ko maikakailang may bahagi sa puso ko na natuwa dahil sa nalaman.




"Woi!"






Napaigtad ako ng may biglang pumatong na mabigat na kamay sa'king balikat. "David naman."







"Hehe, sorry ano bang iniisip mo diyan? Ang lalim eh, muntik na 'kong malunod."







Bumuga ako ng hangin. "Naguguluhan na kasi ako." ipinagkrus ko ang aking mga braso at humarap sa dagat.






"Hmm, saan?"







Nagdadalawang isip tuloy ako ngayon. Dapat ko bang sabihin sa kanya?






I gulped. "Galen and I.."








His jaw dropped. "Ha! Don't tell me you two." pinag-kiss niya ang dalawang kamay.







"Ssh! Hindi kasi 'yon!"








"So, ano nga? Bakit ka naguguluhan? Share mo naman."







I nibbled my bottom lip. "Sabi niya kasi.. ano.."






Nilapit niya ang mukha sa'kin. Napakachismoso talaga. "Ano? What he said?"





"Ano.. sabi niya..."





Kulang nalang ingudngod niya ang mukha sa'kin kaya tinulak ko palayo ang mukha niya palayo sa'kin. "Ano bang sabi niya kasi? Nabibitin yung tao oh!"








I sighed. "Sabi niya mahal niya daw ako.."







Nanlaki ang mata niya. "And? What did you say?"







I shook my head. "Wala. Tumakbo ako eh."






Napangiwi siya. "Bakit ka naman tumakbo? Erish, he's confessing his feelings to you malay mo siya pa rin yung Arjo na darating na buhay mo."










I gave him an confused look. "What? Hindi mo pa din kinakalimutan 'yan?"









Tumango siya. "Oo, kasi kayo eh ang tagal ng happy ending niyo nabuburyo na 'ko sa mga susunod na galaw niyo."







"Hoy! Akala ko ba ligwak na si Galen para sa'yo?"









He whistles. "Dati 'yon kasi iba na ngayon nakikita ko na ang pagbabago niya. Erish, everyone deserves a second chance."











"But what if infatuated lang siya? Hindi naman pala love yung nararamdaman niya?"








He shrugged. "I don't know pero hindi naman kayo aabot sa punto na 'to kung infatuated lang siya sa'yo. I mean, I can feel it Erish, maging bakla man siya, homo or gay or whatsoever lalaki pa rin 'yon ramdam kong totoo siya sa nararamdaman niya sa'yo."








"Argh! Nakakinis!" I screamed.






He chuckled. He tapped my shoulders and pointed his index finger at my heart. "Ayan pakinggan mo 'yan hindi nagsisinungaling 'yan." he implied before leaving me.








Napahawak ako sa aking dibdib. Should I follow you?









Seven in the evening mag-isa pa din ao sa cottage. I'm applying my night skincare while waiting for Galen. Kanina pa siya hindi mahagilap ngunit hinayaan ko nalang din dahil baka napagtanto na niya sigurong dapat na 'kong iwasan, na hindi pala niya 'ko mahal na baka infatuated nga lang.







Bathrobe lang ang suot ko habang bikini naman ang nasa loob balak kong lumangoy mamaya bago kami matulog. Kailangan ko lang makaramdam ng kapayapaan, at pakiramdam ko ngayon sa dagat ko 'yon matatagpuan.








"Ah! Omg! Someone is drowning!"







Naibaba ko ang hawak kong smoothing gel dahil sa narinig. Agad akong lumabas ng cottage, nasalubong ko ang aking mga kaibigan pati na din ang mga magulang ko na nagtatatakbo malapit sa dagat.










"What happened?" tanong ko sa isang staranger.







"We don't know the guy pero nalulunod siya look!" tinuro niya ang isang taong nagpapalutang-lutang sa dagat.





It's Galen.






Hindi ko man nakikita ng buo ang mukha niya ngunit ramdam ko, ramdam ng puso kong siya 'yon!







Agad kong hinubad ang robe ko't nagmamadaling lumangoy patungo sa kanya. Narinig ko pa ang nag-aalalang sigaw ng mga magulang at mga kaibigan ko ngunit hindi ko na 'yon inintindi pa.






"Galen!"






Todo ang paglagabog ng dibdib ko habang papalapit ako sa kanya. Agad ko siyang niyakap at itinaas ng mahawakan ko siya.






I tapped his cheeks. "Galen! Please wake up!"







Nakapikit pa din siya habang nakahilig sa balikat ko. "Galen naman! Hindi ka pwedeng mamatay ano ba!"







Nanlalabo man ang aking paningin ngunit nakikita kong nagsisilanguyan na din papalapit sa amin ang iba ko pang mga kaibigan.






"Galen! Please wake up!"






to be continued...


To Be With You ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon