Chapter 20

287 14 0
                                    


He knew




"Let's go to the bar later."






Napailing si Marlon. "Talaga ba Stacy? Ang baba kaya ng tolerance mo sa alak."





"Gosh! Nandiyan naman kayong boys 'no."






Napailing si David. "Oo nga Stacy susukahan mo lang kami niyan eh." aniya sabay hawak sa kamay ng kanyang nobyang si Mavi.







"Inaapi niyo 'ko! Nakakainis kayo!" pinagkrus nito ang braso. "Basta later tuloy tayo ah? Right, Erish?"








Tumango ako. "Oo, sige."








"Galen, ikaw din ah? Sumama ka, tatahi-tahimik ka diyan." wika ni Marlon.







Tipid itong tumango. Napag-usapan namin ang ganap namin para mamayang gabi. Mag-ba-bar daw kami. Magpaparty. Magliwaliw. Magsasaya.





Napili kong suotin ang dress na iniregalo lang din sa'kin ng isa kong pinsan.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.






Hindi ko pa ito nasusuot simula noong nairegalo ito sa akin. Ngayon palang ang unang beses. Inilapag ko 'yon sa itaas ng kama at lumabas na ng aking kwarto.







Napaatras pa 'ko ng mapansing nakatayo mismo sa harap ko si Galen. "Bakit?" taka kong wika.







"May hindi ka ba sinasabi sa'kin, Erish?"





Tinaasan ko siya ng kilay. "Ako ba talaga ang may hindi sinasabi?" sa pagkakaalala ko siya ang may hindi sinasabi sa'kin—urgh! Bakit ko pa ba iyon inaalala?






"What do you mean?"






I sighed. "Alam kong may boyfriend ka, Galen, at alam kong siya ang ipinupunta sa mo sa bayan noong nasa Cebu tayo."







Naitikom niya ang bibig.






"Bakit hindi mo sinabi sa'kin? Itinuloy ko yung kasal dahil ang alam ko wala, umasa ako, Galen."







"Sekreto lang ang relasyon namin." napayuko siya. "Hindi tanggap ni Dad na lalaki ang gusto ko kaya isinekreto ko ang relasyon namin. Hanggang sa nalaman ko nalang na ikakasal na 'ko sa'yo." tumingin siya sa'kin. "Hindi ko tinanggihan dahil alam kong kukwestunin ako ni Dad kung tanggihan ko 'yon."







"Ginawa mong panakip butas yung kasal." tang.. na ang sakit.






He slowly nodded. "I'm sorry, Erish. Patawad kung pinaasa kita." sinsero niyang wika.





"Wala kang dapat ikahingi ng tawad. Ako din naman ang may gusto. Ipinilit ko yung sarili ko sa'yo. Ako ang dapat humingi ng tawad. Sorry, Galen."






Tinalikuran ko na siya bago pa man tumulo ang nagbabadya kong mga luha.





"We broke up."






Natigilan ako roon, at hinarap siya. "What? At bakit naman?"





He sighed. "I know what he did to you. He's the reason why you have those bruises that night right?"










Sinabi ba ni David? Ang pasaway na 'yon. Nakagat ko ang pang-ibabang labi.






"Sino namang may sabi niyan?"







Inilabas niya ang kanyang cellphone at ipinakita sa'kin ang video kung saan pinapakita ang pagsampal sa akin ng kanyang boyfriend.





"This video went viral kaya nalaman ko."





Umiling ako. "Wala na 'yon nakalimutan ko na 'yon. Don't tell hiniwalayan mo siya dahil diyan?"






He nodded. "What? Ang babaw mo naman Galen!"





He eyed me. "Sinaktan ka niya, Erish. That's enough reason para hiwalayan ko siya." seryoso niyang wika.







Natameme ako roon.






"Kaya huwag mong sabihing mababaw 'yon, Erish. Sinaktan ka niya, isang lalaki na mas malakas sa'yo. Lalaki 'yon na dapat ang papel ay nirerespeto ang mga babae, kahit pa anong katauhan niya."





Napakaseryoso niya habang sinasabi ang mga 'yon. Tila naubusan ako ng salitang lalabas sa aking bibig. Nakatingin lang ako sa kanya habang seryoso siyang nagsasalita sa harap ko.






"Oo, minahal ko ang boyfriend ko, Erish. Pero hindi ako nagmamahal ng bayolenteng tao."







Nagbaba ako ng tingin. "Huwag mong isipin na kasalanan mo kung bakit kami naghiwalay. Kasalanan niya 'yon dahil hindi niya inayos yung sarili niya. At mas lalong hindi ko nagustuhan ang katotohanang sinaktan ka niya." kita ko kung paano umigting ang panga niya na tila talagang galit ngunit halatang pinipigil niya 'yon.






Kaya ko bang sumugal ulit?




━━━━━━━━
YOONFOREA


karupukan to the finest!

To Be With You ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon